Aktor na si Mark Anthony Fernandez nakalabas na ng kulungan matapos mahulihan ng marijuana.

Imahe mula sa aglenews.ph Matapos ng mahigit isang taon na pagkakakulong ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ay nakalaya na ito matapo...

Imahe mula sa aglenews.ph
Matapos ng mahigit isang taon na pagkakakulong ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ay nakalaya na ito matapos mahulihan ng marijuana ng isang police checkpoint sa Angeles, Pampanga noong Oktubre 3, 2016.

Sa ngayon ay hindi pa lumalabas sa publiko ang 38-anyos na si Mark Anthony na anak nina Alma Moreno at Rudy Fernandez matapos na mabalitang nakalaya na ito.

Maging ang malalapit na tao o pamilya ni Mark Anthony ay hindi pa din nagbibigay ng pahayag tungkol sa paglaya nito noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa nakalap na detalye mula sa ibang malalapit sa pamilya ni Mark Anthony ay binasura ang kasong illegal possession of illegal drugs laban sa kanya, ngunit may isa pa na kaso na natitira na ibinabato sa aktor.

Pahayag naman ng isang malapit na kaibigan ni Mark Anthony ang nagkuwento matapos nitong makausap ang aktor na nagpapasalamat at umiiyak dahil sa kanyang paglaya.

Maging ang aktor na si Joey Marquez na naging asawa rin ni Alma Moreno ay nagbigay ng pahayag dahil nakausap niya ito at humihirit pa umano sa kanya ng blowout dahil sa kanyang pagkakalaya.

"Isa ako sa pinakamasaya sa nangyari ngayon. Kanina ko lang nalaman na nakalaya na siya. Kausap ko siya sabi niya ‘blowout mo ako’. Sabi ko ‘sige kahit saan" ayon sa aktor na si Joey ng makausap ito ng abante sa parada ng kalahok sa  Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa Muntinlupa City.

Ayon pa sa ulat ng Abante ay hindi na muna haharap sa publiko at magsasalita si Mark Anthony dahil gusto na muna niyang makasama ang pamilya ngayong Pasko.

Sinubukan din na hingan ng pahayag ang abogado nito na si Atty. Sylvia Flores ngunit hindi ito sumasagot sa tawag.

Nitong Oktubre 3, 2016 ng maaresto si Marth Anthony ng mga pulis dahil nahulihan ito ng isang kilo ng marijuana ngunit tinangka pa nitong pumuslit sa mga pulis na nakadistino sa isang checkpoint sa Angeles kaya nagkaroon pa ng habulan hanggang sa maabutan ito sa San Fernando City.

At matapos noon ay nahulihan nga si Mark Anthony ng marijuana saka dinala sa Station 6 ng Angeles City Police.



Sa naging pahayag naman ng aktor, matapos siyang maaresto ay sinabi nitong gumagamit siya ng marijuana bilang isang gamot para maiwasan ang magkasakit ng cancer at ang nahuli sa kanyang isang kilo na marijuana ay para sana sa buong isang taon niya na gamitan.

Matatandaan na nasangkot na din sa droga si Mark Anthony at kusa itong sumuko para humailalim sa rehabilitation center noong taon 2014 hanggang sa gumaling at nakabalik muli sa pag-aartista.

Source: Abante

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Aktor na si Mark Anthony Fernandez nakalabas na ng kulungan matapos mahulihan ng marijuana.
Aktor na si Mark Anthony Fernandez nakalabas na ng kulungan matapos mahulihan ng marijuana.
https://2.bp.blogspot.com/-GUjQsSz_974/Wj8C1d9U5RI/AAAAAAAADVY/DEu3YLtQZEkqKDfoGkht3CIbYEcOy0g9gCLcBGAs/s640/Mark%2BAnthony%2BFernandez.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-GUjQsSz_974/Wj8C1d9U5RI/AAAAAAAADVY/DEu3YLtQZEkqKDfoGkht3CIbYEcOy0g9gCLcBGAs/s72-c/Mark%2BAnthony%2BFernandez.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/12/aktor-na-si-mark-anthony-fernandez.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/12/aktor-na-si-mark-anthony-fernandez.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy