Robin Padilla nagsalita na tungkol sa mga sinabi niya sa Koreano na si Kim Jiwan sa Pilipinas Got Talent.

Nanindigan ang hurado ng Pilipinas Got Talent na si Robin Padilla sa kanyang binigay na pahayag sa 20-anyos na Korean na si Kim Jiwan sa ...


Nanindigan ang hurado ng Pilipinas Got Talent na si Robin Padilla sa kanyang binigay na pahayag sa 20-anyos na Korean na si Kim Jiwan sa naging pag-u-audition nito.

Pinuna ni Robin si Kim Jiwan dahil sa hindi nito pagsasalita ng Tagalog na kung saan nabanggit nito na matagal na siyang nanatili sa Pilipinas.

"Wala akong pinagsisisihan kasi ako pumupunta din ako sa ibang bansa. Kapag pumupunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung anong salita doon kasi bisita ka doon. Ikaw ang makikibagay." pahayag ni Robin Padilla.

Mula naman sa naging ulat ng ABS-CBN na sinabi ni Robin Padilla na hindi mauunawaan na ang isang taon na may sampung (10) taon na naninirahan sa banasa ay hindi pa din marunong mag-Tagalog.

"Kung pupunta ka dito sa Pilipinas at uutusan mo kami, at Iinglesin mo kami, sa banyagang pananalita, nagkakamali ka. Bayan ko ito at handa ako mamatay anytime para sa bayan ko. Kaya kung sasabihin mo sa akin na 10 taon ka na dito, at hindi ka pa rin marunong mag Tagalog, may problema ka." ito ang sinabi ni Robin Padilla.

Hindi din naniwala at nakumbinsi si Robin ni Kim Jiwan sa sinabi nitong mahal niya ang Pilipinas kung saan ay may nobya itong Pinay ngunit hindi ito marunong mag-Tagalog.

Samantala matapos ng pahayag na ito ay agad naman nilinaw ni Robin Padilla na ito ay isa lamang na payo kay Kim Jiwan bilang isang anak at payong mula sa kanyang bilang ama.

Credit: https://www.instagram.com/robinhoodpadilla/
Credit: https://www.instagram.com/robinhoodpadilla/
"Hindi ko naman siya inaaway. Sinabihan ko lang siya na parang tatay niya. Sabi ko sa kanya, ‘Ako parang tatay mo. Tandaan mo iyan. Mayroon akong kilalang Korean, si Ryan Bang, mas magaling pa sa akin mag Tagalog.’ Yun lang naman. Advice ko lang sa kanya." paliwanag ni Robin

Ngunit kahit na ganon ang naging komento ni Robin ay nakakuha ng tatlong "Yes" votes si Kim Jiwan sa mga hurado at an tanging ng "No" ay si Freddie Garcia.

Ayon pa kay Robin para mga bumabatikos sa kanyang mga nasabi kay Kim Jiwan sa Pilipinas Got Talent.

"Ganun talaga. Mahalin nila ‘yung Korean kung gusto nila. Wala namang problema sa akin ‘yun eh. Magpakamatay sila sa Korean kung gusto nila. Wala naman problema sa akin ‘yun." 

"Kung tayong mga Pilipino ay hindi tayo magiging patriotic sa bansa natin, huwag tayong humingi ng pagbabago. Kung tayo mananatili tayong alipin ng dayuhan, kayo na lang. Hindi ako magpapaalipin sa dayuhan sa bansa ko. Hindi mangyayari ‘yun. Ako ang hari dito dahil bansa ko ito." ayon kay Robin Padilla

Nagpost naman si Robin sa Instagram account niya kung saan ay sinabi nito na magkaiba sa Filipino ang pagiging alipin at stupidity.



Source: Defilinite Filipino Instagram

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Robin Padilla nagsalita na tungkol sa mga sinabi niya sa Koreano na si Kim Jiwan sa Pilipinas Got Talent.
Robin Padilla nagsalita na tungkol sa mga sinabi niya sa Koreano na si Kim Jiwan sa Pilipinas Got Talent.
https://1.bp.blogspot.com/-gqSsdMB8rMM/WmQQFBrev3I/AAAAAAAADpA/UhmxhObTvSk_yO5b_jPRmfulBHqiLvVEACLcBGAs/s640/Robin%2BPadilla%2Bnagsalita%2Bna%2Btungkol%2Bsa%2Bmga%2Bsinabi%2Bniya%2Bsa%2BKorean%2Bna%2Bsi%2BKim%2BJiwan%2Bsa%2BPilipinas%2BGot%2BTalent..jpg
https://1.bp.blogspot.com/-gqSsdMB8rMM/WmQQFBrev3I/AAAAAAAADpA/UhmxhObTvSk_yO5b_jPRmfulBHqiLvVEACLcBGAs/s72-c/Robin%2BPadilla%2Bnagsalita%2Bna%2Btungkol%2Bsa%2Bmga%2Bsinabi%2Bniya%2Bsa%2BKorean%2Bna%2Bsi%2BKim%2BJiwan%2Bsa%2BPilipinas%2BGot%2BTalent..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/01/robin-padilla-nagsalita-na-tungkol-sa_84.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/01/robin-padilla-nagsalita-na-tungkol-sa_84.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy