Beteranang aktres na si Maria Isabel Lopez kahihiyan ang inabot dahil sa pagiging pasaway nito.

Matapos mag-viral sa social media ang post ni Maria Isabel Lopez ay humingi ito ng paumanhin na mapapanood kung saan ay ipinagmalaki niya...


Matapos mag-viral sa social media ang post ni Maria Isabel Lopez ay humingi ito ng paumanhin na mapapanood kung saan ay ipinagmalaki niya ang pagtanggal ng traffic barriers at pinilit dumaan sa ASEAN lane sa kahabaan ng EDSA nitong nagdaan na Sabado, Nobyembre 11.

Sa post ng beteranang aktres sa kanyang Facebook nitong Linggo, Nobyembre 12, ay sinabi ni na "Sorry to those who gut hurt and effected."

Dahil sa maling ginawang ito ay magkahalong reaksiyon ang inabot ni Isabel sa pagpasok niya sa ASEAN lane na para lamang sa mga pupunta sa ASEAN Summit.

"MMDA thinks I'm an official ASEAN delegate. If you can't beat em, join them."  ayon sa post ng beteranang aktres nitong Sabado.


May mga bumilib din sa ginawa ng aktres pero mas umani ito ng negatibong komento sa kanyang social media at sinasabi na hindi ito magandang halimbawa para sa ibang motorista.


Sa naging paliwanag ni Isabel Lopez sa DZBB nitong Linggo ay nagdahilan ito na hindi lamang siya ang gumawa ng paglabag sa batas trapiko.

Dagdag pa na paliwanag ni Isabel dahil sa matinding trapik ay nakiusap siya sa isang traffic enforcer na payagan siya na makadaan sa ASEAN lane.

Tumanggi naman ang traffic enforcer dahil sa walang sticker ang sasakyan ni Isabel na palatandaan na maaring dumaan sa mga isinarang daan.

Pahabol pa ng aktres na ginawa niyang makiusap sa traffic enforcer na idaan na lamang sa face value para sa kanyang pass.

Dahil sa pag-aantay ay may mga nakita siyang ibang sasakyan na dumadaan sa ASEAN lane, tulad ng bug at taxi.

Sinabi din nito na kinausap niya ang enforcer tungkol dito ngunit tinalikuran lamang siya nito at pumunta sa iba pang sasakyan na sumuway sa pinatutupad na batas trapiko noong araw na iyon.

Paliwanag muli ni Isabel na kaya siya pumasok sa ASEAN lane ay dahil mga nakikita nitong ibang sasakyan na dumadaan doon.

Inamin naman ni Isabel nma siya ang nag-alis ng mga divider cones at sumunod lang sa kanya ang iba pang sasakyan.

"I removed the divider cones! Then all the motorists behind me followed!" isa sa post ni Isabel

Ayon naman sa Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation Franchising and Regulatory Board ay kailangan nilang suspindihin ang lisensiya ng aktres dahil sa pagiging pasaway nito.

Sagot naman ni Isabel ay handa siyang tanggapin ang parusang ibibigay sa kanya pero hiniling din niya na parusahan din ang iba pang naging pasaway sa pinatupad na batas trapiko noong araw na iyon.

Source: PEP , Facebook

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Beteranang aktres na si Maria Isabel Lopez kahihiyan ang inabot dahil sa pagiging pasaway nito.
Beteranang aktres na si Maria Isabel Lopez kahihiyan ang inabot dahil sa pagiging pasaway nito.
https://3.bp.blogspot.com/-mo8wQOOMEN0/WgibTwObO3I/AAAAAAAACew/rwdhuOuhUhsjuKjgybFruShxw3drS-fSgCLcBGAs/s320/Isabel.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-mo8wQOOMEN0/WgibTwObO3I/AAAAAAAACew/rwdhuOuhUhsjuKjgybFruShxw3drS-fSgCLcBGAs/s72-c/Isabel.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/beteranang-aktres-na-si-maria-isabel.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/beteranang-aktres-na-si-maria-isabel.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy