Mga artista nagbigay ng tulong at saya sa mga taga Albay na lumikas dahil sa Bulkan Mayon

Sa ulat ng Balita.net.ph , matapos mag-isang buwan simula ng mag-alburoto ang Bulkan Mayon maraming taga roon ay nagtitiis na mga evacu...


Sa ulat ng Balita.net.ph , matapos mag-isang buwan simula ng mag-alburoto ang Bulkan Mayon maraming taga roon ay nagtitiis na mga evacuees na apektado mula sa ibang ibang barangay at bayan na sakop ng extended danger zone.

Matapos nito ay agad naman na may mga dumating na tulong mula sa iba't ibang lugar na at maging ang mga artista ay pumupunta para tumulong at hindi lamang tulong ang dala nila kundi saya sa bawal pamilyang evacuees.

Noong Enero 27 ng magsagawa ng emergency broadcash ang isang istasyon ng radyo sa Lungsod ng Legazpi at boluntaryo na nagtungosa istasyon ng radyo si Mr.Noel de Luna ang president at founder ng SND Charities Foundation at isa dating broadcaster ng Bicol.

Sinubukan naman ni Mr.Noel de Luna si Director Claudio Yucot Regional Director ng Office of Civil Defense ng Rehiyon 5 na nanawagan sa sinumang mga tao o grupo na makakapagboluntaryo para maghatid ng tulong ay saya sa mga nagsilikas habang nasa evacuation centers.

Agad naman inaksyonan ni Mr.Noel de Luna ang naging kahilingan ni Director Claudio Yucot dahil ilang araw lamang ang nakakalipas ay dumating ang mga aktor ng FPJ's Ang Probinsyano na sina Long Mejia, Marvin Yap at Gene Padilla na nagbigay ng 200 pirasong sako ng bigas sa foundation.

Imahe mula sa Balita.net.ph
Imahe mula sa Balita.net.ph
Bumili din sila ng mga tsinelas at mga damit para ipamigay ng mga artista sa mga evacuees kaya habang pinamimigay nila ang mga ito ay sinamahan na din nila nagpabibigay ng saya sa mga taong lumikos na naroon.

Noong Pebrero 10 naman ay dumating ang ibang artista na sina Bayani Agbayani, Cesar Montano at Epi Quizon kasama si Mr. Noel de Luna ng SND Foundationna may dalanag 10,000 na piraso na buhay na manok at 10,000 na piraso na itlog upang ibigay sa OCD Regional  Director Claudio Yucot upang maipamigay sa iba pang evacuess bago muling magbigay ng saya sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta.

Imahe mula sa Balita.net.ph
Ayon naman kay Director Claudio Yucot ay labas siyang nagpapasalamat kay Noel de Luna na mayroon isang Bicolano na nakakaramdam ng paghihirap ng mga evacuees. Dagdag pa nito hindi matatawaran ang kasiyahan na iyon at tulong lalo na't kailangan talaga ng mga evacuees ang mga bagay na iyon.

Imahe mula sa Balita.net.ph
Imahe mula sa Balita.net.ph
Samantala sa naging pahayag ni Noel de Luna sa Balita.net.ph ginagawa niya ang mga iyon para maibsan ang mga kalungkutan ng mga lumikas na dumadaan sa matinding sakripisyon.

Sa ngayon ay sagana ang pagkain sa mga evacuees at patuloy ang pagdalaw ng mga artista.

Source: Balita

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Mga artista nagbigay ng tulong at saya sa mga taga Albay na lumikas dahil sa Bulkan Mayon
Mga artista nagbigay ng tulong at saya sa mga taga Albay na lumikas dahil sa Bulkan Mayon
https://4.bp.blogspot.com/-ZEF00alLXy4/WoSvBmF7nBI/AAAAAAAAEEg/yjbGOgFAMp0wLCwZVFmMRddfYC1mizdswCLcBGAs/s640/Artista.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-ZEF00alLXy4/WoSvBmF7nBI/AAAAAAAAEEg/yjbGOgFAMp0wLCwZVFmMRddfYC1mizdswCLcBGAs/s72-c/Artista.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/mga-artista-nagbigay-ng-tulong-at-saya.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/mga-artista-nagbigay-ng-tulong-at-saya.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy