Madami ang nabilib at bumati sa mga nakapanood ng rough edit ng Ang Panday ang unang directorial job ni Coco Martin para sa kanyang CCM ...
Madami ang nabilib at bumati sa mga nakapanood ng rough edit ng Ang Panday ang unang directorial job ni Coco Martin para sa kanyang CCM Production at entry sa papalapit ng 2017 Metro Manila Film Festival.
Ayon sa mga nakapanood ng Ang Panday sobrang makapigil-hininga ang mga action scene ng nasabing pelikula at kahanga-hanga ang mga naging camera work na ginawa ni Coco na talagang pinag-isipan ng husto.
Sa nakaraan na mga naging pahayag ni Coco sa ABS-CBN ay puso ang kanyang ginamit para sa pagdi-direk ng kanyang pelikula.
Sa ngayon hindi pa tapos ang pelikula na "Ang Panday" pero madami ng papuri ang tinatanggap ni Coco dahil sa magaling na pagdi-direk niya, sinasabi ng iba na matagumpay niya itong nagawa.
COMMENTS