Mga Pagkaing Swak sa Budget at Masagana sa Sustansya

Kulang man ang kita para sa pang araw-araw mahalaga parin sating mga Pilipino ang kumain ng gulay.  Lagi natin tatandaan na kahit kulang sa ...

Kulang man ang kita para sa pang araw-araw mahalaga parin sating mga Pilipino ang kumain ng gulay.  Lagi natin tatandaan na kahit kulang sa budget ay pwede pa rin tayo kumain ng masusustansyang pagkain. Subukan ang mga pagkaing ito para sa iyo at sa inyong pamilya:

Ang maberdeng gulay
tulad ng malunggay, repolyo, kangkong, ampalaya,  talbos ng kamote, at pechay, ang mga gulay ay sagana sa Vitamins, minerals at plant chemicals. May fiber, potassium, folate at iron pa. Ang gulay ay makatutulong sa pag-iwas sa heart condition, mataas na cholesterol, diabetes, stomach flu, at cancer.

Monggo


Tofu at Bean Sprouts
Ang mga ito ay kasama sa beans family. Mataas ito sa protina at may taglay na iron, folic acid at minerals. Mababa rin sa taba at asin. Mainam ito sa puso at pampababa rin ng cholesterol.


Uri ng mga Isda

Sardinas

Tilapia

Dilis

Tulad ng sardinas, tilapia, at dilis meron itong Omega-3.
Ang mga isda na ito na tumutulong sa pag-iwas sa atake sa puso, stroke, at nagpapababa rin ng kolesterol. Mas masustansya ang isda kaysa sa karneng baboy o baka. Kaya mabuting mas madalas ihain ang isda kesa sa karne sa inyong mga anak o kasama sa bahay.

Carrots

May pagsusuri na nagsasabi na ang carrots ay panlaban sa cancer sa suso at mabuti rin sa mata. Ito ay may Vitamin A, C at E. Ang kalahating tasa ng carrots ay may 35 calories lamang at hindi nakakataba. Subukang i-halo ang carrots sa ensalada at sabaw.

Kamatis, Tomato sauce at Ketchup

Kamatis

Tomato sauce

Ketchup



Ang mga pagkaing ito ay mataas sa lycopene na isang anti-oxidant. Nakaaalis ito ng dumi sa ating selula. Makakatulong ito sa sakit sa puso at pag-iwas sa prostate cancer na madalas nagiging sakit ng mga nagkakaedad.

Kamote
May taglay na Vitamin A, B6, C at E ang kamote. Ayon sa pagsusuri, makakatulong ito sa pag-iwas sa cancer sa baga lalo na sa mga naninigarilyo. Masarap ang nilagang kamote at kamote-cue.

Keso at Gatas

Keso

Gatas
Ang mga produkto ng gatas tulad ng keso at ice cream ay kumpleto sa sustansiya. Ito’y dahil ang gatas ay may protina, carbohydrates at taba rin. May calcium at vitamin B pa ang gatas para sa kababaihan at kabataan. Sa mga gustong magpapayat, piliin ang low-fat milk.

Nilagang mani
Ang mani ay may taglay na protina, minerals at good fats. Dahil dito, ang mani ay maganda sa puso, utak at nakapagpapababa ng cholesterol..


Saging
Ang saging ay pwede gawing lunas laban sa ulcer at pangangasim ng sikmura. Ito ay dahil natatapalan ng saging ang mga sugat sa ating tiyan. Ang saging ay nakakatulong sa mga nanghihina at may cramps dahil mataas ito sa potassium at vitamin B6. Kung lagi kayong pawisin o gusto niyong lumakas, mabuting ugaliin kumain ng saging ng madalas.

Ang mga maaasim na prutas

Dalandan

Kalamansi

Suha
Ang mga maaasim na prutas tulad ng dalandan, calamansi at suha. Sagana sa sustansya ang mga prutas na ito dahil sa dami ng Vitamin C. Ang Vitamin C ay isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan at panlaban sa mga sakit tulad ng sipon, hika, at arthritis.


Source: Pilipino Star Ngayon

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Mga Pagkaing Swak sa Budget at Masagana sa Sustansya
Mga Pagkaing Swak sa Budget at Masagana sa Sustansya
https://3.bp.blogspot.com/-yoBJBtD9D1U/WRdELkVVZmI/AAAAAAAAAV0/ibS3JKPwUUk9p0PyOlxpXbeZ4ln3_AlyQCLcB/s400/235235235.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-yoBJBtD9D1U/WRdELkVVZmI/AAAAAAAAAV0/ibS3JKPwUUk9p0PyOlxpXbeZ4ln3_AlyQCLcB/s72-c/235235235.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/05/mga-pagkaing-swak-sa-budget-at-masagana.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/05/mga-pagkaing-swak-sa-budget-at-masagana.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy