Vice Ganda nagbanta na ipahahanap ang taong nagbiro tungkol sa pagkamatay ni Franco Hernandez.

Hindi nakalagpas sa It's Showtime host na si Vice Ganda ang naging pambabastos ng isang Twitter user na @kimikimo0111 tungkol sa pagk...


Hindi nakalagpas sa It's Showtime host na si Vice Ganda ang naging pambabastos ng isang Twitter user na @kimikimo0111 tungkol sa pagkamatay ng isang miyembro ng Hashtag na si Franco Hernandez

Sobra ang naging galit ni Vice Ganda sa kanyang nabasa sa Twitter dahil nabanggit din ang pangalan ng kasamahan ni Franco sa Hashtags na si Jon Lucas.

Sa kanyang naging tweet ay nakalagay dito na, "Bat si Franco pa yung namatay di nalang si Jon Lucas. #RIPFrancoHernandez"


Imahe mula sa PEP

Ngayon ay nasa bansang News Zealand si Vice Ganda dahil sa kasal ng kapwa host nito sa "It's Showtime" na si Anne Curtis at kapareha nitong si Erwan Heussaff.

Imahe mula sa Instagram ni Vice Ganda
 Kahit na wala ito sa bansa ay hindi pinalagpas ang pangyayari na ito at agad nitong sinagot ang hindi magandang biro na naging Tweet ni @kimikimo0111.

Sa naging unang Tweet ni Vice Ganda: "Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon di ko papayagang may lumapastangan sa mga taong malapit sakin. Napakawalang hiya mong hayup ka!"

Hindi din naiwasan ni Vice Ganda na magbanta na ipapahanap niya at nag-tweet na ito na hindi talaga naging kaaya-aya sa kanya tungkol sa dalawa niyang kaibigan na si Franco at Jon.

Dagdag na Tweet ni Vice Ganda: "Hintayin mong makabalik ako sa Pilipinas at ipahahanap kitang demonyo ka! Di mo alam kung gaano kalungkot ang pinagdadaanan namin ngayon!"

May pahabol pa ito na gusto niyang makita ang nagtweet na ito sa personal at ulitin na sabihin sa kanyang harapan ang naging tweet nito.

Pangatlong tweet ni Vice: "Gusto ktang makita sa personal. Gusto kong sabihin mo sa akin yan ng harapan. Gusto ktang paglaanan ng oras. Wag mga kaibigan ko. Wag ngayon."


Imahe mula sa manilacentral.net
Imahe mula sa Instagram ni Vice Ganda
Matapos nito na makita ang naging mensahe ni Vice Ganda sa naging tweet nito ay agad niya itong binura at nag-private na din ng account.

Sabado ng hapon Nobyembre 11, nangyari ang pagkamatay ni Franco dahil sa pagkalunod sa isang resort sa Davao Occidental na ginawan pa ng biro.

Imahe mula sa Instagram ni Franco Hernandez
Imahe mula sa Instagram ni Franco Hernandez
Kasama pa ni Franco ang kapwa niya na miyembro sa Hashtags na si Tom Doromal at non-showbiz girlfriend nito na si Janica Nam Floresca at dalawa pang kaibigan na nakaligtas sa sinapit na trahedya.

Source: PEP , Instagram , Instagram

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Vice Ganda nagbanta na ipahahanap ang taong nagbiro tungkol sa pagkamatay ni Franco Hernandez.
Vice Ganda nagbanta na ipahahanap ang taong nagbiro tungkol sa pagkamatay ni Franco Hernandez.
https://1.bp.blogspot.com/-lOohVdLjLa8/Wgg7OvV9nDI/AAAAAAAACdU/ztAL7Az9AWwuMAk9d5jlbQLKujNV3d-9wCLcBGAs/s400/Vice.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-lOohVdLjLa8/Wgg7OvV9nDI/AAAAAAAACdU/ztAL7Az9AWwuMAk9d5jlbQLKujNV3d-9wCLcBGAs/s72-c/Vice.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/11/vice-ganda-nagbanta-na-ipahahanap-ang.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/11/vice-ganda-nagbanta-na-ipahahanap-ang.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy