Sa naging special screening ng digitally restored version ng dating ginawang pelikulang "Isusumbong Kita Sa Tatay Ko" na pinagb...
Sa naging special screening ng digitally restored version ng dating ginawang pelikulang "Isusumbong Kita Sa Tatay Ko" na pinagbibidahan ng dalawang batikan na artista na sina Judy Ann Santos at "Da King" Fernando Poe Jr.
Ipinalabas ang pelikulang ito noon June 1999 at maituturing itong isa sa pinakamalaking hits ng taon na iyon.
Ngayon aminadong sobrang saya ni Judy Ann sa pagbabalik tanaw ng kanilang pagkakatrabaho kasama ang FPJ ng showbiz.
Pumirma pa si Judy Ann at nagbigay ng kanyang personal na mensahe para sa special commemorative poster sa red carpet ng sinehan na kanilang tinungo.
At naging centro din ng atensyon dito ang pagdating ng Primetime King na si Coco Martin na isa sa umiidolo sa "Da King" at nagbigay din ng kanyang pahayag at pagkasabik na muling mapapanood ang pelikulang "Isusumbong Kita Sa Tatay Ko" restored version nito.
Sobrang nasasabik din sila Susan Roces at Senator Grace Poe, ang pamilya at mga nagmamahal kay FPJ sa pagbabalik at pagbuhay ng isang legacy na naiwan ng "Da King" na itinuturing ng Hari ng Pelikulang Pilipino.
COMMENTS