Coco Martin ginagamit ang FPJ's Ang Probinsyano para sa mga kapwa nitong artista.

Maganda ang taong 2016 kay para kay Coco Martin kaya noong ay nagpatawag siya ng thankgiving merienda kasama ang mga press, pero hindi la...


Maganda ang taong 2016 kay para kay Coco Martin kaya noong ay nagpatawag siya ng thankgiving merienda kasama ang mga press, pero hindi lang naman sa press siya naghahati ng kanyang mga blessings, tuloy tuloy pa din ang kanyang kawanggawa lalo na sa mga public school students, at maging sa pagbibigay ng trabaho sa kapwa aritsta na matagal ng napahinga sa bawat nagiging episode ng FPJ's Ang Probinsyano.



Sa tinatamasa ni Coco na kasikatan at tinatamasa na biyaya at mga proyekto sa teleserye man o pelikula dahil mga kapwa artista niya ang kusa niyang tinutulungan para muling makabawi sa pagkakapahinga sa mundo ng showbiz.

“Gusto ko pong i-share sa kanila, hindi lang sa aking pamilya. Gusto kong makatulong kahit papano sa industriya natin sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng trabaho sa ating mga kasamahan, na ‘yong iba nakalimutan na pero nandidiyan pa rin sila. Sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano, nais kong mabigyan ulit sila ng pangalawang pagkakataon para makapagtrabaho po,” ani ni Coco

Marami na ang artista na nagdaan sa teleserye ni Coco gaya na lamang nila Dindo Arroyo, Rez Cortes, Deborah Sun, Marc Acuesa, Roy Hornales, John Regala, Joseph Bitangcol, Baron Geisler, Marc Solis at marami pang iba na lubos na natuwa sa ginawa ni Coco para sa kanila.



Bukod sa mga nabanggit ay kasama din dito ang mga naging masigla ang career sa serye ay sila John Prats, Yassi Presman, Agot Isidro at malaki din ang nagawa ng show sa tambalan McLisse nina McCoy de Leon at Elisse Joson na ngayon ay may bagong teleserye na din.

Sa dami ng nakuha ng awards ni Coco at lalo pang humahakot ng parangal sa iba't ibang event simula ng umere ang serye noon 2015.



"Honestly, sa akin, lahat ng mga natatanggap kong awards lalo na sa FPJ’s Ang Pobinsyano, lahat po ‘yun tini-treasure ko kahit po ‘yung sa mga eskuwelahan, lahat ng mga award-giving bodies. Kasi alam niyo po na napakaimportante na naa-appreciate nilang lahat, yung trabaho na pinaghihirapan po namin ." pahayag ni Coco

"Yung FPJ’s Ang Probinsyano at mga pelikulang ginagawa po namin, ginagawa namin ‘yun para po sa ating manonood para po mapaligaya sila." dagdag pa nito



“Sabi ko nga po, sa bawat pelikula at soap na ginagawa ko sinisigurado po namin na meron siyang good moral values para po sa ating mga kabataan, kasi napakalaki po ng responsibilidad naming mga artista at ng media, kayo po, sa lahat ng ating mga kabataan at sa lahat ng ating manonood, kasi mas marami silang oras ngayon na manood ng TV at sa social media sabi ko nga po dapat binabantayan natin ang ating bawat kilos, ang bawat proyektong ginagawa natin at bawat salitang binibitawan natin, kasi maraming kabataan ngayon na tayo ang ginagawa nilang gabay o patnubay sa kanilang buhay. Kumbaga, marami silang natututunan sa atin,” isang makahulugan na pahayag ni Coco.


Ngayon isa si Coco sa pinakarespetado na aktor sa mundo ng showbiz dahil sa mga naipamalas nitong aral sa kanyang mga episode sa FPJ's Ang Probinsyano na dalawang taon ng top 1 sa rating.

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin ginagamit ang FPJ's Ang Probinsyano para sa mga kapwa nitong artista.
Coco Martin ginagamit ang FPJ's Ang Probinsyano para sa mga kapwa nitong artista.
https://2.bp.blogspot.com/-qdwoj2ZwN-s/Wc5lIp3cbUI/AAAAAAAABY8/iZA7wwrLXNINMDsYCO1YIne2LQqhGhl5ACLcBGAs/s400/Coco%2BMartin%2B11.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-qdwoj2ZwN-s/Wc5lIp3cbUI/AAAAAAAABY8/iZA7wwrLXNINMDsYCO1YIne2LQqhGhl5ACLcBGAs/s72-c/Coco%2BMartin%2B11.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/09/coco-martin-ginagamit-ang-fpjs-ang_30.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/09/coco-martin-ginagamit-ang-fpjs-ang_30.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy