Coco Martin handa nga ba iwan ang showbiz para sa politika?

Hindi itinatanggi ng aktor na si Coco Martin ang labis niyang paghanga sa yumaong King of Philippines Cinema na si Fernando Poe Jr (FPJ) ...


Hindi itinatanggi ng aktor na si Coco Martin ang labis niyang paghanga sa yumaong King of Philippines Cinema na si Fernando Poe Jr (FPJ) at ngayon ay siya ang bumubuhay ng mga lumang pelikula nito.

Sa naging ulat ng ABS-CBN natanong si Coco sa kanyang interbiyu kung may balak din siyang tumakbo bilang pangulo gaya ng ginawa ni FPJ noong 2004.

May plano din ba si Coco, ang bida sa seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" at pelikulang "Ang Panday" na tahakin ang politika gaya ng kanyang idolo?

Imahe kuha mula sa Facebook
Imahe kuha mula sa Facebook
Sa naging press conference nitong Huwebes sa kanyang pelikulang "Ang Panday" itinanggi ni Coco na hindi niya naiisip na pasukin ang mundo ng politika.

Dagdag ng aktor, masaya na siya sa kanyang nagiging trabaho sa mundo ng showbiz lalo na't natupad na ang kanyang pangarap na maging isang direktor na sampung taon na niyang pangarap.

"Parang hindi po tayo uubra doon." sagot ni Coco

"Masaya po ako ngayon sa trabaho ko.. Ang pagiging direktor, matagal ko nang pangarap pero ngayon ay nagkaroon ako ng chance at lakas ng loob para gawin ito."

Pagku-kuwento ni Coco, nais niyang magtagal sa mundo ng showbiz gaya na lamang ng kanyang co-star sa "Ang Probinsyano" at "Ang Panday" na si Eddie Garcia.

"Ang hinahangad ko po ay umabot ako sa edad ni Tito Eddie Garcia na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa. Not because para kumita, pero 'yun din ang sekreto ng pagpapahaba ng buhay, 'yung alam mong may purpose ka pa rin sa mundong ito." makahulugan na sagot ni Coco

Ngayon ay isa si Coco sa mga napapamahal sa tao dahil sa kanyang naihahatid na aral sa bawat bahay na nanonood gabi-gabi sa kanya sa "FPJ's Ang Probinsyano" na mas lalong tinututukan dahil sa mas gumaganda nitong kuwento.

Ipapalabas naman ang pelikula ni Coco na "Ang Panday" sa araw ng Pasko, Disyembre 25 na siguradong swak panoorin kasama ang pamilya.

Source: ABS-CBN , Coco Martin , Facebook

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin handa nga ba iwan ang showbiz para sa politika?
Coco Martin handa nga ba iwan ang showbiz para sa politika?
https://3.bp.blogspot.com/-kQqmZvv6X2E/WiCfGYskUwI/AAAAAAAACz8/ZrjIzltUSXU_tG8VTtBj15fkqwM9gWLgwCLcBGAs/s320/Coco%2BMartin.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-kQqmZvv6X2E/WiCfGYskUwI/AAAAAAAACz8/ZrjIzltUSXU_tG8VTtBj15fkqwM9gWLgwCLcBGAs/s72-c/Coco%2BMartin.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/coco-martin-handa-nga-ba-iwan-ang.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/coco-martin-handa-nga-ba-iwan-ang.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy