Coco Martin Nagsalita Na Tungkol Sa Pagkawala Ni Onyok Sa FPJ's Ang Probinsyano.

Nagsalita na si Coco Martin sa katanungan kung bakit nga ba nawala si Onyok (Xymon Pineda ) sa teleserye sa FPJ's Ang Probinsyano sa...


Nagsalita na si Coco Martin sa katanungan kung bakit nga ba nawala si Onyok (Xymon Pineda ) sa teleserye sa FPJ's Ang Probinsyano sa biglaan na pagkawala nito sa istorya ng Top-rating teleserye ng ABS-CBN.



Ayon mismo kay Coco Martin, ang dahilan kung bakit hindi na napapanood si Xymon Ezekiel Pineda, na mas kilala ng karamihan bilang si Onyok, sa top rating ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

“Gusto kasi talagang mag-aral nung bata,” sabi agad ng aktor nang makausap siya sa isang interview ng PUSH sa storycon at announcement ng cast ng "Ang Panday".


Dagdag ni Coco, “Kami naman po naiintindihan namin yung ano. Saka siyempre po, kami pina-priority namin yung bata, na maalagaan sila. Like kunyari po sina Paquito, kahit nagtatrabaho sila, nakakapag-aral pa rin sila.”

Hindi rin daw totoo na nagkaroon ng attitude problem ang nanay ni Onyok kaya ito tsinugi sa serye.

“Hindi, hindi po. Kasi talagang nung sinabi po nilang… kasi nga nakaipon na, nakabili na siya ng bahay at sasakyan tapos gusto talaga niyang mag-aral, sabi namin, kung ano yung gusto nila yon yung pagbibigyan namin.

“Pinakaimportante yon, eh. Mawawala tayo sa showbiz pero yung matutunan ng bata hindi. Kaya honestly, nung sina Paquito, sina Ligaya na mga taga-Cebu, sinabi namin na kailangan nag-aaral sila.

“Hindi puwedeng puro trabaho lang. Kailangan kahit nando’n sila sa taping, kahit four hours lang sila dapat nag-aaral sila,” paliwanag ni Coco.

Pero any time daw naman na gustong bumalik ni Onyok sa FPJ’s Ang Probinsyano ay welcome siya.

“Kaya nga kung mapapansin nyo naka-open naman siya, eh. Naka-open yung kuwento na yon.”

Dahil kung matatandaan niyo na umalis lamang siya kasama ang ina ( Alessandra de Rosi ) kaya kahit anong oras o araw nagustuhin ni Onyok bumalik sa FPJ's Ang Probinsyano ay puwede dahil nasa kanila na ang desisyon kung kelan ito babalik.



Ibinalita rin ni Coco na kasama si Onyok sa "Ang Panday" sa Metro Manila Film Festival movie.

“Andito po siya sa Panday. Siya yung hari ng mga duwende,” sabi ni Coco.

Ang Panday ay produce ng CCM Films at halos lahat ng mga kasamahan ni Coco sa Ang Probinsyano ay nasa cast din ng pelikula. Si Rodel Nacianceno tunay na pangalan ni Coco din ang direkto nito kaya siya ang namili kung sino ang mga kasama dito.

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin Nagsalita Na Tungkol Sa Pagkawala Ni Onyok Sa FPJ's Ang Probinsyano.
Coco Martin Nagsalita Na Tungkol Sa Pagkawala Ni Onyok Sa FPJ's Ang Probinsyano.
https://2.bp.blogspot.com/-xMmNEnC90LY/WWT6ovI3t2I/AAAAAAAAAdU/Jxhx9xFLxzsdpxORoNzVM_XngS60JkqoACLcBGAs/s400/345345345.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-xMmNEnC90LY/WWT6ovI3t2I/AAAAAAAAAdU/Jxhx9xFLxzsdpxORoNzVM_XngS60JkqoACLcBGAs/s72-c/345345345.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/coco-martin-nagsalita-na-tungkol-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/coco-martin-nagsalita-na-tungkol-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy