Alamin kung ano ang mga pinadala na regalo ni Coco Martin kay Apo Whang-Od Oggay.

Apo Whang-Od Oggay hindi napigilan lumuha  ng matanggap niya ang mga munting regalo na mismong galing kay Coco Martin. Sabi niya, napapa...


Apo Whang-Od Oggay hindi napigilan lumuha  ng matanggap niya ang mga munting regalo na mismong galing kay Coco Martin. Sabi niya, napapaluha raw siya pag naiisip niya si Coco dahil noong unang mapanuod niya ito sa FPJ’s Ang Probinsyano ay agad niya itong nagustuhan kaya simula noon ay idolo na niya ito at ninais makita.





Kung matatandaan  niyo nag-viral si Whang-Od noong nakaraang taon dahil sa kagustuhan nito makita si Coco. Ilang artista na rin ang pinuntahan siya tulad nalang ni Aiza Seguerra at Liza Dino ngunit si Coco lang ang tanging hanap-hanap niya. Kaya naman dinadalhan siya ng mga turista ng mga gamit na may tatak ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Cardo. Sinorpresa pa siya ng isang grupo ng turista nang nagdala sila ng isang standee ni Coco Martin
.
Kaya nitong nagdaan na weekend ay binisita naman siya ng team Coco Martin upang ibigay ang mga regalo na mismong galing kay Coco na litrato na may autograph niya, T-shirt, jacket, pamaypay, at sticker na may logo ng FPJ’s Ang Probinsyano at Ang Panday, kumot na may burda ng pangalan nila ni Apo Whang-Od na lubos na nagpangiti sa matanda.

Ngunit bago nila naibigay ang regalo ay bumiyahe muna sila ng 19 oras para laman maabot ang mga ito. Ang karaniwang biyahe papuntang Buscalan ay inaabot ng 14 hanggang 16 na oras ngunit naging hindi maganda ang panahon kaya mas lalong tumagal na naging maulan sa pagpunta kaya nagkaroon ng kaunting pahinga.



Habang nasa biyahe ay nagkaroon din daw sila ng ilang paghinto para matanaw ang mga mgagandang tanawin tulad nalang sa Banaue Rice Terraces na ubod ng ganda. Nagtanong din sila sa ilang lokal na residente kung ano ang pinapanuod doon gabi-gabi at napagalaman nila na FPJ’s Ang Probinsyano ang pinapanuod ng halos lahat doon ay si Cardo (Coco Martin) ay iniidolo ng bawat isa.

Pagkatapos noo ay dumiretso na sila sa Bontoc, Mountain Province, na kung saan nakakilala pa sila ng mga tao na gabi-gabi nanunuod ng FPJ’s Ang Probinsyano, masaya sila sa nalaman at pag kumausap sila ng mga tao doon at tinanong sila kung nanunuod ba sila ng Ang Probinsyano at kung kilala ba nila si Coco Martin ay sigurado na "Oo" ang maririnig.

Pag-alis naman daw nila ng Bontoc ng tanghali, dapat mga alas dos palang ay nasa Buscalan na sila ngunit dito na nga sila na-stranded dahil sa masamang panahon. Nagkaroon din ng landslide sa isang daanan dahil sa mahinang ulan. Dumating din naman daw agad ang tulong mula sa mga lokal na residente doon ngunit sa laki ng landslide ay napilitan pa rin sila maghintay. Sa awa ng Diyos, ay nakalagpas din pagkatapos ng apat na oras at nakarating sa jump-off kung saan sila ay naglakad pa punta sa Buscalan. Hindi naman  daw  sobrang layo ng kanilang inakyat papunta sa maliit na lugar nila Apo Whang-Od ngunit aminado na nahirapan talaga sila dahil sa patuloy na pag-ulan dahil todo ingat sa dulas ng daanan.



Ngunit kahit ano man ang humarang sa kanilang paglalakbay ay sinikap nilang marating ang pupuntahan, hindi  nagpapatinag dahil sa nais talaga ibigay ang mga regalo ni Coco Martin kay Whang-Od. Umabot din ng halos 40 minutos ang paglalakad sa isang matarik at basang daan na hindi lahat sementado dahil na din siguro sa layo at hindi na maabot upang ayusin, at ng makarating na sa munting komunidad ng mga Butbut, ang tawag sa tribo nila, ay agad naman hinanap si Whang-Od. Ngunit ang sabi naman sa TeamCardo ay nagpapahinga pa ito at makakausap kapag nakapahinga na, laya nagpahinga muna din sila sa isang bahay pahingahan at kumain na din dahil sa layo ng lugar na ito. Napagalaman din ng isa sa TeamCardo na ang tinuluyan na bahay ay talagang isang lokal na residente na taga doon at inaalok sa mga turista upang pangkabuhayan nila.



Matapos ang ilang oras ay tinawag na sila dahil pwede na makausap si Whang-Od pero hindi nagsasalita ng tagalog si Whang-Od kaya nangailangan pa sila ng translator. Sa una ay talagang kinabahan sila dahil ilan lang sila sa nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ng pagkakataon na panayam sa legenderary tattoo artist pero nung makita na siya ng mga ito ay agad naman na excite. Sa una tingin mukhang nanghihina si Whang-Od dahil simula 6am pa lang daw ng umaga ay naglalagay na ito ng tattoo sa mga turista na ninanais niyang matattooan minsan pa nga daw ay umaabot sa 200 ang mga turista na pumupunta kaya naiinitindihan ng TeamCardo kung bakit siya pagod ng gabi na iyon. Pero masaya ang TeamCoco na pinaunlakan niya at lalo pa silang nasiyahan ng makita na nakasuot siya ng T-shirt na may imahe ni Coco.



Source:

cocomartin_ph

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Alamin kung ano ang mga pinadala na regalo ni Coco Martin kay Apo Whang-Od Oggay.
Alamin kung ano ang mga pinadala na regalo ni Coco Martin kay Apo Whang-Od Oggay.
https://1.bp.blogspot.com/-2uEj6mNJzfY/WXsKAedX-uI/AAAAAAAAAt8/xYgj3xaP8YEa5mtDh9t2mfI4Fy5yARfzQCLcBGAs/s400/vasquez123.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-2uEj6mNJzfY/WXsKAedX-uI/AAAAAAAAAt8/xYgj3xaP8YEa5mtDh9t2mfI4Fy5yARfzQCLcBGAs/s72-c/vasquez123.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/alamin-kung-ano-ang-mga-pinadala-na_28.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/alamin-kung-ano-ang-mga-pinadala-na_28.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy