Robin Padilla nagsalita na tungkol sa ginawa sa kanya ng ABS-CBN.

Taon din ang binilang bago muling magkaroon ng proyekto sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na kung matatandaan ay unang nagtambal sa da...


Taon din ang binilang bago muling magkaroon ng proyekto sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na kung matatandaan ay unang nagtambal sa daytime na serye ng ABS-CBN na "Be Careful With My Heart."

Muling nagbabalik at dating nagpakilig sa umaga ng mga viewers sa parehas na oras sila mapapanood ay na may title na "Sana Dalawa Ang Puso" at makakasama nila dito si Robin Padilla.

Ang "Sana Dalawa ang Puso" ay hango sa dalawang buhay ng babae na sina Mona at Lisa na magkamukha at parehas na pilit tinatakasan ang mga problema na kinahaharap sa kanilang mga kanya-kanyang buhay.

Ang karakter ni Jodi na si Lisa Laureano ay isang boss sa negosyo ng kanilang pamilya na Laureno Group of Companies na tatakasan ang gusto ng ama na ipakasal sa anak ng kalaban nilang kumpanya na si Martin Co (Richard Yap). Upang matakasan ang kanyang ikakasang kasal ay pipiliin nito na makitira sa trabahador nila si Leo Tabayoyong (Robin Padilla).

Ang isang karakter naman ni Jodi na si Mona ay isang tagakolekta ng taya at taga-alaga ng mga manok sa sabungan at problemado dahil gustong iahon ang kanyang tatay na nadawit sa isang networking scam.

Sa naganap na press conference ng teleserye na "Sana Dalawa ang Puso" ay nakapanayam ng press sina Jodi at Robin.

Naitanong dito kung isa si Jodi sa mga nakiusap kay Robin para mapapayag na makasama sa bagong teleserye na ito.

Ani ni Jodi: "Siyempre kasi hindi ba, talagang nakikita namin na nag fit talaga kay Robin yung character niya rito. Parang kung minsan nag-iisip kami, kung iba ang gagawa parang hindi magwo-work, e. Kumbaga parang tailor-made, talagang swak siya sa kanya yun karakter niya na yun."

"At the end of the day, it still management’s decision pero kunwari tinanong ako kung okay lang ba na si ganito gaganap sa role ni Robin, ay wala talaga akong problema kung hindi siya, kahit sino. I’m all for it."

Sumunod na tanong ay kung gaano katotoo na si Jodi ang dahilan kung bakit napapayag nito si Robin na gumawa ng isang teleserye.

Sagot ni Jodi: "Uy, hindi lang naman dahil sa akin, narinig naman natin kanina na hindi talaga nakatanggi si Robin kay Ms. Malou Santos, pero siyempre I’m very thankful na makakasama ko ang isang Robin Padilla sa isang proyekto."

Maging si Robin ay nagkuwento kung paano nagkaroon ng idea ang kanilang management na pagsamahan sila sa iisang proyekto.

Pahayag ni Robin: "Nagsimula yun noong show namin ni Jodi sa London, sinabi niya sa mga tagadoon na sana nga ay magkaroon kami ng isang proyekto. Para sa akin kasi, as a Muslim and as a man, kapag may sinabi ka, pangatawanan mo. Sinabi niya yun dun. Sana makagawa tayo ng proyekto.’ Sabi ko ‘Oo.’ Siyempre maraming tao ang nakarinig nun."



Credit Photo: Showbiznest

Dagdag pa ni Robin: "Kala ko okay na yun. Noong nagsu-shooting kami ng Bad Boy 3, sinabi sa ‘kin ni Betchay [Vidanes, manager ni Robin], na pinatatawag na daw ako ni Ms. Malou Santos kasi magsu-soap na nga raw ako. "

"Matagal kong pinag-isipan yun, kasi nasa Pangasinan nga kami kasi nga nagsu-shoot kami ng Bad Boy 3, sabi ko kapag lumuwas akong Manila ay malamang na hindi na matutuloy ang project ko na ito [Bad Boy 3]." 

"Wala akong nagawa kasi nahiya din ako kay Ma’am Malou at nahiya din ako kay Jodi. Isinantabi muna namin ang pagsu-shoot ng Bad Boy 3 at inuna ko itong teleserye kasama si Jodi."

Ayon kay Robin: "Hirap na hirap ako sa buhay ko sa ABS-CBN! Oo, totoo!"

"Noong nagsu-shoot kami ng Bad Boy 3 ang laki ko noon. Sabi nila magte-taping na kami nitong Sana Dalawa Ang Puso so nagpapayat ako, kasi sabi nila maliit si Jodi, kaya kailangan kong magpapayat, so, nagpapayat ako. 

"Makakadalawang linggong taping na kami, bigla sinabi sa ‘kin na kailangan ko daw mag-gain ng weight kasi magsu-shooting daw kami ni Ma’am Sharon Cuneta ng Unexpectedly Yours."

"Pinaglalaruan nila ang katawan ko! Taba-payat-taba-payat, e, hindi naman na ako bata!"

Naitanong din kay Robin kung bakit ayaw na niyang gumawa ng teleserye.

Sagot ni Robin: "Hindi naman sa ayaw, kasi, alam naman ni Ma’am Malou na kung mag-aaction na ‘ko sa pelikula, hindi ko na kaya yung style ng teleserye, lalo na yung halos araw na araw na taping. Sa totoo lang mahirap na talaga yung teleserye kasi pambata lang yun, e."


Source: PEP , Showbiznest

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Robin Padilla nagsalita na tungkol sa ginawa sa kanya ng ABS-CBN.
Robin Padilla nagsalita na tungkol sa ginawa sa kanya ng ABS-CBN.
https://2.bp.blogspot.com/-uRu1uDf2m2g/WneGfDbhboI/AAAAAAAAD6o/gS1JZ7o6CMMMVS9l71UjHwahuZeMEM3YwCLcBGAs/s640/Robin%2BPadilla%2Bnagsalita%2Bna%2Btungkol%2Bsa%2Bginawa%2Bsa%2Bkanya%2Bng%2BABS-CBN..jpg
https://2.bp.blogspot.com/-uRu1uDf2m2g/WneGfDbhboI/AAAAAAAAD6o/gS1JZ7o6CMMMVS9l71UjHwahuZeMEM3YwCLcBGAs/s72-c/Robin%2BPadilla%2Bnagsalita%2Bna%2Btungkol%2Bsa%2Bginawa%2Bsa%2Bkanya%2Bng%2BABS-CBN..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/robin-padilla-nagsalita-na-tungkol-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/robin-padilla-nagsalita-na-tungkol-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy