Coco Martin balak mag-aral para maging isang direktor?

Ayon kay Coco Martin wala pa daw siyang time dahil abala ito sa mga project niya bilang isang tinitingalan na actor sa industriya n...




Ayon kay Coco Martin wala pa daw siyang time dahil abala ito sa mga project niya bilang isang tinitingalan na actor sa industriya ng showbiz ngayon pero kapag nalibre daw siya sa schedule niya ay balak niya talagang mag-aral ng Filmmaking para mas matuto pa sa pagdidirek.

Si Coco Martin ang direktor ng Metro Manila Film Festival entry na "Ang Panday" kung saan siya rin ang bida kasama nina Mariel de Leon at ng ibang cast na karamihan ay kasamahan niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Gusto ko siyempre, kaso yung oras. Minsan kasi sabi nga nila, iba rin yung natuturo kapag nasa ground ka, eh, yung experience iba rin, kesa by the book. ani ni Coco
“Pero siyempre, kailangan kong mag-aral. Like kunyari yung mga technical, mga ilaw, ganyan, kailangan ko talagang aralin yon, pero as of now, puso kasi yung pinaiiral ko, eh… yung gut-feel,” dagdag pa ni Coco
May nagtanong sa kanya kung bakit hindi na lang siya kumuha ng crash course tungkol sa filmmaking sa University of the Philippines?
“Kung magkakaroon po ako ng time, bibigyan ko talaga ng panahong mag-aral ng pagdidirek. Kaso baka hindi ako pumasa sa UP,” sabay tawa niya.
Ano ba ang dapat asahan ng moviegoers sa directorial debut niya at sa Ang Panday?
Ang naging sagot nito, “Tumataas ang panlasa ng mga manonood natin. Unang-una, may mga kalaban tayong mga Hollywood movies, siyempre kahit papaano, hindi tayo dapat nagpapaiwan sa mga ganung bagay.
Dagdag pa nito “Sabi ko nga, in terms of yung mga effects, di ba, kailangan nating paghandaan yon. Tapos ito pa yung kauna-unahang pagdidirek ko kaya gusto ko talagang ayusin para kahit papaano, balang araw, sana maipagmalaki ko sa mga magiging anak ko.”
Hiningan din ng reaksyon si Coco tungkol sa nangyayari ngayong pagkakawatak-watak ng MMFF execom dahil sa iba’t iba nilang paniniwala tungkol sa mga entry para pelikula. Ang naging sagot niya dito ay “Sana maayos, kasi ginagawa naman natin ito para sa ating mga manonood, di ba? And alam ko namang maaayos din yan. ani ni Coco
“Last year may ganyan din pero ang importante ikinokonsidera natin kung sino ba yung mapapaligaya natin? Para kanino ba yung ginagawa natin? Yon na lang sana ang isipin natin, na para sa industriya ito,” dagdag pa nito
Ayaw naman na nitong magbigay ng komento tungkol sa pagre-resign ng apat na miyembro ng MMFF execom nitong kelan lang. 
“Kanya-kanya kasing opinion yan, eh. Mahirap kasing magbigay ng sarili kong opinion dahil maaaring mali ako,” pahayag nito.
Pero eto ang naging pahayag nito sa issue na to “Basta para sa akin, ang importante lang, ngayong nakapasok tayo dito (MMFF), pagbutihin natin para walang masabi sa atin at maging sulit naman yung ibabayad sa atin ng manonood.” dagdag pa ni Coco

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin balak mag-aral para maging isang direktor?
Coco Martin balak mag-aral para maging isang direktor?
https://1.bp.blogspot.com/-n6ItwoUnyzE/WWTlDwkZmzI/AAAAAAAAAcY/0j2khtQSnUcKQded7DoiycC-2gqeAezHwCLcBGAs/s400/546456564.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-n6ItwoUnyzE/WWTlDwkZmzI/AAAAAAAAAcY/0j2khtQSnUcKQded7DoiycC-2gqeAezHwCLcBGAs/s72-c/546456564.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/coco-martin-balak-mag-aral-para-maging.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/coco-martin-balak-mag-aral-para-maging.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy