Angelica Panganiban nagulat ng singilin siya sa utang ng kanyang ex-boyfriend.

Nagkuwento si Angelica Panganiban sa "Ganda Gabi Vice" kung saan ay hindi lamang ala-ala ang iniwan ng kanyang dating nobyo ku...


Nagkuwento si Angelica Panganiban sa "Ganda Gabi Vice" kung saan ay hindi lamang ala-ala ang iniwan ng kanyang dating nobyo kundi maging ang utang ay sa kanya na din iniwan.

Minabuti ni Angelica Panganiban na ikuwento ito sa isang episode ng GGV nitong nagdaan na Linggo, Enero 21, kung saan ay nalamang niyang may utang pala ang dating nobyo at sa kanya ito pinababayaran.

Aniya matapos ang naging premiere night ng pelikula nila ni Judy Ann Santos na "Ang Dalawang Mrs. Real" ay nagkaroon ng ayaan na kumain sila sa labas ng kanyang mga beki na kaibigan.

Si Angelica ang nagrekomenda na tumuloy sa isang restaurant kung saan ay dati rin pala nilang pinupuntahan ng kayang nobyo noon.

"Kasi di ba gano'n 'yon, kapag naka-move on ka na, nakakalimutan mo na do'n pala kayo lagi dati." kuwento ni Angelica

Pero ng magbabayad na si Angelica ng kanilang kinain ay may inabot pa sa kanyang listahan na dati pa pala niyang utang sa restaurant na iyon.

"Explain mo 'beh,' bakit ka may utang?" tanong ni Judy Ann Santos na naguguluhan

Ipinaliwanag naman ito ni Angelica na dati daw ay madalas sila sa restaurant na iyo kaya nakasanayan na nilang magpalista ng bill at saka babayaran ng isang bayaran.

Credit: https://www.instagram.com/iamangelicap/
Credit: https://www.instagram.com/iamangelicap/
"Hindi kasi, lagi talaga kami do'n. Kaya para bang babayaran na lang ng isang bayaran, papadala na lang ng bill gano'n," aniya. "So may naiwan pala na hindi [nabayaran], nag-check sila daw no'ng natapos ang taon."

"Tapos nakita ko, sabi ko 'bakit ang laki?' Parang mga P9,000. So nag-check ako, 'yong iba, may pirma ko. 'Yong iba, pirma no'ng ex ko." natatawang sabi ni Panganiban.

"Sandali, babayaran ko lang 'yong sa'kin. Baka iba pa 'yong kasama niya niyan no'ng [kumain dito]." sabi ni Angelica sa staff ng restaurant ng kanilang kinainan.

"Sakin niyo papabayaran 'yong ininom nila? Hindi naman ako ang kasama niya." natatawa na sinasabi ni Angelica

Mukhang umamin din naman ang staff na hindi nga ang aktres ang kasama noon ng naturang ex-boyfriend na may utang sa restaurant.

"Sabi niya [restaurant staff] 'hindi nga po [kayo ang kasama]. E sabi po ni sir, kayo na lang daw po magbayad."

"May pangalan do'n, may pirma doon, sabi ko 'ano'ng kalokohan 'to, bakit ako 'yong magbabayad?" ayon kay Angelica

"Alam mo, lahat ng nangyayari pa rin sa paligid mo, only reminds you of him." hirit ni Vice Ganda kay Angelica.

"Hindi rin." sabi ng aktres.

Sabay hirit ng "Siya na ang nagbabayad ngayon, hindi na ako." 

Itinanong kasi ni Vice Ganda kung nakamove-on na nga ba si Angelica sa huli niyang nakarelasyon.

"Hoy, naka-move on na 'ko!" sagot ni Angelica

Credit: https://www.instagram.com/iamangelicap/
Credit: https://www.instagram.com/iamangelicap/
Hindi pinangalanan ni Panganiban kung sino ang dating nobyong may utang.


Hindi naman na binanggit ni Angelica ang kung sinong dating nobyo niya ang may utang sa restaurant na iyon.

Pero matatandaan na ang pinakahuling nakarelasyon ni Angelica ay ang aktor na si John Lloyd Cruz na ngayon ay karelasyon nito ang sexy star na si Ellen Adarna.

Ito ang video kung ikinuwento ni Angelica Panganiban ang kanyang karanasan sa restaurant na iyon:


Source: ABS-CBN News , Youtube , Instagram

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Angelica Panganiban nagulat ng singilin siya sa utang ng kanyang ex-boyfriend.
Angelica Panganiban nagulat ng singilin siya sa utang ng kanyang ex-boyfriend.
https://4.bp.blogspot.com/-ZVuSQ1dGRR8/WmeKOpucaSI/AAAAAAAADsg/mYrO4t4OxyoQ5P_VJZUsvS60sXE-MgDYQCLcBGAs/s640/Angelica%2BPanganiban%2Bnagulat%2Bng%2Bsingilin%2Bsiya%2Bsa%2Butang%2Bng%2Bkanyang%2Bex-boyfriend..jpg
https://4.bp.blogspot.com/-ZVuSQ1dGRR8/WmeKOpucaSI/AAAAAAAADsg/mYrO4t4OxyoQ5P_VJZUsvS60sXE-MgDYQCLcBGAs/s72-c/Angelica%2BPanganiban%2Bnagulat%2Bng%2Bsingilin%2Bsiya%2Bsa%2Butang%2Bng%2Bkanyang%2Bex-boyfriend..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/01/angelica-panganiban-nagulat-ng-singilin.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/01/angelica-panganiban-nagulat-ng-singilin.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy