Pasahero na nambugbog ng Grab driver nagsalita na.

Kusa ng humarap ang pasahero na nambugbog sa isang Grab driver pero pahayag nito na pinag-interesan daw talaga ni Armando Yabut ang kanya...


Kusa ng humarap ang pasahero na nambugbog sa isang Grab driver pero pahayag nito na pinag-interesan daw talaga ni Armando Yabut ang kanyang cellphone na naiwan.

Pahayag ni Jinno John Simon ang pasahero na nagbugbog sa driver, "Inaamin ko mali talaga 'yong ginawa kong pananakit, maling-mali talaga 'yon." 

"Humihingi po ako ng tawad sa ginawa ko kay Mr. Yabut, nadala lang ako ng emosyon." 

Sa panayam ni Jinno John sa ABS-CBN News matapos magviral sa social media ang ginawa niya sa driver na si Armando.

"Di ako makauwi ng apartment ko, di ako makakuha ng gamit ko, wala akong damit. Maraming nagbabanta sa akin. Nakakatakot po." kuwento ni Jinno John Simon.

Dagdag pa ni Jinno John pinapalabas lang ni Yabut na malinis ang kanyang naging hangarin nang ibalik ito sa kanya ang cellphone matapos maiwan ang kanyang cellphone noong araw ng Pebrero 9.

Ayon pa kay Jinno John Simon simula na siyang magduda ng ilang beses niyang tinawagan ang kanyang cellphone pero pinapatay daw ito.

"Mga three to four, five times and then pinatay niya 'yong cellphone ko." paliwanag ni Jinno John Simon.

Itinawag naman naman daw ni Jinno John Simon sa customer service ng Grab Philippines ang kanyang reklamo.

"Nakuha ko personal n'ya, tinawagan siya. Tapos ibabalik na lang daw po n'ya." pagkukuwento ni Jinno John Simon

Ang naging paliwanag naman ni Armando Yabut kay Jinno John Simon na hindi niya mahawakan ang cellphone ng pasahero dahil mayroon siyang ibang pasahero na sakay noong oras na iyon.

Nagbigay din ng pahayag ang abogado ni Armando Yabut.

"Kahit anong sabihin niya, lahat 'yan kathang-isip niya."

"Pagpalagay nating totoo ang sinabi niya, bakit mo gugulpihin?" pahayag ni Atty. Ariel Inton.

Hindi din tinanggap ni Armando ang paghingi ng tawad ni Jinno John Simon dahil sa kanyang sinapi sa mga kamay nito.

Itutuloy pa din nito ang kasong serious physical injuries at maaari pa itong madagdag ng kasong oral defamation.

"Halos lumuhod ako sa kaniya, hinimas-himas ko siya na parang santo. Nagso-sorry ako, sabi kong pakinggan n'ya ang explain ko pero 'di nya ako pinakinggan." pahayag ni Armando Yabut

"Sabi niya sa'kin tuturuan niya ako ng leksiyon," pahayag ni Armando Yabut

Suportado naman ng Grab Philippines ang naging desisyon ni Armando at bukod sa abogado ay tutulungan din ng Grab sa pagpapagamot ang kanilang driver.

Ito naman ang video na mula sa ABS-CBN News:



Source: ABS-CBN News , Facebook 

COMMENTS

Name

Education,1,Entertainment,22,Health,7,Social,1,
ltr
item
Feed Exposed: Pasahero na nambugbog ng Grab driver nagsalita na.
Pasahero na nambugbog ng Grab driver nagsalita na.
https://4.bp.blogspot.com/-AhfssgdJObA/WoQC8gVmbiI/AAAAAAAAECI/I6dTWFEo1Kovqmr0BPCYDS5kbwu6TGrjwCLcBGAs/s640/Grab%2Bdriver.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-AhfssgdJObA/WoQC8gVmbiI/AAAAAAAAECI/I6dTWFEo1Kovqmr0BPCYDS5kbwu6TGrjwCLcBGAs/s72-c/Grab%2Bdriver.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/pasahero-na-nambugbog-ng-grab-driver.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/pasahero-na-nambugbog-ng-grab-driver.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy