Coco Martin top 1 ngayon sa mga artista dahil sa bagay na ito na wala ang iba.

Hindi maitatanggi na si Coco Martin ang pinakamasipag na artista ngayon at sobrang desiplinado kaya mataas ang nakukuhang respeto galin...


Hindi maitatanggi na si Coco Martin ang pinakamasipag na artista ngayon at sobrang desiplinado kaya mataas ang nakukuhang respeto galing sa ibang kapwa artista na nakakatrabaho niya.

Inamin inamin naman ni Coco na nagdududa siya sa kanyang sariling kakayahan noong nagsisimula pa lamang nila gawin ang 2017 Metro Manila Film Festival entry niyang "Ang Panday" na siya ang bida. direktor at producer.

Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga kinuhang artista ay buo ang loob ni Coco na gawin ito kahit na unang beses pa lamang niyang sasalang sa pagdidirek ng isang pelikula.

"Sa totoo lang naman, eh, lahat naman tayo, every time na papasok tayo sa isang bagong pakikipagsapalaran, hindi naman tayo ganon ka-experienced, eh, may naramdaman tayong duda sa sarili natin."

"Kumbaga, naitanong agad natin sa sarili natin, kung kaya ba natin ito. Andon yung kaba lalung-lalo na nu’ng first day shooting namin,” ayon kay Coco



Ibinahagi din ni Coco ang mga karanasan niya sa indie films noon at inamin na humingi siya payo na kung puwede ba ang mga naisip niyang makakatulong para lalong mapaganda ang movie nila.

"Hindi lang naman sa mga ginagawa kong indie movie pati na rin sa ibang pelikula at sa mga teleserye, eh, nagbibigay rin ako ng suggestions o mga ideya.

"Pero iba pa rin itong ikaw ang mismo ang director ng pelikula mo. Kumbaga, sa balikat mo lahat nakapatong. Sabi ko nga, eh, parang kapag nagkamali ka diyan sa gagawin mo, eh, desisyon ‘yan, eh." ani ni Coco.

Ipinagmamalaki din ni Coco ang naging taglay niyang lakas ng loob.

"Ako kasi, sabi ko nga, eh, hindi basta nakukuntento lalung-lalo na sa isang bagay na madali at mukhang simple lang namang gawin. Kumbaga, gusto ko maganda kong maipakita ‘yun sa mga manonood." pahayag ni Coco

Isa sa nagbigay ng matinding challenge kay Coco bilang director ay ang pinakabago niyang pelikula na 'Ang Panday' na kinuhanan ang ilang eksena sa Divisoria.

Sa mga ibinahagi ni Coco na kuwento ay tila nakakadagdag ng pagkagalak mapanood ang kanyang MMFF entry.

Nasimula na din si Coco maglibot sa iba't ibang lugar at mag-motorcare at i-promote ang kanyang unang nai-direk na pelikula na sampung taon na niyang pangarap ay ngayon ay nabigyan na ng katuparan.

Dahil sa sipag na pinapakita ni Coco ay hula ng marami na baka siya ang dumugin ng husto sa paparating na filmfest sa kapaskuhan.

Source: Balita.net.ph

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Coco Martin top 1 ngayon sa mga artista dahil sa bagay na ito na wala ang iba.
Coco Martin top 1 ngayon sa mga artista dahil sa bagay na ito na wala ang iba.
https://3.bp.blogspot.com/-C-VUV324DkI/Wh84ZIvUogI/AAAAAAAACxk/rvvroC1s6sQX0292BaZeGr0dkZEYFDBIACLcBGAs/s320/Coco%2BMartin.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-C-VUV324DkI/Wh84ZIvUogI/AAAAAAAACxk/rvvroC1s6sQX0292BaZeGr0dkZEYFDBIACLcBGAs/s72-c/Coco%2BMartin.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/coco-martin-top-1-ngayon-sa-mga-artista.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/coco-martin-top-1-ngayon-sa-mga-artista.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy