Coco Martin At Vice Ganda Nagkakatampuhan Nga Ba?

Abala na ang ilang bida sa FPJ's Ang Probinsyano sa paghahanda ng isa sa mga inaabangangan na pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila...


Abala na ang ilang bida sa FPJ's Ang Probinsyano sa paghahanda ng isa sa mga inaabangangan na pelikulang kalahok sa 2017 Metro Manila Film Festival na Ang Panday na Pinagbibidahan ni Coco Martin.



Ipinakilala nitong nagdaang (July 4) ang mga bubuo at makakasama ni Coco Martin sa remake muli ng FPJ's classic under Coco Martin Creative Production.

Dito ay kasama halos ang lahat ng kanyang katrabaho sa top rating teleserye na FPJ's Ang Probinsyano gaya nila John Prats, Eddie Garcia, Albert Martinez at Agot Isidro McCoy de Leon, Elisse Joson.

Si Coco Martin mismo ang producer at direktor nitong pelikula na ito at aminado ang siya na hindi biro ang budget na kanyang inilaan para sa pelikulang ito para lamang makuha nila ang gustong mangyari sa bawat eksena.

“Medyo malaki kasi may effects po siya. And sabi po talaga namin gagawin namin ito para sa pamilyang Pilipino at siyempre po para sa kabataan para mapasaya sila lalo sa darating na kapaskuhan,” sabi ni Coco.


Matatandaan din na bago simulan ni Coco ang proyekto na ito ay dumalaw muna ang siya sa libingan ng Hari ng pelikula na si Fernando Poe Jr. para magpasalamat at humingi ng guidance sa kanyang pagsasabuhay muli ng Ang Panday bilang respeto sa unang nagpasikat nito sa indutriya ng pelikula.

“Actually noong first shooting day ko nagpunta talaga ako kay FPJ sabi ko para magpasalamat sa Probinsyano sa lahat ng tulong at gabay niya. And then humihingi na rin ako ng tulong para dito sa Ang Panday,” sabi ni Coco.



Marami naman ang nagulat ng sabihin ni Coco na si 2017 Binibining Pilipinas International Mariel De Leon ang kanyang leading lady sa MMFF movie entry niya na ito na hindi naman inaasahan ng karamihan.

“Hindi ko alam eh. basta parang gut-feel. Basta isang araw napanood ko siya sa TV. Sabi ko alam ko na kung sino ang leading lady ko,” paliwanag ni Coco kung bakit naisip kung pano napili si Mariel bilang kanyang leading lady sa kanyang pelikula.

Ang tanong ng iba kung ok lang ba kung magkakasabay sa MMFF ang pelikula ni Coco at matalik na kaibigan nitong si Vice Ganda sa pelikulang nitong The Revengers. Pahayag ni Coco, hindi pa sila nagkakausap ni Vice at umaasa siya na walang tampuhan na mangyayari sa pagitan nilang dalawa.

“Eh yun po e, yun po ang ano niya. Ako naman po ginagawa ko ‘to para sa mga tao, para sa sumusuporta sa Ang Probinsyano kaya sana ngayong pasko mapaligaya ko ang mga tao. E kung ganun po na magkakasabay po kami… hindi ko pa alam, hindi pa po kami nagkakausap,” paglalahad ni Coco.

Dahil  ang ibang tao ay nasanay na magkasama sila sa iisang pelikula gaya na lamang ng mga nagdaan na entry nila nitong mga nagdaan na taon.

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin At Vice Ganda Nagkakatampuhan Nga Ba?
Coco Martin At Vice Ganda Nagkakatampuhan Nga Ba?
https://2.bp.blogspot.com/-ot1l7HoFo3U/WWuiDHgUloI/AAAAAAAAAis/2VY_AIje3JMGOMHhLbcXgln0DLnt3x1QgCLcBGAs/s400/345345543.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-ot1l7HoFo3U/WWuiDHgUloI/AAAAAAAAAis/2VY_AIje3JMGOMHhLbcXgln0DLnt3x1QgCLcBGAs/s72-c/345345543.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/coco-martin-at-vice-ganda.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/coco-martin-at-vice-ganda.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy