Coco Martin may napagalitan sa set ng "Ang Probinsyano"

Inamin ni Coco Martin na ayaw talaga niyang pag-artistahin noon ang nakababatang kapatid na si Ronwaldo Martin. Pero wala na raw siyang ...


Inamin ni Coco Martin na ayaw talaga niyang pag-artistahin noon ang nakababatang kapatid na si Ronwaldo Martin. Pero wala na raw siyang magawa nang pasukin na ng kapatid ang pag-gawa ng indie films kung saan siya nag-simula.

“Honestly ayoko. Ayoko yung pag-aartista niya. Siya lang talaga ang may gusto,” pahayag ni Coco

Pinayagan na niya itong magteleserye at pumasok sa Ang Probinsyano nang makita daw niyang handa na si Ronwaldo.

Sabi pa ni Coco, “Nung nakita ko na siya, napanood ko yung Pamilya Ordinaryo niya at yung ibang mga ano niya, sabi ko, at least ready na siya. Kasi nung una kasi ayoko siyang isabak hangga’t hindi handa".

“Kasi dati, P.A (Personal Assistant) ko siya, eh, sumasama sa akin, siguro habang nanonood, nag-e-enjoy, tapos gusto niya, kaya yon. Eh, ayoko naman na pigilan kung yon ang pangarap niya.”




Nang tanungin si Coco kung bakit ayaw niyang pag-artistahin si Ron Martin.

“Magulo kasi sa showbiz, eh. Tulad niyan ang daming intriga, ang daming ano… Baka mamaya, may ibato sa kanya o intrigahin siya na hindi ko gusto at ako ang masaktan para sa kanya." paliwanag ni Coco

“Eh, ayokong ganun, eh. Sabi ko, kaya ko naman ( Ang magtrabaho). Pero nakita ko na parang okey na naman siya, tapos nanalo pa siya ng international acting award kaya pinayagan ko na rin mag-TV,” paliwanag ni Coco.

Naging maganda din ng feedback ng iba sa pag-arte ni Ronwaldo Martin sa pag-sabak nito sa Ang Probinsyano.

“Buti na nga lang, kasi ayoko talaga na porket may show ako, eh, ipapasok ko siya. Talagang ang sabi ko din, ayokong maglagay ng kahit na sinong artista na dahil sapilitan lang, pakiusapan lang,” pag-papaliwanag ni Coco tungkol sa kinalabasan ng pagpasok ni Ron sa Ang Probinsyano.

“Gusto ko talaga yung lahat nung part ng cast ay nababagay sa role na binigay sa kanila. eh, nung nakita ko naman na okey na, nakakaarte na siya, nakaka-deliver na, bagay siya dun sa role, yun pinasok ko na siya. dagdag pa nito


“Kasi nakita ko yung gusto niya akong makatrabaho nahihiya lang siya sa aking sabihin and then nung pinasok ko naman, okey naman siya,” dagdag ni Coco

Hindi din daw niya minsan maiwasan na mapagalitan si Ronwaldo sa set ng Ang Probinsyano.

“Siyempre, bilang kapatid, minsan napapagalitan ko sa set pag nagkakamali-mali. Pero hindi naman yung pagalit talaga, siguro yung tinuturuan, parang gina-guide siya kapag nasa set. ani ni Coco

“Eh, ganun ako, eh, ayokong maglagay ng exemption na dahil kapatid ko ‘to, kahit magkamali, okey, hindi eh.”

Naiintindihan naman daw niya na nag-a-adjust noong una si Ron sa pag-arte dahil nga galing ito sa indie.

“Siyempre, naninibago siya sa TV, eh. Iba kasi sa indie, iba sa TV. ani ni Coco



“Lalung-lalo na pag parang masyadong mababa ang acting. Sa TV kasi medyo kailangang iangat ng konti, eh, yon ang mga bagay na tinuturo ko sa kanya,” ani ni Coco

Sa ngayon ay unti unti na din napapansin ang pag-arte ni Ronwaldo ng iba, siguradong mahahasa pa ng husto ang kanyang pag-arte.

Source:  mr.cocomartin

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin may napagalitan sa set ng "Ang Probinsyano"
Coco Martin may napagalitan sa set ng "Ang Probinsyano"
https://1.bp.blogspot.com/-qRH94IiIH-g/WYx26Kodx_I/AAAAAAAAA7E/50XsOhSVYqY41o-nfnqILIiNJlZUKwj5QCLcBGAs/s400/555555.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-qRH94IiIH-g/WYx26Kodx_I/AAAAAAAAA7E/50XsOhSVYqY41o-nfnqILIiNJlZUKwj5QCLcBGAs/s72-c/555555.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/08/coco-martin-may-napagalitan-sa-set-ng.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/08/coco-martin-may-napagalitan-sa-set-ng.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy