Coco Martin at Vice Ganda may tampuhan nga ba kaya hindi magkasama sa pelikula?

Sa isang interview sa ni Direk Joyce Bernal sa presscon ng Last Night naitanong sa kanya kung may alam siya tungkol sa isyu o tampuhan ni...


Sa isang interview sa ni Direk Joyce Bernal sa presscon ng Last Night naitanong sa kanya kung may alam siya tungkol sa isyu o tampuhan ni Coco Martin at Vice Ganda na sinasabing naging dahilan kaya hindi ito magkasama ngayon sa iisang pelikula.

“Meron akong alam, pero hindi ko alam,” nakakalito na sagot ni Direk Joyce.

“Hindi naman nagkukuwento si Vice, saka si Vice ngayon, happy kaya I guess it’s a good competition, baka kailangan din para lumevel-up ‘yung gusto mong gawin at kung ano ang ini-expect mo sa career mo." dagdag pa ni Direk Joyce



“Grabe, ang taas ng expectation ni Vice sa The Revengers, saka dati kasi ang inoohan kong project, kay Coco, nu’ng nalaman ni Vice, sumabay siya. Nag-usap sila ni Coco bilang magkaibigan, kaya nabuo ‘yung Super Parental Guardians,” pagkukuwento ni Direk Joyce.


Hindi nagbigay ng kumpletong detalye si Direk Joyce mas mabuti na sila Coco Martin at Vice Ganda nalang daw ang tanungin para mas malinaw sa lahat kung ano ang pinag-ugatan ng isyu na ito.


Tungkol naman sa hindi pagsasama ng dalawa sa iisang pelikula ngayong taon sa Metro Manila Film Festival nabanggit niya na magkaiba ang gustong gawin na concept ni Coco at Vice.

Ang mga pelikula kase ni Vice Ganda ay comedy makakasama niya dito sina Daniel Padilla at Pia Wurtzbach at kay Coco Martin naman ay action-fantasy kasama ang karamihan na artista sa FPJ's Ang Probinsyano.


Tungkol naman sa FPJ's Ang Probinsyano mukhang malapit nang mabuko siya bilang si Fernan nina Pinuno/Leon (Lito Lapid), Amang (Dante Rivero), Alakdan (Jhong Hilario at Anto (Mark Lapid), nahahalata nila na lagi siyang umaalis na may dalang pagkain at sa huling episode nito ay sinundan siya mismo ni Pinuno/Leon dahil sa nakita nitong may dala hanggang sa nakaramdam si Coco na may simusunod sa kanya kaya nag-ingat ito at nagmadali para mailigaw ang sumusunod sa kanya.

Butete (Smugglaz)

Bulate (Bassilyo)

Tinanong na siya ni Alakdan kung nahanap na niya ang mga bihag ng nakatakas na sila Geraldo de Lapaz (Ejay Falcon) at Katrina Velasco (Louise delos Reyes).

 Katrina Velasco (Louise delos Reyes)

Geraldo de Lapaz (Ejay Falcon)

Pinagdududahan na ang kinikilos ni Fernan pero nangako ang kanyang dalawang kaibigan na si Bulate at Butete na hindi siya isusuplong at nagpayo na huwag niya dalasan ang pag-alis para hindi siya mahalata sa kanyang lihim na pagpapatakas sa mga bihag.

 Sina Butete at Bulate ang naghatid ng pagkain sa mga kasamahan ni Fernan na nagtatago.

Sa ngayon ay mas lalong tinututukan ang FPJ's Ang Probinsyano at mas lalong nagiging maganda ang feedback mula sa kanilang viewers dahil sa papainit na papainit nitong nagiging kuwento araw araw.

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin at Vice Ganda may tampuhan nga ba kaya hindi magkasama sa pelikula?
Coco Martin at Vice Ganda may tampuhan nga ba kaya hindi magkasama sa pelikula?
https://1.bp.blogspot.com/-l6ZilccCW9Y/Wc0nNu5RyvI/AAAAAAAABXo/fyyae0bPdOw3WFZDxLI9_gBFMNGF1HKJACLcBGAs/s400/Coco%2BMartin%2B3.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-l6ZilccCW9Y/Wc0nNu5RyvI/AAAAAAAABXo/fyyae0bPdOw3WFZDxLI9_gBFMNGF1HKJACLcBGAs/s72-c/Coco%2BMartin%2B3.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/09/coco-martin-at-vice-ganda-may-tampuhan.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/09/coco-martin-at-vice-ganda-may-tampuhan.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy