Vic Sotto nagsalita na tungkol sa pagkawala ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga.

Usap-usapan ngayon na sinuspinde si Maine Mendoza sa noontime show na Eat Bulaga, dahil halos isang linggo ng hindi nakikita ang aktres. ...


Usap-usapan ngayon na sinuspinde si Maine Mendoza sa noontime show na Eat Bulaga, dahil halos isang linggo ng hindi nakikita ang aktres.

Ngunit ng makapanayam ng PEP (Philippines Entertainment Portal) si Vic Sotto ay itinanggi niya ang isyu na ito tungkol kay Maine at tinaguriang Dubsmash Queen.

Nag-ugat ang isyu na ito ng magpost si Maine ng open letter para sa AlDub Nation kung saan ay binigyan niya ng linaw ang tungkol sa kanila ng ka-loveteam na si Alden Richards.

Nang magtrending ang open letter na ito ni Maine ay simula nun hindi na ito napanood sa Eat Bulaga kaya lumalabas na suspindedo ito sa show.


May bali-balita din na aalis na si Maine sa show kung saan ay nagsikat sa kanya ng husto sa publiko may mga nagsasabi din na lilipat na si Maine sa ABS-CBN kaya ito hindi na napapanood sa Eat Bulaga.

May balita din na nasa Amerika lamang ngayon ang aktres/host para magpahinga muna sa mundo ng showbiz dahil isa na din ito sa kanyang bahagi ng open letter.

Sa ginanap na grand presscon ng 2017 Metro Manila Film Festival official entry ng Meant to Beh nitong December 5 kung saan ay nakapanayam ng PEP si Vic tungkol sa kinasasakungtan na isyu ni Maine.

Naitanong kay Vic kung naka-leave nga lang ba si Maine sa show.

Ang naging sagot ng beteranong TV host/Comedian: "Ang alam ko nakabakasyon siya"

"Im not really in the know, I'm not privy to anything na personal niyang desisyon."

"Kasi, para sa akin, kung ano man yun... respetuhin na lang natin kung ano man yung mga issues niya, kung ano man yung mga pinagdadaanan niya.

"Siya lang nakakaalam dun. I'm not privy to anything personal pagdating sa kanya."

Nang tanungin ng PEP si Vic kung nararamdaman ba niyang may pinagdadaanan si Maine bago ito magpasyang magbakasyon.

Sagot ni Vic: "Kasi hindi naman kami masyado nagkikita, e."

"Most of the time, nasa barangay siya, nasa studio kami.

"Parang once a week lang kami nagkakasama sa studio, e, kapag Saturdays.

"Ako, personally, wala akong nararamdaman."

Nang tanungin naman si Vic kung suspendido ba si Maine sa show ay sumagot ito ng "Definitely not" sa ngayon raw ay hindi pa malinaw kung kailan babalik ang dalaga sa Eat Bulaga.

Sagot muli ni Vic: "I don't know, you can ask Mr. [Tony] Tuviera, wala rin akong alam dun."

Suspendido ba si Maine dahil sa ginawa nitong open letter?

Ayon kay Vic: "Definitely not."

"Bat naman isususpende siya ng TAPE, 'no, ng Eat Bulaga?

"Lalo na kay Mr. Tuviera, respetado niya, yang opinyon, pag-iisip, at kung anuman ang pinagdadaanan ng bawat kasama namin sa Dabarkads."

Tinanong din si Vic kung may mensahe ba siya sa mga fans ng AlDub.

Sabi ni Vic: "E, yun lang naman pagkakaalam ko, wala naman talaga akong alam, e."

"Yung love team, hindi naman talaga mawawala na yun, e."

"Andun na yun habang buhay."

"So, antayin na lang natin ang mga kasunod na kabanata."

Sa ngayon ay inabangan ng mga fans ng AlDub ang pagbabalik ni Maine dahil wala pang linaw kung kailan at kung makakabalik pa nga ba ito sa show.

Source: PEP

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Vic Sotto nagsalita na tungkol sa pagkawala ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga.
Vic Sotto nagsalita na tungkol sa pagkawala ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga.
https://3.bp.blogspot.com/-LNw5IqehBEM/Wid_D6n-QTI/AAAAAAAAC7Y/Nuor8b-mFr8BEgycz_E0qYEPhjwyGlANACLcBGAs/s400/Vic%2Band%2BMaine.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-LNw5IqehBEM/Wid_D6n-QTI/AAAAAAAAC7Y/Nuor8b-mFr8BEgycz_E0qYEPhjwyGlANACLcBGAs/s72-c/Vic%2Band%2BMaine.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2017/12/vic-sotto-nagsalita-na-tungkol-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2017/12/vic-sotto-nagsalita-na-tungkol-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy