FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin mag-eextend pa nga ba dahil sa pananatili nito na top 1 sa rating?

Imahe mula sa Instagram ni Coco Martin May mangilan-ngilan man na sinasabing yariin na ang FPJ's Ang Probinsyano ay mas marami pa ri...

Imahe mula sa Instagram ni Coco Martin
May mangilan-ngilan man na sinasabing yariin na ang FPJ's Ang Probinsyano ay mas marami pa rin ang may gusto na i-extend ang kuwento teleserye ni Coco Martin dahil sa nakasanayan na ito ng marami panoorin gabi-gabi, matanda man o bata.

Sa huling inilabas na update tungkol sa itatagal ng teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano ay hanggang Enero na lamang ito ngunit nalalapit na ang buwan na ito ay wala pa rin na ugong kung tatapusin na ba talaga ito o mag-e-extend muli.

Samantala sa inilabas na detalye ng Kantar Media ay tagumpay pa rin ang ABS-CBN na nakukuha ng matataas na rating laban sa katapat nitong istasiyon.

Sa naging ulat ng Newsko ay ABS-CBN pa din ang pinaka nangungunang tinututukan na network ng maraming Filipino sa buong bansa nitong buwan ng Nobyembre sa naging ratings nito sa average audience share na 46% kumpara sa GMA network na mayroon lamang na 34% na inilabas ng datos ng Kantar Media.

Hindi nagpalamang ang Kapamilya Network maging sa labas ng bansa, dahil maging ang Mega Manila sa pagbigay nito ng average audience share na 37% at sa Kapuso Network naman ay 34% lamang at sa Metro Manila ay nakakuha ito ng 41% at GMA naman ay 27%.

Sa Luzon naman ay mas tunututukan ang ABS-CBN na nakuha ng total ng 44% laban sa GMA na mayroon lamang 35%, sa Visayas naman ay nakakuha ito ng 54% at ang GMA ay mayroon lamang nakuhang 27% at sa Mindanao ay nakakuha ito ng 49% at tinalo pa rin ang GMA na may 34% lamang.

Ang Kantar Media ay kinakatawan ng 100% na mga manonood ng telebisyon sa buong bansa na gumagamit ng nationwide panel size na 2,610 ubran at rural homes.

Hindi na bago ang balitang ito na manguna sa listahan ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin na nakakuha ng 41.1% dahil sa mas lalong tumitindi na maaksiyon na bakbakan na haharapin ni Cardo laban sa mga kalaban ng kanyang grupo.

Pangalawa dito na tinututukan nitong buwan ng Nobyembre ay ang La Luna Sangre na nakakuha ng 33.8% na naging mainit na usap-usapan sa social media dahil sa trending na eksena nina Malia (Kathryn Bernardo) at Jacintha (Angel Locsin) na umami ng positibong komento sa netizens

Patuloy din ang pamamayagpag ng TV Patrol (33.7%) sa larangan ng pagbabalita at public service at nanatiling pinakapinanood na newcast sa buong bansa.

Maging ang isang pinagmumulan ng aral at inpisrasyon na bagong serye sa ABS-CBN na Wansapanataym na nakakuha ng 29.8% na may pamagat na Jasmin's Flower Powers na pinagbibidahan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Maging ang teleserye ni Maja Salvador bilang Lily Cruz na Wildflower ay nakakuha din ng 25.5% dahil sa mas painit na painit na sagupaan nila ni Helena Montoya (Zsa Zsa Padilla) na trending din sa social medial dahil sa mga linyang binibitawan ni Maja.

Source: Newsko.com , Instagram

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin mag-eextend pa nga ba dahil sa pananatili nito na top 1 sa rating?
FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin mag-eextend pa nga ba dahil sa pananatili nito na top 1 sa rating?
https://3.bp.blogspot.com/-WWgQX7lnXy0/WigWDq5AMyI/AAAAAAAAC8w/DZCaP-7J1jEXAw_pIBJSkt8ZJrdbvlfSQCLcBGAs/s400/Ang%2BProbinsyano.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-WWgQX7lnXy0/WigWDq5AMyI/AAAAAAAAC8w/DZCaP-7J1jEXAw_pIBJSkt8ZJrdbvlfSQCLcBGAs/s72-c/Ang%2BProbinsyano.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/12/fpjs-ang-probinsyano-ni-coco-martin-mag.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/12/fpjs-ang-probinsyano-ni-coco-martin-mag.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy