Cherish Sharmaine Interior nagbigay na ng salaysay tungkol sa naging pananampal niya sa taxi drayber.

Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang babaeng nanampal na si Cherish Sharmaine Intertior sa social media na nakakaranas na ngayon na p...


Pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang babaeng nanampal na si Cherish Sharmaine Intertior sa social media na nakakaranas na ngayon na pambubully mula sa netizens na nakapanood ng video na kung saan ay makikitang sinaktan nito ang drayber ng isang taxi na si Virgilio Doctor.

At hindi pa siya nakuntento sa pagsigaw at pagmumura nito sa matandang taxi drayber, makikita din sa video na sinira nito ang side mirror ng taxi bago pinag-sasampal si Virgilio.

Dahil sa ginawang eskandalo na ito ay tila nagbago bigla ang buhay ni Cherish na kilala sa pagiging magaspang ang ugali dahil may ilan pang kumento na nagsasabi nakaranas din sila ng hindi magandang karanasan ng kumain ito sa isang restaurant.



At nito lamang Disyembre 27, araw ng Miyerkules ay inilabas ng News5 ang kopya ng sinumpaang salaysay ni Cherish Sharmaine Interior at lumalabas sa salaysay nito na ang taxi driver ang may kasalanan sa lahat ng nangyari.

Tanong : Ikaw ba ay nakahandang magbigay ng malaya at kusang-loob na salaysay na ang iyong sasabihin ay pawang katotohanan lamang?
Sagot: Opo

Tanong: Maari mo bang muling ibigay sa akin ang iyong tunay na pangalan, edad, tirahan at ilan pang mga bagay na hinggil sa iyong pagkatao?
Sagot: Ako si CHERISH SHARMAINE INTERTIOR Y LA GUARDIA, 31 years old, (D.O.B. January 10, 1986), live-in partner, Office Supervisor (BPO Call Center Office), tubong San Leonardo, Nueva Ecija, at kasalukuyang nakatira sa #6 Shorthom, Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Tanong: Kelan, saan at anong oras nangyari ang sinasabi mong insidente?

Sagot: Hindi ko po sia kilala, Pero nakilala ko po siya ng mag pang abot kami sa Pulis Station 3 at siya po ay si VIRGILLO MORILLO y DOCTOR, 52 years old. (D.O.B November 27, 1965) hiwalay sa asawa, Taxi Driver, tubong San jose Nueva Ecija, at kasalukuyang nakatira sa VMN Compound Potrero Malabon City.

Tanong: May alitan ba kayo o mga dating alitan ng taong iyong tinutukoy?
Sagot: Wala naman po.

Tanong: Maaari mo bang muling isalaysay sa akin ang buod pangyayari?
Sagot : Ganito po yun. Mga bandang 9:00am, ng December 2017 ng binabaybay namin ng asawa ko ang kahabaan ng Congressional Avenue habang minamaneho ko ang akin sasakyan na Honda City, colored gray, bearing plate number ZPD-955, upang ihatid ang mga anak ko sa Chrismast Party nila ng mag-u-turn kami sa may u-turn slot sa may Villa Socorro, Brgy, Bahay Toro, Quezon City ng may isang SUV na paparating at pinadaan ako, Along the way sa may tapat ng Emnace Grill, sa bandang kanan ko pilit ako ginigitgit ng taxi na Vios, colored white, na may body marking na DMC Transit, na may plate number na UWJ 867, sa kahabaan ng Congressional Avenue, Brgy Bahay Toror, Quezon city dahilan na may nakapark sa bandang Emnace Grill kung saan nangyari ang panggigitgit niya sa akin na halos mabangga niya ang sasakyan ko at ng macorner namin siya sa may harap ng Private House sa No, 112, 1 block away malapit sa A1 Aluminum Steel Glass Supply na matatagpuan sa kahabaan ng Congressional Avenue, Brgy, Bahay Toro, Quezon City ay bumaba ang asawa ko at tinanong siya kung anong yari tapos pinipicturan niya kami tapos pinapabura ng asawa ko at pinipilit niya na kinacut ko siya at noon kinausap ng asawa ko yung pasahero niya at sinabi ng pasahero niya na mabilis nga daw talaga yung patakbo niya at umikot siya sa likod ng sasakyan at pilit siyang tumakas at noon ay hinarang ko siya ay inabante niya at tinamaan ang asawa ko sabay sinabihan kami ng baliw. Nung niyaya na ako ng asawa ko na pumasok ako sa sasakyan ay dumaan ako sa side niya ay tinuro ko siya na nakapasok ang mga daliri ko sa bintana. At ng lumalas na siya ay umarte na siya at pinapalabas na sinapak ko daw siya dahil may nakita siyang nagvivideo. Pagkatapos ay hinatid ko sa Christmas Party ang mga anak ko at saka dumiretso na ko ng Brgy Hall ng Bahay Toro, Quezon City upang magpablotter at pagkatapos ay pumunta ako ng Traffic Sector 6 at inavise ako na magpamedical at dumiretso na ako sa himpilan ng Pulis Station 3.

Tanong: Meron ka bang dalang ebidensiya hinggil sa nasabing pananakit at pagmumura sa iyo?
Sagot: Meron po eto po ang medical certificate (at this juncture showing a medical....

Ito lamang ang makikita sa larawan na ibinahagi ng News5 na kung saan ay may iilan na hindi tugma sa kanyang sinalaysay gaya na lamang ng paninira niya ng sidemirror at pagmumura nito ng paulit ulit sa taxi drayber.

Credit: https://www.facebook.com/News5Everywhere/

Ito naman ang mga naging komento ng netizens ng mabasa nila ang salaysay ni Cherish:



Ito naman ang video kung saan maari niyong malaman kung totoo ba ang sinalaysay ni Cherish:



Ano ang masasabi mo tungkol sa sinumpaang salaysay ni Cherish at maari niyo din ibahagi ito para mabasa ng iba ang salaysay niya na ito at para mahusgahan din nila kung nagsasabi ba ito ng totoo dahil marami ang kulang sa kanyang kuwento na mapapanood sa video na kumakalat ngayon sa social media.

Source: PHfeed , News5 , Youtube ,

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Cherish Sharmaine Interior nagbigay na ng salaysay tungkol sa naging pananampal niya sa taxi drayber.
Cherish Sharmaine Interior nagbigay na ng salaysay tungkol sa naging pananampal niya sa taxi drayber.
https://4.bp.blogspot.com/-38OjNYx_p60/WkUyueUsYeI/AAAAAAAADbk/ama1rV7gRpknGuUjBKLNva5YnPbImSgsACLcBGAs/s640/Cherish%2BSharmaine%2BIntertior%2Bnagbigay%2Bna%2Bng%2Bsalaysay%2Btungkol%2Bpananampal%2Bniya%2Bsa%2Btaxi%2Bdrayber..jpg
https://4.bp.blogspot.com/-38OjNYx_p60/WkUyueUsYeI/AAAAAAAADbk/ama1rV7gRpknGuUjBKLNva5YnPbImSgsACLcBGAs/s72-c/Cherish%2BSharmaine%2BIntertior%2Bnagbigay%2Bna%2Bng%2Bsalaysay%2Btungkol%2Bpananampal%2Bniya%2Bsa%2Btaxi%2Bdrayber..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/12/cherish-sharmaine-interior-nagbigay-na.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/12/cherish-sharmaine-interior-nagbigay-na.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy