Kilalanin ang beteranong actor na nagsabi na si Coco Martin ang susunod na Fernando Poe Jr.

Naniniwala ang veteranong actor na si Lou Veloso na si Coco Martin na ang susunod na Fernando Poe Jr dahil sa madaming kadahilanan na pa...



Naniniwala ang veteranong actor na si Lou Veloso na si Coco Martin na ang susunod na Fernando Poe Jr dahil sa madaming kadahilanan na parehas sila pagdating sa trabaho at pag-uugali.


Isa si Lou Veloso sa artistang kasama sa top rating TV series ng ABS-CBN na "FPJ’s Ang Probinsyano" na dating pelikula ni Da King.

Si Coco Martin rin ang bida at director sa bagong Ang Panday na pelikula din ni Da King dati na isa sa tumatak sa isip at puso ng marami  na ngayon ay isa sa entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa taong ito.

Pahayag ni Lou, “Ay nako! Si Coco, parang kambal ni FPJ iyan, lalo na sa pagtulong sa kapwa, napakamatulungin talaga. Sabi nga niya, one time narinig ko eh, na may humihingi sa kanya ng tulong-sabi niya, ‘Huwag na kayo pumunta rito, itext nyo lang ako, para di na kayo maabala…”



Sino po yung sinasabihan ni Coco? “Mga dating artista na hindi na umaarte, na nangangailangan din. Kaya nakita ko kay Coco, parang kambal ni FPJ ito.

“Kasi ako nga, nagsabi lang ako kay Jimmy Fabregas, kasi nagkaroon kami ng chance na magkasama sa shooting, sabi ko kay Jimmy, ‘Jimmy, matatapos na ata ang Probinsyano, di pa ko nagge-guest doon. Sabihin mo naman kay Coco, i-guest ako.’ After a week, guest na nga ako.



“So, makikita mo sa kanya yung ano, ‘pag kilala ka naman niya, bibigyan ka ng chance, makakasama ka,” pahayag ni Lou.

Kung matatandaan niyo si Lou ay isa din sa actor na may impressive na listahan ng mga nakatanggap ng parangal. Kabilang dito ang Best Actor sa pelikulang Colorum sa Cinemalaya (2009) at Gawad Urian (2010). Nananalo rin siya bilang Best Performance award sa Young Critic Circle noong 2015 Para sa pelikulang Da Dog Show, at last year lang ito (2016), sa Cinemalaya ulit ay nakuha naman niya ang Best Supporting Actor award para sa Hiblang Abo, kasama niya sina Jun Urbano, Leo Rialp, at Nanding Josef.






May mga nagsasabi din naman na hindi pa ganon kahinog si Coco Martin para itulad sa dating Panday na si FPJ (Fernando Poe Jr) kaya hindi sila sangayon na siya na ang susunod sa yapak ng Da King.

“Hindi naman siguro, hind.. Kasi siya, sa tingin ko ah, siya lang ang may kapasidad ngayon na gumawa ng mga action characters sa television and movies na tatangkilikin ng madla. Kasi tingin ko, sa mga nakalinya, although nakala-action yung iba, baka hindi ganoon ang appeal sa publiko, tulad ni Coco. ani ni Lou



Tinanong din kung ano ang masasabi ni Lou sa kabaitan at pagiging matulungin ni Coco sa iba, bihira nga ba ang ganitong tao sa mundo ng showbiz o kapuri-puri?

Mabilis ang naging sagot ni Lou, “Yes! Nakita ko yon, kasi yung mga dating nakasama niya, at hindi niya nakasama, tinutulungan din niya.

“Ang bata pa niya, di pa niya nakasama ang ibang mga nakasama ni FPJ, eh, Pero binibigyan niya ng chance yung mga walang project. Kaya nabuhay uli sa FPJ’s Ang Probinsyano iyong mga talagang makikita natin ngayon na lumalabas doon na hindi naman niya inabot yung mga yon, di naman niya nakasama sa pelikula. Pero nalaman niya na eto yung mga kasama ni FPJ na hindi na napagkikikita sa pelikula.




“So binibigyan niya ng chance para maging active ulit at kumita… Eh totoo naman, nawalan na rin ng pagkakakitaan yung iba nating mga artista dahil nawala nga yung action movies.”

Sa ngayon, kabilang din sa pelikula ni Lou ang isa sa entry sa darating na Cinemalaya titled Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na pinagbibidahan ni Alfred Vargas at ang possible na MMFF entry na Ang Sikreto ng Piso na pinagbibidahan ulit ni Alfred Vargas. Ang dalawang pelikulang ito ay mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño.


Source:

cocomartin.ph

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Kilalanin ang beteranong actor na nagsabi na si Coco Martin ang susunod na Fernando Poe Jr.
Kilalanin ang beteranong actor na nagsabi na si Coco Martin ang susunod na Fernando Poe Jr.
https://4.bp.blogspot.com/-rc5oCv0sKnY/WX3sCCzcjVI/AAAAAAAAAvA/lmr3tuYjE1cnxI0MwQS0Qluo37qWf4LDACLcBGAs/s400/vasquez1.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-rc5oCv0sKnY/WX3sCCzcjVI/AAAAAAAAAvA/lmr3tuYjE1cnxI0MwQS0Qluo37qWf4LDACLcBGAs/s72-c/vasquez1.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/07/kilalanin-ang-beteranong-actor-na.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/07/kilalanin-ang-beteranong-actor-na.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy