Angelica Panganiban pinatamaan ang babaeng umagaw sa kanyang dating karelasyon.

Sunod-sunod ang nagiging patutsada ng aktres na si Angelica Panganiban patungkol sa kung paano inagaw umano ng ibang babae ang kanyang da...


Sunod-sunod ang nagiging patutsada ng aktres na si Angelica Panganiban patungkol sa kung paano inagaw umano ng ibang babae ang kanyang dating karelasyon.

Sa naging final episode ng #AskAngelica sa YouTube na maroong petsa na Enero 24, nagbigay si Angelica ng isang relastionship advice sa mga sitwasyon na maiuugnay sa ilang sikat na romance-drama films ng Star Cinema.

Naging kapansin-pansin dito ang sinabi ni Angelica sa tanong kung dapat pa nga bang ipaglaban ang ex na dating "one great love" ngunit may iba ng karelasyon ngayon na iba.

Sagot ni Angelica "Naku! May kilala akong ganito ngayon."

"Yung asawa niya, may relationship siya ngayon dun sa ex niya."

"Sana nanonood talaga yung babaeng yun."

"Diyos ko! Tigilan niyo yung may mga asawa. Tigilan niyo yung may mga karelasyon na."

"Pag may karelasyon na, huwag niyo piliting sirain."

Ayon dito na inihayag ng Ang Dalawang Mrs. Reyes na aktres ang inis sa mga kasong may kinalaman sa third party.

"Maghanap kayo ng iba! Ang daming lalaki, ang daming babae!

“Huwag niyong guluhin yung mga taong masasaya. 'Yan kayo, e! Iba kayo!

“Ano, nagkaubusan ng lalaki? Hindi. Wag kayong ano!

"Pag may relasyon na, may relasyon na! Huwag niyong inaagaw!"

Biglang hugot si Angelica sa sariling karanasan at nagpatutsada sa hindi pinangalanang magkarelasyon, na panay ang post ng litrato sa social media.

Aniya, "Tapos kung makapag-post kayo, akala niyo mga wala kayong sinaktan.

"Kunyari masaya kayo, e, di wow!

“Di ba? Parang tanga 'tong mga ‘to. Parang hindi ka inagawan.

“Hoy, excuse me, ha! Inagaw mo lang 'yan sa akin! Tapos, ikaw pa ang proud. Hayerp!

“Tigilan niyo ‘yang mga ano... Hindi kayo nakakatuwa."

Sa kauna-unahang episode ng #AskAngelica noong Enero 19 tila nagpatama rin si Angelica sa bagong nobya ng kanyang ex-boyfriend ngayon na pilit daw na sirain ng hindi na pinangalanang babae ang kanyang dating relasyon noon.

Patuloy pa ni Angelica sa #AskAngelica na tila naging makahulugan ang mga naging clue ng aktres kung sino ang kanyang pinatatamaan doon.

Paano mo maibabalik ang trush sa taong ginawang ka ng masama?

Mariing sagot ni Angelica, “Never! Kasi trust ‘yan, e.”

Sabay patutsada niya ulit, “Yun nga, e. Hindi sila nag-Trust. Kaya yun ang kinalabasan.

"Bumibili sila ng gamit ng bata. E, 'yan, kasi nga!"

Ang patamang ito ni Angelica ay ang hindi pag-gamit ng condom na Trust.

Matatandaan na tatlo ang naging ex-boyfriends ni Angelica sa showbiz na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay, at ang huli ay si John Lloyd Cruz.

Ngunit sa tatlo ay si John Lloyd ang napapabalitang magkakaroon na ng anak sa sexy star na si Ellen Adarna.

Sa magiging pagpapatuloy ng #AskAngelica ay sinabi ni Angelica na mahirap ng maibalik ang tiwala  ng isang tao oras na masira ito.

"Pagdating sa akin, malaking bagay kasi ang pagbibigay ng tiwala.

"Binigay mo 'yan nang buong-buo, e. Binigay ko 'yan sa 'yo nang purong-puro.

"Kapag nilamatan mo 'yan, hindi mo na 'yan makakalimutan. Lagi na 'yang may scar."

Sa huli ay sinabi din ni Angelica na umaasa siyang makakahanap siya ng taong magmamahal sa kanyang ng totoo.

"Sana may dumating sa aking tao na ganito talaga. Yung tatanggapin niya na eto yung mga nangyari sa akin.

"Tapos sasabihin niya, 'Handa akong mahalin ka hanggang makalimot ka. Hangga't dumating na yung araw na ako na yung mahal mo.'

"My god! Gusto ko ng ganun. Hay naku! Sana talaga."

Source: PEP.ph

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Angelica Panganiban pinatamaan ang babaeng umagaw sa kanyang dating karelasyon.
Angelica Panganiban pinatamaan ang babaeng umagaw sa kanyang dating karelasyon.
https://1.bp.blogspot.com/-TJq4kUMT9uY/Wms0aiLQZwI/AAAAAAAADww/4z855_qWfHcubvvxZuDft_9NCDVPFQWJQCLcBGAs/s640/Angelica%2BPanganiban%2Bpinatamaan%2Bang%2Bbabaeng%2Bumagaw%2Bng%2Bdati%2Bniyang%2Bkarelasyon..jpg
https://1.bp.blogspot.com/-TJq4kUMT9uY/Wms0aiLQZwI/AAAAAAAADww/4z855_qWfHcubvvxZuDft_9NCDVPFQWJQCLcBGAs/s72-c/Angelica%2BPanganiban%2Bpinatamaan%2Bang%2Bbabaeng%2Bumagaw%2Bng%2Bdati%2Bniyang%2Bkarelasyon..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/01/angelica-panganiban-pinatamaan-ang.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/01/angelica-panganiban-pinatamaan-ang.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy