Pasahero ng taxi drayber na sinaktan ng babae nagbigay na ng detalye tungkol sa nangyari.

Sa ibinahagi ng ABS-CBN News ang ulat na ito tungkol sa pinag-uusapan ngayon na pananampal ng isang babae sa isang tsuper ng taxi. Nito...


Sa ibinahagi ng ABS-CBN News ang ulat na ito tungkol sa pinag-uusapan ngayon na pananampal ng isang babae sa isang tsuper ng taxi.

Nitong araw ng Lunes ay nagpasaklolo na sa mga awtoridad ang matandang taxi driver na sinaktan ng isang galit na babaeng drayber sa Congressional Avenue, Quezon City noong araw ng Linggo.

Kinilala ang tsuper na si Virgilio Doctor 52-anyos na nagtungo sa opisina ng Land Transportation Franchising and Regulartory Board (LTFRB) upang ibigay ang panig niya sa pangyayari.

Sa video na kuha ni Joshua Baluyot na makikitang nasa labas ng sasakyan ang isang babaeng motorista at lumapit sa taxi ni Virgilio habang sinigaw-sigawan at pinagmumura matapos nito ay sinampal na siya.

Sa naging kuwento ni Virgilio sa ABS-CBN News maaaring nagalit sa kanyang ang babae dahil binusinahan niya ito at inovertakehan ngunit nagawa lamang niya ito dahil may FX din na bumubusina sa kanyang likuran noong oras na iyon.

"Nagso-sorry na ako dahil talagang ayaw ko ng gulo. Nagpakumbaba na lang ako. Sabi ko, 'sorry po. Di po sinasadya, 'yung pangyayari. Sorry po." ayon sa kuwento ni Virgilio

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN sa tenga inabot ng sampal si Virgilio ng babae at dito na siya nagsimulang makaramdam ng pagkahilo at hindi niya alam ay tumaas na pala ang kanyang presyon noong oras na iyon dahil sa pangyayari.

"Kaya ako lumabas ng awto, akala ko maha-heart attack ako. Buti na lang hindi natuloy." paliwanag ni Virgilio kung bakit siya bumaba ng sasakyan.

Nerbiyos din ang inabot ng pasahero ng taxi driver na si Luzel Pasaylo ng lumapit at komprotahin ng mag-asawa ang driver na si Virgilio.

"Nagulat ako, bigla, may sumuntok na sa window. Nung masuntok, sinisipa na tapos pinapalapabas yung taxi driver. Tapos minumura na nung lalaki. Ako, that time, na-shock at natakot na rin ako." pagkukuwento ni Luzel sa ABS-CBN News.

"Lumabas naman ng kotse 'yung girl -- kasi siya yung nagda-drive. Akala ko aawatin niya 'yung husband niya. Nagulat po ako kumuha, siya sa compartment ng golf club. Hinampas niya po 'yung taxi nang dalawang beses. Ako mismo sa loob ninerbiyos." dagdag pa ni Luzel


Paglilinaw ni Luzel Pasaylo walang nangyaring banggang o gitgitan pero galit ang mag-asawa dahil sa sinasabi nilang pag-cut sa kanila ng taxi driver at sinabi pa nito na paulit-ulit na sinigawan at minumura ang matandang drayber na si Virgilio na mahinahon naman humihingi ng paumanhin noong oras na iyon sa dalawa.

"Yung babae, pini-'P.I.' po siya. 'G**o,' sabi niya sa matanda. Sabi niya pa, kina-cut mo 'ko e. Kitang-kita kita sa dash cam kina-cut mo 'ko, kanina ka pa e. Di mo ba alam kasama ko 'yung dalawa kong anak." kuwento ni Pasaylo.

"Nakiusap po ako sa husband, kunin mo na lang 'yung plate number, magpapahatid na lang po muna ako. Tapos usap na lang kayo sa tamang lugar. 'Hindi po,' sabi ng lalaki sa 'kin. 'Pare-pareho po tayong maabala dito, ayaw ng asawa ko." dagdag muli ni Luzel sa kanyang pagkukunweto.

Wala na si Luzel sa taxi noong nakuhanan ito ng video sa pananampal ng babae dahil nauna na itong umalis dahil mahuhuli na siya sa trabaho.

Ito ang video na kuha ni Joshua Baluyot kung saan makikita ang pananakit at paninira ng babaeng drayber:


Sa ngayon ay hinahanap na ng LTFRB ang babaeng nanakit na nakuhanan ng video para makuha din ang kanyang pahayag.

Source: ABS-CBN , Facebook

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Pasahero ng taxi drayber na sinaktan ng babae nagbigay na ng detalye tungkol sa nangyari.
Pasahero ng taxi drayber na sinaktan ng babae nagbigay na ng detalye tungkol sa nangyari.
https://1.bp.blogspot.com/-wvGHORh3KQ4/Wjd6ZYchH2I/AAAAAAAADLw/pEpdtB2OwHsXTADBrAp-jesooY2C8veNACLcBGAs/s400/25465974_396227664144019_445407701_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-wvGHORh3KQ4/Wjd6ZYchH2I/AAAAAAAADLw/pEpdtB2OwHsXTADBrAp-jesooY2C8veNACLcBGAs/s72-c/25465974_396227664144019_445407701_n.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/12/pasahero-ng-taxi-drayber-na-sinaktan-ng.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/12/pasahero-ng-taxi-drayber-na-sinaktan-ng.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy