Yassi Pressman kinainisan ng netizens sa social media.

Isa si Yassi Pressman sa napapanood sa teleserye ng ABS-CBN  na FPJ's Ang Probinsyano bilang Alyana na asawa ng karakter ni Coco na s...


Isa si Yassi Pressman sa napapanood sa teleserye ng ABS-CBN  na FPJ's Ang Probinsyano bilang Alyana na asawa ng karakter ni Coco na si Cardo Dalisay.

Marami ang nalungkot at naiinis sa itinatakbo ng kuwento matapos makipaghiwalay ni Alyana kay Cardo na ngayon ay nahuhulog na ang loob nito sa iba.

Ayon mismo kay Yassi, marami ang nanonood ng Ang Probinsyano ang naiinis at nagagalit sa karakter niya.

Pahayag ni Yassi, "Yung pag-take ng eksena bago namin kunan, nagtatawanan kami.

"Pero yung eksena talaga, mahirap siyang gawin kasi ang tagal na naming pinu-portray yung characters.

"Pati kami siyempre mahal namin si Alyana, mahal namin si Cardo.

"Masakit siya, yung nangyayari sa kuwento."

Dagdag pa ni Yassi, "Tingnan natin pero sa ngayon mukhang desidido si Alyana.

"Nung ikinuwento sa akin, siyempre nagulat ako kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw.

"Yun lang, mahirap lang talaga sa dalawa, pero parehas naman kasi silang may dahilan.

"Si Alyana siyempre, para sa kanya, ipinaglalaban mo yung anak natin na wala na, paano naman ako?

"Nandito pa ako, nasa'n ka, wala ka na.

"Kay Cardo naman siyempre, ipinaglalaban niya ang anak niya and aside from that, ang dami pa niyang nalalaman. Siyempre gusto niyang itama, magkaiba sila."

Muling pahayag ni Yassi, "Madaming nagagalit sa nangyari.

"Maraming nagugulat siyempre pero marami rin ang nagsasabi na naiintindihan nila ang nararamdaman ng bawat characters.

"Halu-halo yung emotions nila, e. Nakakatawa, grabe, ang dami sa Twitter."

Tinanong siya ng PEP.ph kung siya ba ang nasa ganitong sitwasyon sa totoong buhay handa rin ba siyang maghintay alang-alang sa pag-ibig?

"Siguro di pa ako nakarating sa ganun kahabang posisyon so di ko alam.

"Pero kung ako, ipaglalaban ko pa rin siya."

Samantala may mga usap-usapan na  maaaring umabot hanggang 2019 pa daw umere ang FPJ's Ang Probinsyano ngunit wala pa makapagbigay ng malinaw na detalye tungkol dito.

Ngunit nagpapasalamat si Yassi kung magkakatotoo man ito.

"Ay maraming salamat kung gano'n, kasi kami bine-base lang din namin sa veiwers.

"Nagpapasalamat kami na hanggang ngayon, sinusuportahan nila."

Ayon pa sa PEP na mukhang nagkaayos na sina Coco Martin at Julia Montes dahil naging usap-usapan na nagkaroon ito ng problema sa hinihinalang relasyon.

Masaya naman si Yassi tungkol sa balita na ito na minsan na din inugnay kay Coco.

"Wala akong alam talaga. Kung totoo talaga super happy.

"Everyone just deserves to be fulfilling their heart, to have a fulfilling life and work kung kaya parehas.

"Yun ang pinaka-okay."

Tinanong din ng PEP kung mayroon bang lovelife ngayon si Yassi ngunit ang sagot nito ay wala.

"Wala. Di kaya ng schedule din, iba talaga ang priorities ko ngayon sa life ko."

Naging trending naman noong Pebrero 27 ang karakter ni Coco na si Cardo sa Twitter na gumamit ng hashtag #FPJAPBugso.

Ang mga netizens ay nagtweet tungkol sa naging pagde-date nina Alyana (Yassi) at Marco (JC Santos) na nakita ni Cardo (Coco) na muntik ng magdikit ang mga labi ngunit inunahan na niya ito ng alis.

#Repost @cocodalisay (@get_repost) ・・・ My Take: Mahal parin ni Alyana si Cardo. But her actions led to a wrong situation in a very wrong Time. Cardo himself witnessed this “Flirting” ( as i call it ) moment. Aakalain ni Cardo na Dead End na between him and Alyana. So na kay Cardo if he will give another shot at hindi isusuko ang laban. Mabait si Cardo kung tutuusin. Sa ibang lalaki, nasapak na si Marco and could lead into a brawl. Asawa nya yun Oy! Mababaw ang dahilan para sila maghiwalay. Unfortunately, Alyana may fall into a trap at baka mahirapan sya makaahon. Hindi nya kilala ang taong inaakala nya ay Gentleman or Knight in a Shining Armor. Too bad if maging huli ang lahat. ๐Ÿ˜ฌ๐Ÿ˜ฌ CARYANA STATUS: #WALWAL ———————- What’s your side? ———————- #cocomartin #yassipressman #jcsantos #FPJAPBugso
A post shared by @cocoyass_tfcglobal_spain26 (@cocoyass_tfcglobal_spain26) on

May mga gumamit din ng hashtag #MarYana para sa loveteam nina Alyana at Marco sa Ang Probinsyano.









Kaya ng iba humihirit na ibalik na si Maja Salvador bilang Glenn sa FPJ's Ang Probinsyano na matalik na kaibigan ni Cardo na may lihim na pagtingin sa kanya.

Ito ang tweet ng isang netizen:



Source: PEP , Instagram 

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Yassi Pressman kinainisan ng netizens sa social media.
Yassi Pressman kinainisan ng netizens sa social media.
https://3.bp.blogspot.com/-J4IulBMp4sU/WpbAoJUd3GI/AAAAAAAAEZY/EXxliM2F8eoG4MJ0SODWGEKMSsLS_ZeJACLcBGAs/s640/FPJAPBugso.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-J4IulBMp4sU/WpbAoJUd3GI/AAAAAAAAEZY/EXxliM2F8eoG4MJ0SODWGEKMSsLS_ZeJACLcBGAs/s72-c/FPJAPBugso.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/02/yassi-pressman-kinainisan-ng-netizens.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/02/yassi-pressman-kinainisan-ng-netizens.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy