Kathryn Bernardo nagsalita na tungkol sa video na kumakalat nina Daniel Padilla at Liza Soberano.

Hindi pinagtuunan ng pansin ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nagviral na video ng kalove team at rumored boyfriend niyang si Daniel P...


Hindi pinagtuunan ng pansin ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nagviral na video ng kalove team at rumored boyfriend niyang si Daniel Padilla sa kapwa Kapamilya Star nila na si Liza Soberano matapos itong kuhanan ni Robi Domingo sa backstage ng ASAP noong Pebrero 11.

Maraming taga suporta ng KathNiel at LizQuen ang hindi natuwa sa ginawang ito ng TV host na si Robi dahil sa ginawang panunukso ni Daniel kay Liza na parehas na may kani-kanilang kalove team.

Si Daniel ay kaparehas ni Kathryn na at tinatawag ito ngayon na KathNiel habang sina Liza at Enrique Gil naman ay ang tinatawag na LizQuen na dalawa sa kinakikiligan na magka-love team sa panahon ngayon.

Credit: https://www.instagram.com/bernardokath/

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn sa farewell presscon ng ABS-CBN prime time series ng La Luna Sangre noong Pebrero 20, ay kinuha ang reaksyon nito sa video nina Daniel at Liza.

Dito ay binigyan linaw ni Kathryn ang mga sinabi ni Robi na tinawagan pa siya nito upang humingi ng paumanhin sa nagawa.

Pahayag ni Kathryn, "Hindi nga isyu sa akin yun.

"Tumawag sa akin si Robi, nag-sorry siya.

"Wala siyang [masamang] intention, and kilala ko si Robi na wala yun.

"Siguro, yun lang ang pagkaka-interpret ng ibang tao.

"Ang importante naman, okay kaming dalawa, ayun, na-settle."

Paglilinaw pa ni Kathryn, "Hindi ko siya masyadong pinansin na isyu."


Credit: https://www.instagram.com/lizasoberano/


Pagkatapos nito ay tumanggi nang magbigay ng karagdagang pahayag si Kathryn.

Matapos nun ay tumanggi ng magbigay ng pahayag si Kathryn sa bagay na ito.

Sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye na La Luna Sangre ay sinabi ni Kathryn na marami siyang mami-miss.

Sabi ni Kathryn, "Yung mga tao, yung cast, pati mga staff and crew.

"Sa set, mas magaan ang feeling sa set, kasi masaya ang lahat.

"'Tapos, halos naging araw-araw ba naman kayo, ‘tapos okay kayong magkakasama.

"Mami-miss ko ang mga tao pati mga co-stars ko."

Mag-hahalos sampung buwan din ang tinagal ng La Luna Sangre, kung saan bukod sa pag-arte ay marami din na actions scenes na ginawa si Kathryn.

Source: PEP , Instagram ,Instagram 

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Kathryn Bernardo nagsalita na tungkol sa video na kumakalat nina Daniel Padilla at Liza Soberano.
Kathryn Bernardo nagsalita na tungkol sa video na kumakalat nina Daniel Padilla at Liza Soberano.
https://1.bp.blogspot.com/-TONu4UtNulE/WpHknz9lUxI/AAAAAAAAEU4/OcMjnZ_CCeA7Es5LtPangn1UrGazq5CTACLcBGAs/s640/Kathryn.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-TONu4UtNulE/WpHknz9lUxI/AAAAAAAAEU4/OcMjnZ_CCeA7Es5LtPangn1UrGazq5CTACLcBGAs/s72-c/Kathryn.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/kathryn-bernardo-nagsalita-na-tungkol.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/kathryn-bernardo-nagsalita-na-tungkol.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy