Bela Padilla nagsalita na tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil Arce.

Ayon sa ulat ng PEP.ph mas pinili ng aktres na si Bela Padilla ang trabaho kesa sa dating niyang karelasyon na si Neil Arce kaya sila na...



Ayon sa ulat ng PEP.ph mas pinili ng aktres na si Bela Padilla ang trabaho kesa sa dating niyang karelasyon na si Neil Arce kaya sila naghiwalay noong Enero 2017.

Matapos kumalat ang kanilang paghihiwalay ay naging matipid na ang detalye ni Bella tungkol sa rason nito at maging si Neil ay naging mailap sa tuwing sinusubukan itong interbyuhin ng press tungkol sa nangyari sa kanila.

Ngunit sa panayam ni Bela sa naging episode ng ABS-CBN ng programang "Magandang Buhay" nito lamang Huwebes, Enero 25 kung saan ay nagsalita na ito tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil.

Credit:https://www.instagram.com/belapadilla/

https://www.instagram.com/belapadilla/
Ayon sa 26-anyos na aktres na si Bela, "Pinili ko talaga, work, wala akong ibang pina-prioritize…

"May cancer kasi ang dad ko, so feeling ko, kailangan kong mag-prepare kaya ako trabaho nang trabaho.

"Kailangan kong mag-ipon in case na mayroong mangyari. Gusto ko lang ready ako.

"So, for a time, wala na akong pinrioritize kundi trabaho.

"Na kahit na araw na walang trabaho, na sobrang rare, na parang every day naman may work, pag may isang araw na walang trabaho, mag-iisip ako kung anong puwede kong gawin para pagbutihin pa yung trabaho ko.

“So, nandun na lang talaga yung utak ko.

"So, nawalan ako ng oras dun sa ex ko, I guess."

"Parang nung kailangan nang mamili, ang pinili ko, work talaga."


Credit: https://www.instagram.com/belapadilla/
https://www.instagram.com/belapadilla/
Sa pagkukuwento pa ni Bela nauunawaan naman daw ito ni Neil ang kalagayan ni Bela noon ngunit naaawa daw ang aktres sa nobyo dahil sa hindi na niya ito nabibigyan ng oras at panahon noon.

Ani ni Bela, "Naintindihan niya, sobra.

"Pero parang ako na yung nagsabi, ‘Kawawa ka naman. Hindi talaga kita mabigyan ng oras.’

"Parang deserve naman niya ng tao na kaya siyang kausapin.

"Parang minsan, imbes na kausapin ko siya, itutulog ko na lang, kasi wala talaga akong tulog.

"So, sumasama na yung loob ko para sa kanya.

"Parang hindi naman ito yung deserve mo. Sobrang bait na rin naman niya talaga."


Credit: https://www.instagram.com/belapadilla/

Credit: https://www.instagram.com/belapadilla/

Paglilinaw ni Bela, single siya ngayon kahit na nauugnay siya sa aktor na si Zanjoe Marudo habang si Neil naman ay napapabalitang nobya ngayon ang aktres na si Angel Locsin.

Source: PEP.ph , Instagram

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Bela Padilla nagsalita na tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil Arce.
Bela Padilla nagsalita na tungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Neil Arce.
https://3.bp.blogspot.com/-HS40GPTQqSo/Wmtoj9wVDsI/AAAAAAAADxA/kbvUeO9C2rwpYmaH8dQgnVXgK8xEMRPtQCLcBGAs/s640/Bela%2BPadilla%2Bnagsalita%2Bna%2Btungkol%2Bsa%2Btotoong%2Bdahilan%2Bng%2Bpaghihiwalay%2Bnila%2Bng%2Bdating%2Bnobyo%2Bna%2Bsi%2BNeil%2BArce..jpg
https://3.bp.blogspot.com/-HS40GPTQqSo/Wmtoj9wVDsI/AAAAAAAADxA/kbvUeO9C2rwpYmaH8dQgnVXgK8xEMRPtQCLcBGAs/s72-c/Bela%2BPadilla%2Bnagsalita%2Bna%2Btungkol%2Bsa%2Btotoong%2Bdahilan%2Bng%2Bpaghihiwalay%2Bnila%2Bng%2Bdating%2Bnobyo%2Bna%2Bsi%2BNeil%2BArce..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/01/bela-padilla-nagsalita-na-tungkol-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/01/bela-padilla-nagsalita-na-tungkol-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy