John Lloyd Cruz hindi napigilan ang pag-iyak dahil sa isang batikang aktres.

Hindi napigilan ni John Lloyd Cruz ang maiyak nang basahin niya ang sulat na mula sa isang naging parte ng kayang buhay nung nagsisimula ...


Hindi napigilan ni John Lloyd Cruz ang maiyak nang basahin niya ang sulat na mula sa isang naging parte ng kayang buhay nung nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz na batikang aktres na si Caridad Sanchez.


Para sa kanyang ika-20 taon sa show business, sinorpresa ng "Magandang Buhay" si John Lloyd ng isang liham na galing sa kanyang tinuturing na Lola Caridad, na nakasama niya dati sa seryeng "Tabing Ilog." Kung
natatandaan niyo pa na ginampanan noon ni John Lloyd sa "Tabing Ilog" ang karakter ni Rovic, apo ng karakter ni Caridad Sanchez na si Lola Juling kaya naging malapit sila sa isa't isa dahil sa seryeng ito.


"Simula nang magkatrabaho tayo sa 'Tabing Ilog' ang lagi kong sinasabi sa iyo ay ang pagiging mabuting anak mo at mahusay na katrabaho. How I wish na kasama mo ako diyan, para mag-celebrate pero matanda na ang Lola mo. Pero gusto kong malaman mo na I keep on watching you until now. I'm so proud of you noon pa man. Alam ko na magiging great actor ka at hindi ako nagkamali. Twenty years in this industry is no joke. Sobrang masaya ako na umabot ka ng 20 years at naging bahagi ako ng iyong career noong nagsisimula ka pa lang. Thank you for the love and you have my respect. You will always by my John Lloyd, my Rovic. I love you," ani Caridad na nakasulat na binasa mismo John Lloyd habang naluluha.


Matapos niyang basahin ang naging sa kanya sulat ay inamin ni John Lloyd ang pagnanais niya na muli silang magkita ng kanyang lola Caridad.

"Gustong-gusto ko siyang makita, ang tagal na pero hindi nangyayari. Hope to see you soon, sana ay madalaw kita. Mahal na mahal kita," pahayag ni John Lloyd na ngayon ay nagiging abala dahil sa promotion ng kanyang pelikula na "Finally Found Someone" kasama ang leading lady niyang si Sarah Geronimo.


Aminado si John Lloyd na malaki ang naging parte sa buhay niya ang kanya Lola Caridad, sa kung paano niya pihalagahan ang kanyang trabaho bilang isang artista.

"Sobra ang laki ng papel mo sa kung ano ako ngayon, sa kung paano ko binibigyan ng halaga ang trabaho ko, napakalaki ng role mo doon. I love you," ani John Lloyd habang hindi mapigilan ang luha dahil sa pag-alala ng kanilang pinagsamahan.

Hanggang ngayon ay kinikilala si John Lloyd na isa sa pinakamagagaling sa pag-arte na nagpapakilig sa karamihan at iniidolo ng mga baguhang artista.

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: John Lloyd Cruz hindi napigilan ang pag-iyak dahil sa isang batikang aktres.
John Lloyd Cruz hindi napigilan ang pag-iyak dahil sa isang batikang aktres.
https://4.bp.blogspot.com/-zHP5Oy08bYk/WXhkQwz0NmI/AAAAAAAAArQ/-RVl_u_vayIdMc4liYW53CcetKtBN9iPgCLcBGAs/s400/435435435435.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-zHP5Oy08bYk/WXhkQwz0NmI/AAAAAAAAArQ/-RVl_u_vayIdMc4liYW53CcetKtBN9iPgCLcBGAs/s72-c/435435435435.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/john-lloyd-cruz-hindi-napigilan-ang-pag.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/john-lloyd-cruz-hindi-napigilan-ang-pag.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy