Julia Montes may wish tungkol sa kanila ng dating leading man na si Coco Martin.

Umaasa parin si Coco Martin na magiging magkatrabaho muli sila ng kanyang dating leading lady na si Julia Montes sa bagong proyekto, peli...


Umaasa parin si Coco Martin na magiging magkatrabaho muli sila ng kanyang dating leading lady na si Julia Montes sa bagong proyekto, pelikula man o TV show na talaga namang hinahanap-hanap ng kanilang mga tagahanga.



Matagal man hindi nagkasama sa iisang project at umaasa ang dalawa dahil aminado na parehas silang magaan ang loob sa pag-gawa ng proyekto.

“Sa palagay ko, eh, komportable lang naman siguro si Coco sa akin,”ani ni Julia

“Medyo marami-rami na rin kasi kaming nagawa together. May movie at serye na rin naman kaming dalawa na magkasama.” dagdag pa nito

Bukod kay Julia gusto ring makatrabaho ni Coco Martin sina Liza Soberano at Angel Locsin sa iisang proyekto.



Masaya naman si Julia sa naging pahayag na ito ni Coco kahit na malapit ang loob nila sa isa't isa.

“Sa totoo lang, eh, nakaka-flatter talaga. Sa akin naman, eh, gustung-gusto ko rin naman siyang makatrabraho ulit.” pahayag muli ni Julia

Sa ngayon ay tahimik pa rin talaga  silang dalawa sa tunay ng kanilang estado sa buhay pag-ibig pero umaasa ang marami na aamin na ito sa mga susunod na taon lalo na't sa mga huling naging interview nila sa Tv show ng ABS-CBN ay mapapaisip ka na sa kanilang mga naging sagot na hindi lang sila makaamin sa kung anong meron sa kanila.

Kahit wala pang nakahilera ang ABS-CBN management kung pagsasamahin muli si Coco at Julia sa iisang proyekto nakadama naman ng excitement si Julia sa wish nito.



“Sino ba naman kasi ang hindi ma-excite, eh, Coco Martin yata ang makakasama mo, di ba? Sana lang matupad. Si Coco po kasi hands-on siya sa mga projects niya." ani ni Julia

“Wish ko lang sana, eh, matutuloy ‘yan ASAP. Pero depende pa rin naman yan kay Coco. At sa totoo lang, eh, sobrang naaliw ako sa pelikula nilang dalawa ni Vice na The Super Parental Guidance.”

“Sobrang nakakatawa ang movie. Magkakasama kami ng family ko na nanood ng movie. Gustung-gusto nila ang pelikula."

"Tawang-tawa kaming lahat. Pero sa totoo lang naman, eh, kapag nagsama silang dalawa ni Vice, eh, talagang nakakatawa na. Happy nga po ako kasi successful ‘yung movie nila,” 

Kung si Coco ang tinatawag na Primetime Drama King si Julia naman ay hawak ang Daytime Drama Queen dahil sa naging top rating nitong serye na Doble Kara noon.



“Nakakagulat po. Sa totoo lang, nu’ng trade event, eh, nagulat ako sa ipinalabas na VTR. ‘Yun kasi ang tawag nila sa akin ng mga fans at dito sa ABS, pati sa plug ‘yun ang sinasabi nila sa akin." ani ni Julia

“Siyempre, naman nakaka-flatter talaga. Hindi ko naman inaasahang ibibigay sa akin ‘yung title na ‘yun. Sobrang nakakataba ng puso,” nakangiting sinabi ni Julia


COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Julia Montes may wish tungkol sa kanila ng dating leading man na si Coco Martin.
Julia Montes may wish tungkol sa kanila ng dating leading man na si Coco Martin.
https://2.bp.blogspot.com/-SUEQQLJzyOw/Wc0TV93iXFI/AAAAAAAABWs/ygcs2_u6rKIXhICMmqijkr5kbpXZUZQ8ACLcBGAs/s400/Coco%2Band%2BJulia.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-SUEQQLJzyOw/Wc0TV93iXFI/AAAAAAAABWs/ygcs2_u6rKIXhICMmqijkr5kbpXZUZQ8ACLcBGAs/s72-c/Coco%2Band%2BJulia.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/09/julia-montes-may-wish-tungkol-sa-kanila.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/09/julia-montes-may-wish-tungkol-sa-kanila.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy