Vice Ganda nagsalita na tungkol sa isyung tampuhan nila ni Coco Martin.

Magkalaban ngayon sa darating na 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Coco Martin at Vice Ganda, madami ang nag-iisip kung isa ba ...


Magkalaban ngayon sa darating na 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Coco Martin at Vice Ganda, madami ang nag-iisip kung isa ba isa sa dahilan kung bakit nagkaroon ng personal na tampuhan ang dalawa.

Si Coco ang entry ay Ang Panday kasama ang kanyang mga ilang katrabaho sa FPJ's Ang Probinsyano sa ngayon ay nasa 80 na mahigit ang makikita sa kanyang pelikula, si Vice Ganda naman ay ang The Revengers  kasama niya dito si Daniel Padilla at Pia Wurtzbach, kung matatandaan ay ilang pelikula na nagsama sina Coco at Vice at ang huli  ay ang "The Super Parental Guardians" na dapat entry nila ngunit hindi ito nakasali at ipinalabas nalang ng November 30 at humakot ng P590m na ngayon ay may hawak ng record bilang highest grossing local film.

Sa naging pictorial ng The Revengers last Sunday sa Studio 4 ng ABS-CBN, ipinaliwanag na ni Vice ang sinasabing tampuhan nila ni Coco.



Una nitong sinagot "All is well? Yes, for me, ha?"

"I cannot speak for anyone else, pero kung ako ang tatanungin ninyo, I’m okay with him. In-expect ko naman na ‘yan. Lahat naman ‘pag ganyan, di ba? Lagi naman." dagdag pa nito.

“Ang mga tao kasi, laging hahanap ng isang negatibong bagay sa lahat ng mga pangyayari. It’s very sad na mas interesado ang mga tao ‘pag hindi maganda yung issue. Pero ‘pag maganda ‘yung issue, they won’t talk about it,” paliwanag ni Vice dahil sa nagiging isyu tungkol sa kanila ni Coco

Paglilinaw ni Vice masado silang abala sa kani-kanilang mga trabaho ngayon kaya walang oras na makapag-usap sila.

“For now, hindi, kasi hindi naman kami ganu’n ka-constant. Kasi malala ang trabaho ni Coco, malala din ang trabaho ko, pareho kami. Kung may free time siya, for sure mas gusto na niyang kausapin ang nanay niya saka lola niya." ani Vice

"Ako din, ‘pag may free time ako, nanay ko na lang din muna ang tatawagan ko kaysa sa ibang tao." dagdag pa nito

Pero paglilinaw ni Vice pareho lang naman sila ng gusto ni Coco.

"Masaya, kasi pareho lang naman kami ng intentions ni Coco. Gusto lang namin to be of service to our audience. May sarili siyang ways, may sarili din akong ways. Since Pasko ito, pareho lang namin gustong pasayahin ‘yung audience namin."


Sabik si Vice na ipalabas sa mga sinehan ang The Revengers dahil first time niyang makakasama dito sina Pia Wurtzbach at Daniel.

"Siyempre, excited, kasi gusto ko ang mga kasama ko ngayon. First time ko silang makakasama, sila Daniel saka si Pia." naging sagot ni Vice

"Excited, kasi si Direk Joyce uli ang kasama ko na direktor. First time, kasi maraming bago, first time ko na superhero. Naka-superhero na costume ako, so super happy." dagdag pa nito

Sa ngayon ay nagiging kaabang-abang kung sino sa kanila ang magiging number 1 at 2 sa MMFF 2017.

Source: Balita.net.ph

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Vice Ganda nagsalita na tungkol sa isyung tampuhan nila ni Coco Martin.
Vice Ganda nagsalita na tungkol sa isyung tampuhan nila ni Coco Martin.
https://3.bp.blogspot.com/-zJ6zInAUtPo/Wd5hiePS0yI/AAAAAAAAByk/VRoZohjYUkcZdDZbs2UKQjb5RdlIKxocwCLcBGAs/s320/Coco%2BMartin.png
https://3.bp.blogspot.com/-zJ6zInAUtPo/Wd5hiePS0yI/AAAAAAAAByk/VRoZohjYUkcZdDZbs2UKQjb5RdlIKxocwCLcBGAs/s72-c/Coco%2BMartin.png
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/10/vice-ganda-nagsalita-na-tungkol-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/10/vice-ganda-nagsalita-na-tungkol-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy