"Kasi karamihan talaga yumayabang, karamihan nagiging diva-divahan, nag-iiba ugali." - Sylvia Sanchez

Imahe mula sa Instagram ni Sylvia Sanchez Sa naging bungad na pagkukuwento ni Sylvia Sanchez tungkol sa kanyang karakter sa pelikulang &...

Imahe mula sa Instagram ni Sylvia Sanchez
Sa naging bungad na pagkukuwento ni Sylvia Sanchez tungkol sa kanyang karakter sa pelikulang 'Nay' na ipalalabas na sa Nobyembre 13-20 bilang bahagi ng Cinema One Originals Film Festival na ulat ng Balita.net.ph.

"Iiyak kayo sa Aswang na ito, not the typical asawang movie na kumakain basta ng tao, ito kasi nahagati siya sa puso ng tao at puso ng aswang." ani ni Sylvia Sanchez

Isang yaya si Sylvia sa buhay ni Enchong Dee sa kuwento na hindi niya kayang saktan o patayin dahil sa mahal niya ito kaya ipapasa na lamang niya ang kanyang pagiging aswang sa alaga para maging pareho sila.

"Yun.!! yung iiyakan ninyo kung bakit naging aswang si Enchong." pahayag ni Sylvia na nagiging palaisipan sa mga nais manood ng kanyang pelikula

Sa ngayon ay aminado ang iba na natatakot sila sa poster pa lamang ni Sylvia bilang 'Nay' dahil sa mga mata nito at tila hindi magpapahuli ng buhay.


Nagagalak na si Sylvia sa kanyang pangalawa na indie film.

"Hindi kasi ako madalas mag-indie, second time ko pa lang ito, nauna ‘yung Sikil (2008). May mga offers before nito (Nay), kaso natapat sa schedule ng The Greatest Love na everyday ang taping kaya hindi ko kayang gawin." pahayag muli ni Sylvia Sanchez

Ngayon ay may oras na si Sylvia sa kanyang pamilya at puwede na din siyang tumanggap ng ibang proyekto lalo na kung sa susunod na taon pa ang shooting nito.

"Sa ngayon kasi kaya na ng schedule ko like itong bagong teleserye na lang namin ni Arjo (Atayde) ang ginagawa ko, plus yung weekend kong Beautederm Caravan sa mga probinsiya." sagot ni Sylvia

May dalawa ng Cinemalaya na offer kay Sylvia sa 2018 na kailangan niyang pamilian kung ano ang kanyang tatanggapin sa mga ito.

"As of now kasi wala pa sa akin ang script, magmi-meeting pa lang kami. Gustung-gusto kong mapasama sa Cinemalaya film festival."

Sa ngayon ay isa si Sylvia sa nirerepesto at nakakatikim ng puro papuri sa social media dahil sa magandang imahe niya kasama ang mga magagaling nitong anak na kapwa artista, ngunit hindi parin maiwasan na magkaroon talaga ng bashers sa showbiz.

"May mga ilan-ilan din, ‘kaso hindi ko pinapatulan o hindi ko pinapansin ang bashers, wala akong pakialam sa kanila.” sagot ni Sylvia ng tanungin tukol sa mga mahilig mambully sa internet

"Kasi talo ako kapag pinatulan ko sila kasi hindi ko sila kilala, wala silang mukha. Ako lang ‘yung mai-stress. Kaya kung i-bash nila ako, eh, bahala ka diyan, gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. Nababasa ko naman sila pero wala akong pakialam sa kanila."

Hindi naman itinaggi ni Sylvia na naapektuhan siya kapag may nababasa siya o naririnig na hindi maganda tungkol sa kanya.

"Siyempre nasasaktan ka ‘pag may ganu’n dahil hindi naman naiiwasan ‘yun, pero ano’ng reason para patulan ko, talo ka, eh. Kung kilala ko sila, sige halika, sa gitna tayo, hatawan tayo." ani ni Sylvia

Naitanong din kay Sylvia kung nakakalaki ba ng ulo kapag may pelikulang kumikita o nagkaroon ng sunod-sunod na proyekto, awards at papuri?

Magkakaroon kase ng dalawang pelikula si Sylvia na ipapalabas ngayong Nobyembre na ang 'Nay' at ang 'Mama's Girl' kasama niya si Sofia Andres.

"Actually, Reggs (kapanayam ni Sylvia) para magbida ka, nakakalaki talaga ng ulo, totoo. At para kumita ang pelikula mo, hindi mo maiiwasang hindi lumaki ang ulo at totoo naman ‘yun, pero depende sa ‘yo.Ako kasi kapag ‘pinasok ko lahat sa ulo ko ‘yun at sa puso ko na, ‘ah, kumita ang pelikula ko, ah, star na ako, lalaki talaga ulo mo. Pero ‘yun naman ang downfall mo rin kapag hindi mo nahawakang mabuti."

"Kasi karamihan talaga yumayabang, karamihan nagiging diva-divahan, nag-iiba ugali.Eh, ako, thank you ako na nag-TGL ako, thank you ako na mayroon akong ibang projects na ako ang bida, pero hanggang doon lang at hindi ko ipinapasok sa ulo ko at sa puso ko.Ini-enjoy ko lang. ‘Wow, okay kasi ngayon ko lang naranasan,’ pero hindi ko ipinapasok sa ulo ko’t isipan ko at sa puso ko. Kaya ‘yung paglaki ng ulo, nas tao ‘yan kung kaya nilang i-handle o hindi." paliwanag ni Sylvia

Halos 27 na taon na si Sylvia sa mundo ng Showbiz pero wala ka makikitang isyu o reklamo tungkol sa trabaho, dahil sa bawat nakakatrabaho niya ay respeto at pagmamahal ang nakukuha niya.

Source: Balita.net.ph , Instagram

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: "Kasi karamihan talaga yumayabang, karamihan nagiging diva-divahan, nag-iiba ugali." - Sylvia Sanchez
"Kasi karamihan talaga yumayabang, karamihan nagiging diva-divahan, nag-iiba ugali." - Sylvia Sanchez
https://3.bp.blogspot.com/-Ro-NgrcSv5c/Wf24dw_cZuI/AAAAAAAACXE/hPWcFjoeiLsvkReIjNuDCqGriKlcSUeYgCLcBGAs/s320/Sylvia%2BSanchez.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-Ro-NgrcSv5c/Wf24dw_cZuI/AAAAAAAACXE/hPWcFjoeiLsvkReIjNuDCqGriKlcSUeYgCLcBGAs/s72-c/Sylvia%2BSanchez.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/kasi-karamihan-talaga-yumayabang.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/kasi-karamihan-talaga-yumayabang.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy