Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan sa kanyang sasakyan binugnog imbis na pasalamatan.

Umaasa ang isang Grab driver na makakamit niya ang hustisya matapos siyang bugbugin ng kanyang naging pasahero sa halip na pasalamatan si...


Umaasa ang isang Grab driver na makakamit niya ang hustisya matapos siyang bugbugin ng kanyang naging pasahero sa halip na pasalamatan siya nito dahil naiwan nito ang cellphone sa kanyang sasakyan.

Ayon sa naging ulat ng GMA News ibinahagi ni Armando Yabut 30-anyos na aksidenteng naiwan ng pasahero niyang si Jinno Jhon P. Simon ang cellphone nito sa kanyang minamanehong sasakyan nito lamang Pebrero 9.

Pahayag ni Armando, noong sakay pa nito si Jinno Jhon ay nagpahatid ito sa Kamuning, Quezon City at naki-charge umano ito ng cellphone.

"Along the way po naki-charge po ‘yung passenger. Nung naki-charge po ang inabot lang po niya sa ’kin ‘yung connector. So sinaksak ko lang po ‘yung connector, ‘yung cellphone po niya nasa likod po." kuwento ni Armando

Nang mapansin ni Armando ang naiwang cellphone sa kanyang sasakyan ay noong nakauwi na ito sa kanilang bahay sa Tatay, Rizal at agad daw niyang ipinagbigay alam sa Grab ang nangyaring ito at ipinahanap pasahero upang ma-contact at maibalik ang cellphone.

"Nung tumawag po ‘yung passenger sabi po niya, ang bait po eh, ‘Kuya okay lang po ba pakisauli ‘yung cellphone ngayon na po. Emergency po, okay lang po ba bayaran ko na ‘yung pang-gas mo? Nag-offer po ng pera, bibigyan daw po ko pang-kain." pagpapatuloy ng kwento ni Armando

Ngunit ng dalhin na ni Armando ang iPhone sa mismong bahay ni Simon ay pilit na pinagbintangan siya na nagkaroon ng interes at sinimulan na siyang saktan hanggang sa mabugbog siya nito.

"Pagdating ko po doon sa bahay nila, ang bungad po sa akin ‘Kaninong cellphone ‘yan?’ Sabi ko, ‘Sa inyo po, Sir.  Ako po ‘yung driver.’  Sabi niya sa ‘kin, ‘Pinag-interesan mo ‘yung cellphone ko, magnanakaw ka!’ Tapos ‘yun inumpisahan na po niya kong bugbugin. Sinuntok po niya ko sa mukha nang malakas tapos napaupo po ako… sinakal po niya ko tapos pinatumba po niya ko tapos ‘yung mukha ko talagang dinidikdik po niya sa semento."

May pulis naman na dumating at dinala siya sa police station ng mga ito ngunit tumanggi umani ang nambugbog na si Simon kaya sa barangay nauwi ang kanilang paghaharap kung saan pinipilit muli ni Simon na ninakaw ni Armando ang kanyang iPhone na sana'y ibabalik lang niya.

Daing pa ni Armando na pilit siyang pinaaamin ng isang babae sa hindi naman niyang ginawa habang sila ay nasa barangay.

"Yung babae po doon sa loob ng barangay, kinausap po niya ko, sabi niya ‘Umamin ka na kasi… wala naman mawawala sa iyo kung aamin ka, wala namang mawawala sa pagkalalaki mo." pahayag muli ni Armando

Sa ngayon ay balak ni Armando na magreklamo at hindi makikipag-areglo kay Jinno Jhon.

Sa isang Facebook post na si "Kiel Nigel Yabut" ay nanawagan ito ng hustisya sa sinapit ng binugbog na driver.



Sa ngayon ay inaantay pa ng GMA News ang panig ni Jinno Jhon P. Simon para sa kanyang paliwanag na ginawa sa Grab driver.

Source: GMA News , Definitely Filipino , Facebook

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan sa kanyang sasakyan binugnog imbis na pasalamatan.
Grab driver na nagsauli ng cellphone na naiwan sa kanyang sasakyan binugnog imbis na pasalamatan.
https://4.bp.blogspot.com/-E72S7Rjg0qI/WoBJh52v0gI/AAAAAAAAD_Q/bHwS-0dOvo44Qxo0GEdIDa50iG8U18UTQCLcBGAs/s640/Grab%2Bdriver%2Bna%2Bnagsauli%2Bng%2Bcellphone%2Bna%2Bnaiwan%2Bsa%2Bkanyang%2Bsasakyan%2Bbinugnog%2Bimbis%2Bna%2Bpasalamatan..jpg
https://4.bp.blogspot.com/-E72S7Rjg0qI/WoBJh52v0gI/AAAAAAAAD_Q/bHwS-0dOvo44Qxo0GEdIDa50iG8U18UTQCLcBGAs/s72-c/Grab%2Bdriver%2Bna%2Bnagsauli%2Bng%2Bcellphone%2Bna%2Bnaiwan%2Bsa%2Bkanyang%2Bsasakyan%2Bbinugnog%2Bimbis%2Bna%2Bpasalamatan..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/grab-driver-na-nagsauli-ng-cellphone-na.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/grab-driver-na-nagsauli-ng-cellphone-na.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy