Pagkalunod ni Franco Hernandez ikinuwento ng isa sa mga nakaligtas sa trahedya.

Sa kauna-unang pagkakataon nagsalita na si Tom Doromal tungkol sa pagkalunod ng kasamahan niya na si Franco Hernandez sa Hashtags group....



Sa kauna-unang pagkakataon nagsalita na si Tom Doromal tungkol sa pagkalunod ng kasamahan niya na si Franco Hernandez sa Hashtags group.

Isa sa mga kasama ni Franco si Tom Doromal ng mangyari ang hindi inaasahang aksidente sa kanila habang nasa isang resort sa Davao Occidental noong Nobyembre 11.

Dahil sa pangyayaring ito, ay sa edad na 26-anyos ni Franco Hernandez ay nasawi ito dahil sa pagkalunod.

Sa naging panayam ni Tom sa Rated K ng ABS-CBN nito lamang linggo, Nobyemre 19 ay ikinuwento ni Tom Doromal ang mga nangyari sakanila at pagkalunod ni Franco.

Kunweto ni Tom Doromal ay niyaya nito si Franco at iba pang miyembro ng Hashtags na pumunta  kanilang probinsiya sa Davao Iccidental para magbakasyon.

Tom Doromal
Franco Hernandez
Ang grupo ng Hashtags ay all-male na regular na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Paglalahad ni Tom Doromal: "Nung nalaman namin na may bakasyon, [Nobyembre] 10-14, in-invite ko lahat ng Hashtags.
"Kinausap ko si Franco, 'Bakasyon tayo dun."

Sinangayunan naman daw nito nina Franco at nagpasya na isasama nito ang kaniyang nobya na si Janica Nam Floresca.

Dagdag pa ni Tom, may mga pangitain na hindi na dapat sila natuloy, kagaya na lamang ng pagkaantala ng kanilang flight.

"Flight namin, 6 A.M. Tapos nung 6 A.M., nagulat kami, ba’t wala pa yung flight namin.
"Di ba, sa airport, may last call?
"Nung 8 A.M. na, tinanong na namin, ‘Oo, kanina pa [nakaalis].
"Hindi pa tinawag yung pangalan namin and everything.
"Ta's pina-rebook na nila. Nine ata or 10 A.M. Tapos, nag-fly kami ng Davao."

Ayon pa dito ay nagbalak daw sila na magpunta sa falls, pero pinigilan daw sila.

"Una, balak talaga namin na mag-falls, kaso a day before, umulan sa place namin.
"Sabi, medyo ano ang falls... pangit na.
"Sabi ko, ‘Bro, puwede tayong mag-white beach. Tapos, nakarating kami.
"Tapos, ayun, nung sinabi ko, ‘Bro, balik na tayo kasi anong oras na. Medyo dumadami na yung alon."

Nobyembre 11, pasado alos-dos daw ng hapon nang mapasukan ng tubig ang kanilang sinasakyan na motorized banca.
Magkakasama na sakay ng bangka sina Franco, Janica (Nobya ni Franco) , Tom at dalawa pang kasamahan.
Ang mga lalaki ay napilitan na tumalon mula sa bangka kasama sina Tom at Franco at ang naiwan ay ang dalawa nilang kasama na babae.

Paglalahad ni Tom Doromal sa nangyari: "Napasukan talaga ng tubig, buo. e, di tumalon na silang lahat.
"Tapos, nagulat na lang ako, sina Nam at Franco, nandon na sa medyo malayo."

Nagawa naman daw nilang masagip ang magkasintahan ngunit wala na daw malay ng oras na iyon si Franco.
Dagdag muli ni Tom Doromal: "Tinray kong i-revive. Ni-rush namin sa hospital.
"Tapos, after a while, kinausap ako. Sabi nila, wala na daw."

Dito daw nila naisip na sana ay hindi na lamang sila tumuloy dahil sa mga senyales na hindi nila binigyan ng pansin noong una.
Ayon pa kay Tom: "Siguro sana hindi na lang kami siguro pumasok na sa isip namin na sabi ni God, huwag nang tumuloy.
"Pero hindi kasi pumasok sa isip namin, e.
"Parang na-realize na namin after nung pangyayari.
"Parang kinompile namin yung mga signs na ibinigay ni Lord na huwag na kayong tumuloy."

Nai-cremate na ang labi ni Franco Hernandez nitong Biyernes, Nobyembre 17.

Source: PEP , Instagram

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Pagkalunod ni Franco Hernandez ikinuwento ng isa sa mga nakaligtas sa trahedya.
Pagkalunod ni Franco Hernandez ikinuwento ng isa sa mga nakaligtas sa trahedya.
https://3.bp.blogspot.com/-5GLcEwCcMxk/WhMY_mKLM2I/AAAAAAAACo4/OmozULck-TwEsEshTzLLTF3amQBo5VLhQCLcBGAs/s320/Franco.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-5GLcEwCcMxk/WhMY_mKLM2I/AAAAAAAACo4/OmozULck-TwEsEshTzLLTF3amQBo5VLhQCLcBGAs/s72-c/Franco.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/pagkalunod-ni-franco-hernandez.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/pagkalunod-ni-franco-hernandez.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy