Kahit Bulacan Day ngayong Martes ay pumasok ang mga energetic na estudyante ng Paradise Farm Elementary School upang makita si Coco Mart...
Agad naman silang tinanong ng kanilang Kuya Coco kung nag-aaral ba silang mabuti at sinagot naman siya ng mga ito ng malakas na "Opo" at tinatanong din sila kung sila ba ay nagdadasal palagi at isa muling malakas na "Opo" ang sinagot kay Coco ng mga bata.
“Kaya nandito ako para magpasalamat sa inyo at siyempre sa inyong mga magulang sa pag-gabay sa inyo ng mabuti, at siyempre maraming, maraming salamat din sa ating mga guro sa pag-aalaga at pagmamahal sa inyong lahat,” saad ni Coco.
Bukod sa pagbibigay ng regalo may mga laro din na hinanda si Coco para makapag-bonding sila ng mga estudyante at mga guro nito.
Si Coco din ang naging dahilan kung bakit isaayos ang kanilang library na ginagamit ng mga batang mag-aaral ng nasabing paaralan.
"Nandito ako para magpasalamat sa inyo at sa inyong mga magulang sa pag-gabay sa inyong mabuti. At siyempre maraming maraming salamat sa ating mga guro sa pagmamahal at pag-aalaga sa inyong lahat. Sana hangarin ko ay makatulong ako sa inyo kahit papaano, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. At maraming maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin dahil sobrang mahal ko kayo. I love you," ito ang naging talumpati ni Coco sa pagharap niya sa mga estudyante at guro na naroon ng oras na iyon.
“Basta importante ah, mag-aral kayo ng mabuti dahil kayo ang aasahan ng inyong pamilya. Kayo ang tutulong sa ating bansa para makabangon muli.” dagdag pa nito Coco
Ito ang mga larawan at video na kuha sa pag-dalaw ni Coco sa paaralan na tinawag nila "Saludo Sa Kabataang Pilipino" charity event
Source: cocomartin_ph, Coco Martin Ph
COMMENTS