Public school teacher na 23 taong gulang na nagmamaneho ng motorsiklo araw-araw.

Imahe mula sa official twitter account ng Reel time. Isang babae na maituturing na bayani at hindi matatawaran ang kanyang pinapakitang ...

Imahe mula sa official twitter account ng Reel time.
Isang babae na maituturing na bayani at hindi matatawaran ang kanyang pinapakitang dediskasyon para lamang makapagturo sa maraming batang nag-nanais matuto sa kanilang pinapasukan na paaralan araw-araw para sa kanilang kinabukasan.

Isa ito sa mga kuwentong magpapataba sa inyong mga puso dahil sa paglalahad na ito na sitwasyon ng isang guro na si Maricris Llaguno, 23 taong gulang na nagtuturo sa San Jose Elementary School.

Sa programang Reel Time ng GMA News si Teacher Maricris Llaguno ay gumigising ng 5:00 ng umaga araw-araw para tahakin ng 40 kilometro na daan gamit ang kanyang motorsiklo patungo sa pampublikong paaralan na nasa liblib na lugar.

Dahil sa pagna-nais na gustong maturuan ang mga mag-aaral umaasang matututo ng mga bagong kaalaman ay ginagawa ito ni Teacher Maricris mula Lunes hanggang Biyernes.

Kailangan daanan ni Teacher Maricris ang dalawampung barangay at isang mapanganib na tulay na anumang oras ay maaring bumagsak para lamang makapagturo at hindi alintana sa kanya ang kapahamakan na nakaamba sa kanyang tinatahak na daanan para lamang marating ang San Jose Elementary School.

Isa Grade 1 at Grade 2 ang tinuturuan ni Teacher Maricris dahil sa kakulangan ng guro sa nasabing paaralan.

Nagmula sa pamilya ng mga guro si Teacher Maricris at aminado ito na paminsan-minsan daw ay sumasagi na sa kanyang isipan na bitawan ang pagtuturo dahil sa hirap na dinaranas nito sa pagpasok at pauwi araw-araw.



Ngunit kapag naiisip nito at nakikita ang kanyang mga estudyante na natututong sumulat at bumasa ay nawawala daw ang kanyang nararamdaman na pagod at nakikita niya muli ang kanyang sarili na gumigising ng 5:00 ng umaga na nakasakay sa kanyang motorsiklo na muling tatahakin ang 40 kilometrong daanan para lamang makapagturo.

Isa lamang si Teacher Maricris sa mga kababayan natin na nagtitiis sa ganitong sitwasyon para lamang makatulong sa nakararami.

Iba't iba man ang pamamaraan ng pagtulong sa kapwa ay maituturing mo naman na itong kabayanihan dahil sa sakripisyong pinapakita ni Teacher Maricris.

Isang pagsaludo sa gaya ni Teacher Maricris at sa mga gaya niyang guro na pangalawang nanay ng ating mga anak oras na ito ay nasa paaralan.

Sana'y maibahagi natin ang ulat na ito para mabasa din ng ibang kapwa natin at makapagbigay ng magandang aral sa iba na ang gaya ni Teacher Maricris.

Source: Definitely Filipino , Twitter

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Public school teacher na 23 taong gulang na nagmamaneho ng motorsiklo araw-araw.
Public school teacher na 23 taong gulang na nagmamaneho ng motorsiklo araw-araw.
https://2.bp.blogspot.com/-hQYwume7g6g/WjsLe1AXIUI/AAAAAAAADRU/xP78LlF19kEoJ20pJa_V7r8USGY7fT5mgCLcBGAs/s640/Public%2Bschool%2Bteacher%2Bna%2B23%2Btaong%2Bgulang%2Bnagmamaneho%2Bng%2Bmotorsiklo%2Baraw-araw..jpg
https://2.bp.blogspot.com/-hQYwume7g6g/WjsLe1AXIUI/AAAAAAAADRU/xP78LlF19kEoJ20pJa_V7r8USGY7fT5mgCLcBGAs/s72-c/Public%2Bschool%2Bteacher%2Bna%2B23%2Btaong%2Bgulang%2Bnagmamaneho%2Bng%2Bmotorsiklo%2Baraw-araw..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/12/public-school-teacher-na-23-taong.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/12/public-school-teacher-na-23-taong.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy