Coco Martin nagkuwento tungkol sa kanyang ginagawang pagsasakripisyo sa buhay.

Iminado si Coco Martin na mas inuuna niya ang ikakabuti at ikagaganda ng kinabukasan ng kanyang buong pamilya kaya hindi pa niya naiisi...



Iminado si Coco Martin na mas inuuna niya ang ikakabuti at ikagaganda ng kinabukasan ng kanyang buong pamilya kaya hindi pa niya naiisip ang para sa sarili o pag-aasawa sa ngayon.

Dagdag pa nito wala siyang pagsisishan sa desisyon niyang ito dahil alam niyang makabuluhan naman ang kanyang hinahangad at wala siyang gagawin na hindi para sa kanyang mga mahal sa buhay.


"Kagaya ng mga magulang ko, kagaya ng lola ko, mas inisip niya ang pamilya niya, mas inisip niya ang palakihin kami nang maayos kesa sa sarili niya, kumbaga, yun lang ang mga bagay na sinusuklian ko na natutunan ko nu’ng bata ako, na parang mas gusto ko munang i-prioritize ang pamilya ko ngayon." pahayag ni Coco

"And then, pag maayos na talaga, settled na ako, du’n ko lang talaga medyo maiisip na ilagay sa maayos ang sarili ko. This time, siguro ito na ang tamang panahon para magkapamilya na ako," paglilinaw ni Coco tungkol sa plano niya sa buhay

Pero balak ni Coco mag-asawa sa edad na 35 to 40 anyos dahil sa henerasyon daw niya ang hindi nagmamadali para sa pag-aasawa.


"Nakakatuwa nga ngayon kasi mas iniisip natin ‘yung kinabukasan, ‘yung future, saka ngayon hindi lang ‘yung tradisiyonal na lalaki lang ‘yung nagtatrabaho, ngayon pati dapat ang babae, kahit papano, kumbaga may magandang career, may magandang trabaho." pahayag ni Coco tungkol sa buhay pag-aasawa.

"Para magkatulungan sila para mas mapabuti nila ‘yung pagpapalaki ng pamilya nila,” seryosong sabi ng aktor." dagdag pa ni Coco


Mas pinahahalagahan ni Coco ang kaligayahan ng kanyang pamilya kahit na ang kapalit nito ay ang pagsasakripisyo sa kanyang sariling kaligayahan gaya na lamang ang magkaroon ng anak at isang buong pamilya.

"Siyempre, lalo na ‘yung mga batchmates ko noong high school, noong college, parang ako na lang yata ‘yung hindi pa lumalagay sa tahimik. Sabi ko nga, may tamang panahon para diyan, ang inaasikaso ko, ‘yung pamilya ko talaga, ‘yung mga kapatid ko, ‘yung mga magulang ko."

"After that, sana magkaroon ako ng kahit two years or three years para sa sarili ko. And then, after that, bubuuin ko ang sarili kong pamilya," masayang binabanggit ni Coco

Ang tagumpay na nararanasan niya ngayon ay dahil na din sa kanyang pamilya at ito ang kanyang tunay na kayamanan.


"Para sa akin po talaga, kung anuman lahat na meron ako ngayon, siguro sobra-sobra ‘yung dumating sa akin, pangarap ko lang talaga dati magkaroon ako ng trabaho. Hindi ako pinalad na magkaroon ng maayos na pamilya nu’ng bata ako dahil separated ang parents ko." naging pahayag na seryoso ni Coco

"Ang pinaka-treasure ko lang, magkaroon ako ng maayos na pamilya. Kaya ngayon, sabi ko nga, ang mga kapatid ko, nakikita ko na kahit papano nagkakaroon ng direksiyon ang buhay. Nagagampanan nila o naging maayos ang anak nila, yun ‘yung kayamanan na maituturing ko," muling pahayag ni Coco


Pagkukuwento pa ni Coco sa 365 days ng isang taon ay bilang lang sa daliri ang mga araw na wala siyang ginagawa dahil sa pagiging abala nito sa pagtataguyod ng pamilya na lubos niyang kasiyahan ngayon ang makitang masaya at maibigay ang mga kailangan nito para sa pag-aaral.

"Siguro 340 days, nagtatrabaho ako, hindi ako napapagod kasi pag umuuwi ako sa bahay, honestly, sobrang saya ko kahit wala akong ginagawa kapag nakikita ko ang pamilya nandiyan na buo, nakikita ko na masaya sila," seryosong pagkukuwento ni Coco

Ngayon ay talagang matagumpay at nasa ibabaw si Coco dahil sa pinapakita nito na pagsisikap at pagiging magalang sa kaharap ng kamera man o hindi kaya hindi nagsasawa ang marami na suportahan siya para sa kanyang buhay sa showbiz pati na din sa nagiging proyekto nito.

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin nagkuwento tungkol sa kanyang ginagawang pagsasakripisyo sa buhay.
Coco Martin nagkuwento tungkol sa kanyang ginagawang pagsasakripisyo sa buhay.
https://4.bp.blogspot.com/-3V7CNWZ34PM/Wc5zMlnD-nI/AAAAAAAABZ8/tyd7i-Jl5iI_NIbtIbbNEVw0NLk2rGOpACLcBGAs/s400/Coco.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-3V7CNWZ34PM/Wc5zMlnD-nI/AAAAAAAABZ8/tyd7i-Jl5iI_NIbtIbbNEVw0NLk2rGOpACLcBGAs/s72-c/Coco.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/09/coco-martin-nagkuwento-tungkol-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/09/coco-martin-nagkuwento-tungkol-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy