Hindi naman to gwapo a! Lapad ng noo mo, day! - Angelica Panganiban

Muli na namang dinaan ng aktres na si Angelica Panganiban sa pagbibiro ang kanyang pinagdaanan sa huli niyang naging ex-boyfriend. Hin...



Muli na namang dinaan ng aktres na si Angelica Panganiban sa pagbibiro ang kanyang pinagdaanan sa huli niyang naging ex-boyfriend.

Hindi man pinangalanan ni Angelica kung sino ang ex-boyfriend niya na ito ay ikinuwento na lamang nito kung ano ang nangyari.

Walang pasabi na hiwalay na pala sila nito at nakita na lamang niya sa social media na may kasama ng ibang babae ito na nagbabakasyon sa isang isla.

Pahayag ni Angelica sa The Philippine Star Supreme noong Pebrero 10, "Yung pinakamalala, yung di ka brineakan, tapos ikaw, parang, "Ha? Akala ko Tayo?"

"Tapos kung gusto mo mang kausapin, di mo mahagilap, di mo makausap."

"So, magde-decide ka na, ‘So, move on na ako, 'no? Breakup na siguro yun?"

Dagdag pa ni Angelica na imsopible daw na walang signal ang cellphone ng kanyang ex-boyfriend noong oras na iyon dahil nakakapag-upload ito ng mga video sa kanyang social media ng hinahanap niya ito.

"Mukhang may signal naman siya, kasi may mga videos na lumabas na nasa island sila, sumasayaw sila, mga bangag sila." ani ni Angelica

Nang malamang na may ibang babae ang kanyang nobyo noon ang nagtulak kay Angelica para magmove-on.

"So, sabi ko, ‘Sila na siguro, di lang ako na-inform." sabi pa ni Angelica

Samantala makailang beses na din na nagbigay ng pahayag si Angelica tungkol sa di niya pinangangalanan ex-boyfriend na basta lamang daw nakipaghiwalay sa kanya ng walang anong dahilan.

Sa pagpapatuloy ng pahayag niya sa The Philippines Star Sumpreme ay sinabi nito na kusa na lamang niyang naramdaman na hindi na dapat pag-aksayahan ng panahon ang taong hindi nagpahalaga sa kanyang pagmamahal na ibinigay niya ng buong-buo.

"Yung iniisip mo na, ‘T***ina, hindi naman 'to gwapo, ah."

"Yung ang tagal mong iniyakan, ang tagal mong pinagsilbihan, ang dami mong in-adjust at kinalimutang mga tao o paniniwala sa buhay, 'tapos, talaga? Ikaw pa yung iiwan?"

"Lapad ng noo mo, ‘day!"

Sabay biro na itinuro ang sarili "T***ina naman o, kanag-kana."




Ngunit base sa kwento ni Angelica ay tila si John Lloyd Cruz ang kanyang tinutukoy na ex-boyfriend na gumawa sa kanya nito at lumalabas pa dito na nagkakamabutihan pa sila noong kalagitnaan ng taon ng 2017.

Matatandaan na kumalat ang balitang hiwalay na sila noong Enero 2016 at kinumpirma pa nila ito.

Sinabi pa ni Angelica noon na magkaibigan pa rin sila ni John Lloyd noong Nobyembre 2016 at maging si John Lloyd ay sinabi rin ito noong Enero 2017 ng magkaibang panayam.

Namataan pa ng magkasama sina Angelica at John Lloyd noong mga nakaraang buwan bago sila tuluyan na magkalabuan sa inakala ng aktres na "Okay sila" na hindi na lamang nila piniling isapubliko.


Ngunit noong panahon din na iyon ay nakikita din na lumalabas sina John Lloyd at si Ellen Adarna na katrabaho niya sa Home Sweetie Home.

Hanggang sa noong Setyembre 2017 ay naglabas sa social media ang mga videos at photos na nagbabakasyon ng magkasama sina John Lloyd at Ellen sa Bantayan Island sa Cebu.


Sumunod nito ay tumungo sina John Lloyd at Ellen sa Europa upang magbakasyon noon Oktubre 2017

Noong Nobyembre naman ay napabalitang buntis na si Ellen at si John Lloyd ang ama.

At nito lamang Enero 2018 ay kinumpirma ni Ellen na sila na ni John Lloyd

Ngunit hindi pa din nagsasalita ang dalawa tungkol sa kung buntis ba talaga si Ellen maging ang balitang engaged na ba sila.

Source: PEP

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,23,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Hindi naman to gwapo a! Lapad ng noo mo, day! - Angelica Panganiban
Hindi naman to gwapo a! Lapad ng noo mo, day! - Angelica Panganiban
https://1.bp.blogspot.com/-8cpCTfutbLY/WohOzp8H_LI/AAAAAAAAEIs/hJJv0CHLHA8gBW0XbXdZlqlBNEpGONvDACLcBGAs/s640/Angelica%2BPanganiban.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-8cpCTfutbLY/WohOzp8H_LI/AAAAAAAAEIs/hJJv0CHLHA8gBW0XbXdZlqlBNEpGONvDACLcBGAs/s72-c/Angelica%2BPanganiban.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/hindi-naman-to-gwapo-lapad-ng-noo-mo.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/hindi-naman-to-gwapo-lapad-ng-noo-mo.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy