Kilalanin ang "Little Nanay" na tumatayong magulang ng kanyang mga nakababatang kapatid sa murang edad nito.

Images from Kapuso Mo Jessica Soho's video via Youtube Kilalanin si Mandy Sevillana ang 11-anyos na batang sa halip na naglalaro at ...

Images from Kapuso Mo Jessica Soho's video via Youtube
Kilalanin si Mandy Sevillana ang 11-anyos na batang sa halip na naglalaro at nag-aaral ay pag-aalaga at pag-aasikaso sa gawaing bahay ang ginagawa araw-araw.

Sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), iniwan na si Mandy ng kanyang ama na taga-Austria at ang kanyang ina naman ay nakakulong dahil sa pinagbabawal na gamot.

Kaya sa halip na siya ang inaalagaan ay siya ang nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid na kasama niya sa bahay.

Ikinuwento ni Mandy kung bakit niya tinatamasa ang ganito buhay.

"Dumating po ‘yong stepfather ko, sabi ko, ‘Papa, nasaan na si Mama?’ Sabi, ‘Nakakulong na nanay mo,'" umiiyak  habang inikukwento ni Mandy ang mga nanagyari.

"Nasubukan ko na rin po ang magpaka-nanay dahil, ‘di ba po, ang isang nanay ginagawa po bumili ng gatas ng anak niya, mag-alaga ng anak niya? Pero dahil wala po iyong nanay ko ngayon, ako muna ang gumagawa," dagdag pa ni Mandy sa kanyang pagkukuwento.

Images from Kapuso Mo Jessica Soho's video via Youtube
Napagalaman din na walo silang magkakapatid, dalawa ang naging kapatid niya sa tunay niyang ama at ina, habang ang lima ay mga kapatid na lamang niya sa ina.

Ngunit hindi ito naging hadlang para gampanan niya ang pagiging isang "Little Nanay", para sa kanyang mga nakababatang kapatid at hindi ito nagtatanim ng galit sa kanyang ina.

Dito palang ay mararamdaman mo na isa siyang mabuting bata at anak.

 Dagdag pa ni Mandy "Kahit po pagbali-baligtarin natin ang mundo, ang nanay po natin ay nanay po natin,"

Sa ngayon ay hindi ito pinanghihinaan ng loob at ginagamit din nito ang kanyang magandang tinig at umaasa na magbabago ang kanyang buhay dahil sa kanyang talento.

Kamakailan ay sumali si Mandy sa Wowowin:


At ito ang video ng Kapuso Mo, Jessica Sojo kung saan ay sinasalaysay ang buhay ni Mandy.


Sana'y maging isa itong halimbawa sa ibang bata.

Source: Youtube, Youtube

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Kilalanin ang "Little Nanay" na tumatayong magulang ng kanyang mga nakababatang kapatid sa murang edad nito.
Kilalanin ang "Little Nanay" na tumatayong magulang ng kanyang mga nakababatang kapatid sa murang edad nito.
https://3.bp.blogspot.com/-ArOXDt322Jw/Wej_e_r3_BI/AAAAAAAAB_k/G8ATOnpLD1sU_UvEyPT3XRbZSZcSvj3jACLcBGAs/s320/Mandy.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-ArOXDt322Jw/Wej_e_r3_BI/AAAAAAAAB_k/G8ATOnpLD1sU_UvEyPT3XRbZSZcSvj3jACLcBGAs/s72-c/Mandy.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/10/kilalanin-ang-little-nanay-na.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/10/kilalanin-ang-little-nanay-na.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy