Lalake na pinaglalamayan ng kanyang pamilya nagpakita sa araw ng burol nito.

Tatlong taon ng hindi nagpaparamdam si Junmar Faeldog sa kaniyang pamilya dahil sa naglayas ito noong nagkaroon sila ng tampuhan ng kany...


Tatlong taon ng hindi nagpaparamdam si Junmar Faeldog sa kaniyang pamilya dahil sa naglayas ito noong nagkaroon sila ng tampuhan ng kanyag ama.

Dahil sa isang pagkakamali, hindi niya aakalain na magkakasundo pa sila ng kanyang pamilya dahil din sa isa pang pagkakamali matapos nitong lumayas.

Ayon kay Junmar: "Naghanap po ako ng pamilyang kakalinga sa akin."

Sa pag-alis ni Junmar sa Montalban, Rizal ay lumuwas ito sa Cubao, Quezon City at doon ay nakahanap siya ng isang pamilyang kumupkop sa kaniya.

"May isang Muslim na nagkupkop sa akin, yong pagmamahal na hinahanap ko sa isang magulang, sila mismo ang nagbigay sa akin." pahayag ni Junmar

Sa Cubao na rin nakilala ni Junmar si Eden Medis ang kaniyang kinakasama sa bahay, nagustuhan niya ito dahil sa pagiging-maalaga sa kanya at si Eden naman ay aminado na nagustuhan niya si Junmar dahil sa pagiging masipag nito lalo na nung nanunuyo ito sa kanya.

Kahit na may dalawa ng anak si Eden ay tinanggap ito ni Junmar at itinuturing na din niya ito na sariling anak.

Dahil sa nakahanap na ito ng pamilyang magmamahal sa kanya may hindi naman inaasahan si Junmar sa malalaman niya upang bumalik sa kanyang pamilya na iniwan.


Dahil sa may natagpuan na isang pugot na bangkay sa Montalban at napagkamalan ito ng awtoridad na si Junmar, na tumugma kasi ang kanilang dugo, damit at maging ang nunal nito sa batok.

Matapos nito ay ilang araw din pinaglalamayan ng mga kaanak at kapitbahay nila Junmar ang bangkay na ito bago malamang hindi pala ito ang kanilang nawawalang kaanak.

Nalaman lang na buhay si Junmar nang makausap niya sa Facebook ang kanyang tiyahin, kaya agad naman itong umuwi sa Montalban matapos malaman ang balitang ito.

"Hindi sila makapaniwala, ‘yong iba nagtakbuhan [dahil sa takot], ‘yong iba niyakap ako," pagkukuwento ni Junmar

Dahil pagkakamali na ito ay natuldukan din ang tampuhan sa panig ni Junmar at kaniyang pamilya.

"Nagkaayos kami sa pangyayaring ‘yon... akala ko hindi po nila ako mahal pero mahal pala nila ako."  dagdag pa nito

Dahil sa hindi pala si Junmar ang pinaglalamayan ay agad din nila itong ipinaalam sa purinarya para kunin ang inakala nilang patay na kaanak.


Source: Youtube

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Lalake na pinaglalamayan ng kanyang pamilya nagpakita sa araw ng burol nito.
Lalake na pinaglalamayan ng kanyang pamilya nagpakita sa araw ng burol nito.
https://2.bp.blogspot.com/-qihSLRCXfPo/WeY0nOBkfcI/AAAAAAAAB88/ScNx5T2pKOU9EkpD7EJ4RhQ8J5eKn5SKwCLcBGAs/s320/Junmar.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-qihSLRCXfPo/WeY0nOBkfcI/AAAAAAAAB88/ScNx5T2pKOU9EkpD7EJ4RhQ8J5eKn5SKwCLcBGAs/s72-c/Junmar.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/10/lalake-na-pinaglalamayan-ng-kanyang.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/10/lalake-na-pinaglalamayan-ng-kanyang.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy