Anak ng isang labandera nagtapos bilang isang Cum Laude sa private school.

Pinag-uusapan na naman ang mag-ina na ito sa social media matapos makamit ang tagumpay ng isang anak na dahil sa paghihirap at sipag ng i...


Pinag-uusapan na naman ang mag-ina na ito sa social media matapos makamit ang tagumpay ng isang anak na dahil sa paghihirap at sipag ng ina ay naitawid nito ang pag-aaral ng kanyang anak.

Paulit-ulit na sinasabi ni Francis Sinaban, "hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang pangarap."

Sa ulat ng ABS-CBN ay maagang namulat sa kahirapan sa buhay si Francis na sa halagang P2 na kahit magkasugat-sugat ang kanyang mga kamay sa sa paghuhugas ng mga bote noong siya'y 12-anyos pa lamang ay hindi niya ito iniinda upang may maipantustos lamang sa pagkain nila araw-araw.

"Naghuhugas ako noon ng 24 pieces na bote para sa halagang P2. Nagkakasugat-sugat na kamay ko pero tiniis ko para may pera kami." ayon sa pahayag ni Francis sa ABS-CBN

Dumating din sa punto na kailangan huminto sa pag-aaral ni Francis upang mag-alaga sa kanyang ama ng ma-stroke ito.

Taon ng 2009 ng pumanaw ang kanyang ama kaya naman naiwan siya mag-isa sa kanyang ina na si Nida na inako ang lahat ng responsibilidad upang mapalaki ng maayos si Francis.

 Kumikita ang ina ng P200 hanggang P300 sa paglalabada.

Sa kinikita ng Nida na P200 hanggang P300 mula sa paglalabada ay hinikayat nito si Francis na mag-aral muli dahil ayaw nito na mawala ang pangarap ng anak.

"Sabi ko sa kaniya ‘anak mag-aral ka na,’ sabi niya sa akin ‘ayoko mamaya masyado na akong matanda’ pero sabi ko wala sa edad ‘yun kung gusto mo mag-aral, ayokong ang trabaho mo ay karpintero o nasa bukid lang." pahayag ni Nida na ina ni Francis.
Credit: Francis Tirso Sinaban
Credit: Francis Tirso Sinaban
Pinilit ni Francis na mag-aral kahit na dumanas ito ng matinding pangungutya sa ibang tao noong nag-aaral ito ng high school sa edad niya na 17.

Ngunit hindi ito naging dahilan upang masiraan siya ng loob at hindi nagpatinag sa sinasabi ng iba sa halip ay ito ang nagpatibay ng kanyang loob upang makapagtapos na isang honor student.

"Marami akong naririnig na ang tanda ko na daw bakit high school pa lang ako." ayon kay Francis

Credit: Francis Tirso Sinaban
Credit: Francis Tirso Sinaban
Namasukan din si Francis bilang isang service crew sa isang fast food chain upang may maipandagdag sa pantustos niya sa kolehiyo na tila naging kayod-marino naman ang ginawang paghahanap buhay ng kanyang ina hanggat sa nag-alaga ito ng baboy.


Ngunit napawi ang lahat ng hirap at sakripisyo nilang mag-ina ng matapos ni Francis ang pag-aaral bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa isang unibersidad sa Santiago City.

"Hindi pa huli sa marathon. Hangga’t may pangarap ka habulin mo lang. Mas malayo ‘yan kapag nakatayo ka lang at walang ginagawa. Pag hinahabol mo, mas malapit ka sa finish line." dagdag na pahayag ni Francis

Credit: Francis Tirso Sinaban
Credit: Francis Tirso Sinaban
Maging silbing aral sana ito sa ibang kabataan natin na ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ang pangarap at makapagtapos ng pag-aaral.

Sa halip na masiraan ng loob ay mas lalong pagbutihan ang ginagawa at masipag para lamang matupad ang ninanais na pangarap.

Source: ABS-CBN ,  Facebook

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Anak ng isang labandera nagtapos bilang isang Cum Laude sa private school.
Anak ng isang labandera nagtapos bilang isang Cum Laude sa private school.
https://3.bp.blogspot.com/-uWgBGZKRt4Q/WrRzeVvv6HI/AAAAAAAAFh0/rSfMkoqlf9kzxl0dxk4ic6kgjJxQ8I2CgCLcBGAs/s640/Anak%2Bng%2Bisang%2Blabandera%2Bnagtapos%2Bbilang%2Bisang%2BCum%2BLaude%2Bsa%2Bprivate%2Bschool..jpg
https://3.bp.blogspot.com/-uWgBGZKRt4Q/WrRzeVvv6HI/AAAAAAAAFh0/rSfMkoqlf9kzxl0dxk4ic6kgjJxQ8I2CgCLcBGAs/s72-c/Anak%2Bng%2Bisang%2Blabandera%2Bnagtapos%2Bbilang%2Bisang%2BCum%2BLaude%2Bsa%2Bprivate%2Bschool..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/03/anak-ng-isang-labandera-nagtapos-bilang.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/03/anak-ng-isang-labandera-nagtapos-bilang.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy