Eto ang dahilan kung bakit tinawag na "Hari ng Telebisyon" si Coco Martin.

Sa larangan ng showbiz bihira lang ang aktor na matatawag na Primetime King o Hari ng Telebisyon. Marami ang nangarap para kilalanin at n...


Sa larangan ng showbiz bihira lang ang aktor na matatawag na Primetime King o Hari ng Telebisyon. Marami ang nangarap para kilalanin at naghangad kuhain ang titulong ito pero marami ang nabigo.

Para matawag kang isang aktor na nagtagumpay kunin ang titulong  Hari ng Telebisyon ay dapat lang na sunod-sunod ang tagumpay ng kanyang palabas at ito ay dapat tinatangkilik ng manonood mapa-bata, matanda, babae, lalake, mayaman o mahirap ang bilang ng mga manonood mismo ang magkakapagsabi sa kanya bilang isang Hari ng Telebisyon.




At isang aktor lang ang tinitingala at iniidolo ng maraming manonood ngayon n si Coco Martin dahil sa taas ng ratings ng mga ginaganapan niya sa teleserye.

Bakit nga ba nag-iisa?

Unang-una, dahil sa tuloy-tuloy ang pagiging top ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin, pagkatapos itong unang umere halos dalawang taon ng nakakalipas. Naitala ng Kantar Media sa unang araw nito ay nakakuha ito agad ng 41.1% ratings at simula noon hanggang ngayon ay patuloy ang mataas ng ratings nito kesa sa kasabay na palabas. Nakapagtala din ang FPJ’s Ang Probinsyano ng 46.7% noong February 2. 2016 dahil sa matinding pangyayari sa naganap na episode nito.




At sa henerasyon ng mga artista ngayon, wala o iilan lang ang nakakakuha ng ganyang ratings ang kanilang teleserye at tumatagal ng lagpas ng isang taon ang pag-ere, nitong nakaraang Abril ay ipinahayag ng Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes, na extended ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang 2018 na ikagulat at ikinatuwa ng marami.

Marami-rami na din na palabas ang sumubok kalabanin ito ngunit wala pa ang nagtatagumpay, dahilan na din ito na talaga namang magandang istorya ng FPJ’s Ang Probinsyano. Maraming problema ang kinakaharap ng ating bansa ang natalakay dito tulad nalang ng pagsugpo sa ilegal na droga, human at child trafficking, at rebelyon na talagang makakasakay ka sa pinapaintindi ng palabas na ito.



Batid pa sa kaalaman ng ibang tao, na si Coco ay involved na involved sa bawa’t pangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano. Maraming ideya at aral sa palabas na sa kanya mismong nanggaling, hindi lang siya bida na gaya ng iba kundi minsan ay siya ang direktor, writer, at stunt director ng ibang episode.

Bukod pa diyan ay umani ng maraming papuri sa mga beteranong aktor si Coco dahil sa pagkakabalik niya ng aksyon sa mundo ng showbiz dahil na din sa pagsikat ng mga romantic-comedy na palabas kaya biglang nawala at nalaos ang mga aksyon movies na nagpaligaya sa marami manonood noong 80’s at 90’s. Malaki ang pasasalamat ng maraming artista sa kanya, lalo na ng mga batikang aktor at aktres na natulungan niya, dahil binigyan niya ulit ng pagkakataon maipakita ang kanilang husay sa telebisyon. Tulad na lang nila Julio Diaz, John Regala, Mitch Valdez, Art Acuna, Peter Llansangan at marami pa na naging bahagi ng Ang Probinsyano.



Hindi pa diyan natatapos dahil umani din ng iba’t-ibang awards si Coco at ang pinagbibidahan nitong FPJ’s Ang Probinsyano. Sa katunayan ay nakatanggap na si Coco ng 23 awards dahil sa galing niya sa pag-arte at sa pagiging magandang ehemplo sa mga kabataan.

Bukod pa sa mga award at parangal na natanggap niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay marami na rin siyang nakuha sa mga dating teleserye. Tulad na lang sa Kung Tayo’y Magkakalayo, Tayong Dalawa, Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggang, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. Bukod pa diyan ay lahat ng teleserye na ito ay tunay na tinangkilik ng manonood nung ito ay umeere pa.



Ngunit ang lahat ng tagumpay na ito ay hindi lang niya nakuha ng madali dahil nagsikap at may halong disiplina ang pinairal niya.

Tulad ng marami ay pinaghirapan din ni Coco lahat ng kanyang nakamit na tagumpay sa kanyang buhay dahil nagsimula siya sa wala. Sa una ay aktor siya sa mga indie films at dito pa lang ay ipinamalas na niya ang kanyang galing sa pag-arte na napansin ng marami, sa bawat proyektong ibinigay sa kanya ay pinabubuti niya ang lahat ng kanyang pagharap sa kamera.

Talagang nakakapagbigay magandang halimbawa ang istorya ng buhay ni Coco, galing siya sa isang simpleng pamumuhay tulad ng marami at ngayon ay isa na siyang sikat na artista na hinahangaan ng marami. Sa huli, ay hindi parin ito nagbabago, iyong nakapagbigay ka nag tulong at kasiyahan sa mga tao.
Ito ang rason kung bakit pinagpapala si Coco at naturingan na Hari ng Telebisyon.

Source: cocomartin.ph


COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Eto ang dahilan kung bakit tinawag na "Hari ng Telebisyon" si Coco Martin.
Eto ang dahilan kung bakit tinawag na "Hari ng Telebisyon" si Coco Martin.
https://4.bp.blogspot.com/-ApxB4UiRQ2k/WX4LS8QEd7I/AAAAAAAAAws/qxoQesPx7mwWLYxffIuLA1Rrn8iVq6RtACLcBGAs/s400/123435349390438839503480943.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-ApxB4UiRQ2k/WX4LS8QEd7I/AAAAAAAAAws/qxoQesPx7mwWLYxffIuLA1Rrn8iVq6RtACLcBGAs/s72-c/123435349390438839503480943.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/eto-ang-dahilan-kung-bakit-tinawag-na.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/eto-ang-dahilan-kung-bakit-tinawag-na.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy