Pagnanakaw sa bagahe ng isang OFW ikinagalit ng husto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matapos na masermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay agad na ipinatawag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade a...


Matapos na masermunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay agad na ipinatawag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang mga opisyal ng paliparan, ground handling companies, manpower service providers at security manager para sa isang pulong kaugnay ng sunod-sunod na nakawan ng maleta sa mga pasahero ng mga eroplano.

Matatandaan na isang video ng OFW na kauuwi lamang ay dismayado dahil malimas ang mga mahahalaga niyang gamit sa bagage at ang masama pa nito ay ang iba ay padala lamang ng kanyang mga kasamahan.

"Yung iba pa, papasok na walang alahas, pag labas meron na." sabi ni Tugade

Nakaabot sa pangulo ang video ng pagnanakaw sa isang overseas Filipino Worker (OFW) na kuha sa Clark International Airport kaya ngayon bibigyan na ito ng aksyon .

Sa naging pagpupulong ay binigyan ni Secretary Arthur Tugade ng lamang araw para linisin ang kanilang hinahawakan na mga tao dahil sa nangyayaring pangwawalangya ng mga ito sa mga bahage ng pasahero.

"I’m giving you five days to clean your ranks. Send me the list of your employees and guards. Kapag meron dyan na may record o kaso, tanggal buong kumpanya." ayon kay Tugade sa mga kompanyang na may hawak sa naturang paliparan.

Nanindigan si Secretary Arthur Tugade sa mga kompanyang kinontrata ng gobyerno na magbibigay sana ng seguridad at tranporstasyon sa paliparan ay dapat maging katuwang ng gobyerno sa pagbibigay ng maayos at kaligtasan sa mga pasahero, maging sa mga bagahe ng mga ito.

"Kapag may kasalanan ang tao nila, lalo higit sa droga at pagnanakaw, the company should also be held liable. I will put at stake their license to do business. I will suspend or terminate their contract." pahayag ni Secretary Arthur Tugade

Nagbigay din si Tugade ng mga bagong patakaran sa taong nakatoka sa mga baggage.

Ang mga baggage handler ay bawal ng magsuot ng uniporme na may bulsa at ang mga sapatos o safety shoes ay kailangang na hindi maluwag, maging ang magsuot ng alahas at bawal na din at pag-gamit ng cellphone sa oras ng duty.

"Para saan ba yung cellphone? Dapat radyo lang ang hawak nila."

Dagdag pa ni Tugade na magsuot ng body camera ang mga baggage handlers maging ang mga opisyales ng airport ay magsusuot din ng body cam at mga security personnel.

"Huwag nila sasabihing mahal, alam ko magkano kinikita nila. Service provider sila, dapat lang na ibalik naman nila sa tao ang portion ng kita nila." galit na sinasabi ni Tugade

Ang kautusan na ito ay ginawa ni Tugade matapos siyang ipatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañang noong Huwebes dahil sa nagiging isyu sa pagbubukas ng mga maleta sa paliparan.

Sinibak na ng MAISCOR ng anim na empleyadong dawit sa pagnanakaw sa bagahe ni Jovenil Dela Cruz at ang facebook live niyang ginawa ay umabot ng 4.1m views.



Matatandaan na matapos magbanta ni Pangulong Duterte sa laglag bala noon ay nawala na ang modus na ito at magandang balita ito para sa mga OFW na nagbabalak umuwi.

Source: Abante , Facebook 

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Pagnanakaw sa bagahe ng isang OFW ikinagalit ng husto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagnanakaw sa bagahe ng isang OFW ikinagalit ng husto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
https://3.bp.blogspot.com/-h4AEevGylIU/WmMfELi6s0I/AAAAAAAADoA/V6Hm_gAmSWwqD7lOv7MGWN_rhi-VJ3VSwCLcBGAs/s640/Pagnanakaw%2Bsa%2Bbagahe%2Bng%2Bisang%2BOFW%2Bikinagalit%2Bng%2Bhusto%2Bni%2BPangulong%2BRodrigo%2BDuterte..jpg
https://3.bp.blogspot.com/-h4AEevGylIU/WmMfELi6s0I/AAAAAAAADoA/V6Hm_gAmSWwqD7lOv7MGWN_rhi-VJ3VSwCLcBGAs/s72-c/Pagnanakaw%2Bsa%2Bbagahe%2Bng%2Bisang%2BOFW%2Bikinagalit%2Bng%2Bhusto%2Bni%2BPangulong%2BRodrigo%2BDuterte..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/01/pagnanakaw-sa-bagahe-ng-isang-ofw_20.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/01/pagnanakaw-sa-bagahe-ng-isang-ofw_20.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy