Vice Ganda gusto ng ipatigil ang MRT sa metro manila.

Hindi na napigilan ng It's Showtime TV Host na si Vice Ganda ang maglabas ng saloobin tungkol sa sunod-sunod na insidente na nasisira...


Hindi na napigilan ng It's Showtime TV Host na si Vice Ganda ang maglabas ng saloobin tungkol sa sunod-sunod na insidente na nasisirang tren ng MRT (Metro Rail Transit) na halos buwan-buwan na lamang napapaulat na nagkakaaberya.

Minabuti ni Vice Ganda na pag-usapan sa segment ng "Tawag ng Tanghalan" noong Miyerkules, Pebrero 21 ang problema na ito.

Habang nakikipag-usap sina Vice at Anne Curtis sa isang contestant ay napunta sila sa usapin sa problema sa mga traffic sa Metro Manila na matagal na nilang kinaiinisan lalo pa't ito ang nagiging dahilan ng kanilang pagkalate sa trabaho tuwing naiipit sa traffic.

Ayon kay Vice, "Dito, meron nang Grab, meron nang Uber, may bus, may kotse, lahat… may motor, lahat ‘yan, kaya saksakan ng dami ng trapik, e.

"'Tapos ang MRT, panay-panay din ang paltik, di ba?"

Dagdag na banat pa ni Vice, "Tigil-tigil niyo na ang MRT [na] ‘yan."

"Naku, ang mahal-mahal ng tax na ibinayad ko diyan, hindi niyo naman nababagu-bago yung ano na ‘yan, MRT na ‘yan."

Ikinagagalit pa ni Vice na "Laging ngarag, laging kung anu-anong nangyayari, laging sira." 

"Natatakot na yung [mga pasahero]. Ang haba-haba na ng pila!"

Ayon pa kay Vice kung siya daw ang magiging Pangulo ng bansa ay ipapasara na lamang niya ang MRT.

"Kaya ang MRT [na] ‘yan, kung ako talaga magiging Pangulo, isasara ko ‘yang MRT na ‘yan, e."

"Isasara ko, tatanggalin ko yung mga tren, titira ko lang yung ganun [riles], ta’s sesementuhan ko, gagawin ko na lang siyang park."

Hirit naman ni Anne na gawin na lamang na skywalk ang MRT.

Credit: https://www.instagram.com/praybeytbenjamin/
Credit: https://www.instagram.com/praybeytbenjamin/
Pahabol pa ni Vice, "Tanggalin yung tren, patagin, gawing lakaran."

"Tutal, ang mga tao naman naglalakad din diyan, e, pag nasisira."

"Gawin niyo na lang park, di ba?"

Muling humirit si Anne na gawin na lamang itong bike lane.

Source: PEP , Instagram 

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Vice Ganda gusto ng ipatigil ang MRT sa metro manila.
Vice Ganda gusto ng ipatigil ang MRT sa metro manila.
https://4.bp.blogspot.com/-i76IjmxIDhA/WpCcuI7bIzI/AAAAAAAAETM/FWU_moNXdpE1y2-1aTsD2YhVLtOVZqEjACLcBGAs/s640/Vice%2BGanda.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-i76IjmxIDhA/WpCcuI7bIzI/AAAAAAAAETM/FWU_moNXdpE1y2-1aTsD2YhVLtOVZqEjACLcBGAs/s72-c/Vice%2BGanda.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/vice-ganda-gusto-ng-ipatigil-ang-mrt-sa.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/vice-ganda-gusto-ng-ipatigil-ang-mrt-sa.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy