Vice Ganda hindi pumunta sa reception ng kasal ni Anne Curtis sa New Zealand.

Imahe kuha sa Instagram ni Vice Ganda Nitong Miyerkules ng tanghali, Nobyembre 15 bumuhos ang luha at naging malungkot ay studio ng &quo...

Imahe kuha sa Instagram ni Vice Ganda
Nitong Miyerkules ng tanghali, Nobyembre 15 bumuhos ang luha at naging malungkot ay studio ng "It's Showtime" ng ABS-CBN dahil sa pag-alala ng mga host at Hashtags members ang pumanaw nilang kasamahan na si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod nito.

Ilang araw din bago nagawang mag-alay ng dasal at sariwain ang mga naging samahan nila noong nabubuhay pa si Franco sa "Its' Showtime" dahil naka-tape ang episodes ng show nitong Lunes at Martes, Nobyembre 13 at 14 dahil sa pumunta ang mga co-host ni Anne sa kanyang kasal sa New Zealand.

Naikasal na si Anne Curtis at Erwan Heussaff nitong Linggo, Nobyembre 12 pero bago pa man ikasal si Anne ay pumanaw si Franco sa Davao Occidental noong Sabado, Nobyembre 11.

Nang sariliwain ni Vice Ganda ang alaala ni Franco ay halos hindi ito makapagsalita ng diretso habang nagbibigay ng mensahe.

Ayon kay Vice habang umiiyak ay "Umuwi na po siya sa tunay niyang tahanan" na hindi maitatanggi na labis talaga itong naapektuhan dahil sa biglaang pagpanaw ni Franco.

Dagdag pa ni Vice mami-miss niya ang tinuturing niyang anak-anak na "coño" sa show.

"Wala na yung anak kong coño. Wala na po yung anak kong mayaman..." pahayag ni Vice habang naluluha.

Sinabi din ni Vice isa si Franco sa limang miyembro ng Hashtags na madalas ay nakatambay sa kanyang dressing room araw-araw kaya hindi maitatanggi na malapit talaga ito sa kanya.

Dagdag pa ni Vice sa kanyang pakukunweto: "Isa siya sa pinakapaborito kong anak kasi sobrang sweet.
"Nakikita niyo sa muka ni Franco, hindi nawawala ang ngiti niya....
"Kakatok siya sa kuwarto 'no, 'Mom, what's for lunch?"

Nagkuwento din si Vice na hindi niyang nagawang dumalo sa reception ng kasal nina Anne at Erwan dahil sa nararamdaman na kalungkutan, kaya ang nagawa na lamang niya ay humingi ito ng paumanhin sa aktres.

Maging ang mga kasamahan ni Franco sa Hashtags ay sinariwa din ang ilang alaala nila sa 26-anyos na kaibigan dahil sa kapapasok lamang sa grupo nitong Pebrero 2017

Kuwento pa ng mga kasamahan ni Franco isa siya sa taong masayahin na laging nakangiti, at palaging yumayakap na likas na sa kanya dahil sa pagiging malambing nito.

"No mean bone" daw ang binata dahil nagsisilbi din itong inspirasyon ng mga kasamahan kapag sila ay malungkot o tinatamad na mag-rehearse para sa kanilang production number, na may usapan din daw silang tayo ng negosyo.

Ayon pa kay Bugoy Cariño, sobra niyang mami-miss ang kanyang kuya, lagi daw silang nasa harap kapag sumasayaw dahil parehas silang maliit.

Marami raw na parangarap na gusto tuparin ang kanyang tinuturing na totoong kapatid.

Ayon naman kay Vhong Navarro "Mission Accomplished" daw, noong una daw ay hindi siya makapaniwala sa balitang pumanaw na si Franco.

Pagku-kunweto ni Vhong: "Nag-message pa ako sa group chat ng mga hosts, inalam ko kung totoo yung nangyari.
“Kasi ang hirap na nga ng pinagdaanan namin sa New Zealand, kasi meron kaming kapatid na alam nating magiging masaya na forever dahil makakasama na niya ang magiging mahal niya habang buhay.
"May isang nag-comment doon na, 'Totoo ba?'
“So, nagtanong ako sa kanila.
"Actually, dapat kay Vice ko lang muna itatanong, kaya lang group chat pala yung na-message ko kasi nataranta ako.
“Tapos nagtanong si Vice, 'Bakit anong nangyari?'
“Tapos, nagtanong ako kay Direk Jilmer [Dy] kung totoo nga yung nangyari.
"Nung sinabi niyang 'oo,' parang ang hirap paniwalaan, e."

Patuloy na pagkukuwento ni Vhong: "Tapos, nag-usap kami dun sa group chat, ang iniisip namin, hangga't maaari, kailangan nating maging matatag para sa kapatid nating si Anne.
"Hangga't maaari, ayaw naming mabalitaan ni Anne, kasi kinabukasan na yung wedding niya, yung big day niya.
"Kaya lang, di mo masasabi, e, ang dami na nangyayari.
"So, tinray ni Vice na tanggalin sa group chat si Anne. Kaya lang, too late, nabasa na niya.
"Tapos, ang hirap na nag-try naming magiging masaya, nagpu-post kami ng mga pictures na masaya, pero sa loob namin, ang hirap.
"Paano ka babalanse, paano ka gigitna sa magiging masaya, sa magiging malungkot?"

Dagdag pa ng Vhong naalala din niya ang iba pang aktor na maagang pumanaw noong mga nagdaan na taon, gaya nina AJ Perez at Ricon Yan.

Iniisip na lamang daw niya na tapos na ang misyon nila dito kaya sila kinuha na ng Panginoon, "Pero Franco, isang pagsaludo sa kabaitan mo, isang saludo sa talento mo... at marunong kang rumespeto sa mga nauna sayo."

Pinangunahan naman ng co-host ni Vhong na si Amy Perez ang ginawang dasal para sa yumaong si Franco.

Kasalukuyang nakaburol ang labi ni Franco sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Nakatakda namang i-cremate ang labi nito sa Biyernes, Nobyembre 17.

Source: PEP , Instagram

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Vice Ganda hindi pumunta sa reception ng kasal ni Anne Curtis sa New Zealand.
Vice Ganda hindi pumunta sa reception ng kasal ni Anne Curtis sa New Zealand.
https://4.bp.blogspot.com/-5MQy-OCeGtc/Wgv2VHyjxRI/AAAAAAAACio/KtRXu1c2cKsKIwJvw8nAJPzGdgCfHpLJwCLcBGAs/s320/Vice%2BGanda.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-5MQy-OCeGtc/Wgv2VHyjxRI/AAAAAAAACio/KtRXu1c2cKsKIwJvw8nAJPzGdgCfHpLJwCLcBGAs/s72-c/Vice%2BGanda.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/vice-ganda-hindi-pumunta-sa-reception.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/vice-ganda-hindi-pumunta-sa-reception.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy