Angel Locsin sinagot ang isang netizen na sinabihan siyang "slut-shaming" at maging si Robin Padilla ay muntik na nitong makaaway.

Sinagot ni Angel Locsin ang isang netizen na sinabihan siyang "slut-shaming" dahil sa ginawa niya noong Marso 6, sa isang grup...


Sinagot ni Angel Locsin ang isang netizen na sinabihan siyang "slut-shaming" dahil sa ginawa niya noong Marso 6, sa isang grupo ng mga babae na nagperform sa Pilipinas Got Talent.

Sa episode na ito ay nagperform ng sexy dance ang mga babae habang nagka-carwash ng naka-underwear at pinangalanan nila na "Playgirls" ang kanilang grupo.

Nang magsimula sa pagsayaw ng "Playgirls" ay ilang segudo pa lamang ang lumilipas ay pinindot na ni Angel ang kanyang red buzzer na ibig sabihin ay "stop" dahil sa hindi niya gusto ang ginagawa ng nagpe-perform.

Matapos noon ay ipinaliwanag naman ni Angel na hindi niya daw kayang makita na nagsasayaw ng naka-underwear ang Playgirls para lamang sa Pilipinas Got Talent.

Hanggang sa muntikan pa magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Angel at Robin Padilla.

Ayon sa netizen kay Angel, "lmfao. if @143redangel were really there to empower women such as playgirls, she could've refrained herself from slut shaming. it's their body after all; and they loved and are proud of what they did #pgtsuperfiesta"



Nagreply naman si Angel sa netizen na ito ay sinabi na, "there is no such thing as a 'slut' or a 'non-slut.' There are WOMEN."

Bago man magsimula na sumyaw ang Playgirls ay isa-isa silang nagpakilala na sila ay sina, Camsi, Darling, Lovely at Trance.

Bukod kay Angel ay wala ng ibang hurado ang pumindot ng kanilang red buzzer kaya ang pagsasayaw ng Playgirls ay tuloy-tuloy.

Matapos ay naging performance ay naunang nagbigay ng komento ang hurado na sina Robin, Vice Ganda at Freddie Garcia o mas kilalang "FMG"

Naunang nagtanong si Robin kung maayos lamang ba ang nararamdaman ng babaeng nag-split at bumagsak sa mabatong sahig.

Sumunod naman na nagbigay ng komento ay si Vice at tinanong muna nito ang grupo na, "Ano bang talent yung pinakita niyo, anong tawag doon?"

"Nagugulumihanan lang ako kung carwashing in your underwear is really a talent.

"Pero kung talent talaga kasi iyan, kahit naka-pajama ka at naka-belo ka, kung kakaiba yung talent mo, makikita at makikita yung talent mo."

Sumagot naman ng isang miyembro ng Playgirls na si Camsi, "Carwash po. Yes po, we danced."

Sinabi pa ni Vice sa grupo "Kayong apat ay walang kaduda-dudang babae. Napakagaganda niyong babae.

Matapos noon ay nagbigay na ng komento si Angel at kung bakit niya pinindot agad ang kanyang red buzzer.

"Ako kasi, parang hindi ko kaya na makita kayo na nagsasayaw ng naka-underwear para sa amin.

"Masyado kayong magaganda at masyado niyo itong pinaghirapan para gawin yun.

"Kung may talento kayo, yung ang ipakita niyo sa amin, dahil talent ang hinahanap namin dito, hindi katawan.

"Kaya kayo binuzz. Ayokong ma-objectify kayo, masyado ako nagmamalasakit para sa inyo para i-go ko ito at patuloy kayo panoorin ng kalalakihan na ginagawa iyan.

"Yun yung para sa akin."

Sumunod na nagbigay ng komento muli si Robin at kinausap nito ang grupo.

Nagtanong si Robin kung gusto ba ng mga ito ang kanilang ginagawa.

"Ginagawa niyo ba iyan dahil gusto niyo o labag sa kalooban niyo?

"Isa-isa ha, kasi mahalaga ito. Para mabura sa isipan ng ibang judges na kayo ay napilitan."

Agad naman na napatingin si Angel kay Robin matapos niyang itanong ito at sinabi na, "Wala namang nag-iisip na napilitan, Kuya Binoe."

Ayon pa sa Playgirls nag-enjoy naman daw sila sa kanilang ginawa na pagsasayaw.

Tinanong muli ni Robin ang Playgirls, "Gusto niyo ba iyon na ang mga kalalakihan, e humahanga sa inyo?"

Makikitang nabigla si Angel at napatanong ito kay Robin ng "Seryoso ka?"

Bumulong pa si Robin kay Angel at sinabi nito na, "Pakinggang muna natin sila."

Sumagot naman si Angel ng, "Okay"

Sumagot naman si Camsi sa tanong ni Robin "Opo naman. Para naman po sa amin e talent naman po namin ito."

Matapos noon ay binigyan pa ni Robin ng payo ang grupo at nilinaw nito ang intesyon ni Angel.

Ani ni Robin "Yung sinasabi nila sa inyo, magandang point iyon.

"Intindihin niyo si Angel, advocacy niya iyan. Women’s rights. Kaya niya sinasabi iyan…"

Pahabol na sagot ni Angel, "Para protektahan din kayo."


Paglilinaw muli ni Robin, "Sana maintindihan niyo iyan, ha.

"Walang against sa inyo, lahat ng sinabi nila dito, pabor sa inyo."

Si Angel at Vice ay nag-no sa Playgirls dahil bukod sa hindi nila ito tinuturing na talent ay hindi ito maganda na napapanood ng iba lalo na't may kalalakihan na nanonood sa kanila.

Sabi pa ni Angel sa grupo bago umalis sa kanilang harapan, "Obviously, very entertaining yung pinakita niyo.

"Siguro hindi lang talaga ito para sa akin. Pasensiya na, I have to say no."

Muling paliwanag ni Vice, "Ako, yung desisyon ko e walang kinalaman sa kung anong suot niyo, ha.

"Kasi your wardrobe or whatever you’re wearing now is part of your self expression at lahat tayo ay may karapatan kung paano natin gusto i-express ang mga sarili natin.

"If you’re comfortable bilang mga babae, karapatan niyo iyan kung paano niyo gusto i-express ang mga sarili basta ang mahalaga ay hindi niyo naba-violate o walang buma-violate sa karapatan ninyo.

"Pero talent-wise, for me, I don’t think that’s enough to win two million pesos here in PGT. So I’m saying no."

Nang matapos ang pagpapaliwanag ng mga hurado sa Playgirls ay humingi agad ng pasensya si Robin kay Angel.

Ani ni Robin, "Tol, huwag ka magalit sa akin."

Pahayag naman ni Angel, "Kuya, hindi lang naman kasi yung damit ang problema.

"Pero kasi kailangan mong turuan ng awareness yung mga kababaihan."

Matapos noon ay makikita ng umiiyak si Angel.

Patuloy na humihingi ng pasensya si Robin kay Angel, "Pasensiya ka na, 'tol, ha, hindi kita kinontra, 'tol. Hindi kita kinontra, 'tol, wala namang kumontra."

Ayon pa kay Vice, "Even if it’s your body, you cannot control other people’s perception, di ba, kung paano nila titignan yung ginagawa."

Pahayag pa ni Angel, "Kaya nga di ba, may mga pinapasarang mga bar yung Gabriela, ganyan, kasi akala nila ito yung way, ito yung way para makakuha ng pera, para sumikat.

"Kailangan turuan ng awareness kahit papaano.

"Wala naman tayong ibang paraan kung hindi sabihin talaga, yun lang yung sa akin."

Sa huli ay nagsorry sina Robin at Angel sa isa't isa dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Ito ang video kung saan makikita ang ilang ganapan sa kanilang mga naging pahayag at pag-uusap:


Source: PEP , Twitter , Youtube 

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Angel Locsin sinagot ang isang netizen na sinabihan siyang "slut-shaming" at maging si Robin Padilla ay muntik na nitong makaaway.
Angel Locsin sinagot ang isang netizen na sinabihan siyang "slut-shaming" at maging si Robin Padilla ay muntik na nitong makaaway.
https://1.bp.blogspot.com/-miEtz9yMlV0/WpxTQ2WNTlI/AAAAAAAAEjw/MrFyMlJ3IvkIFlU-n21B0hc_Y1p7JjBRQCLcBGAs/s640/Angelo%2BLocsin..jpg
https://1.bp.blogspot.com/-miEtz9yMlV0/WpxTQ2WNTlI/AAAAAAAAEjw/MrFyMlJ3IvkIFlU-n21B0hc_Y1p7JjBRQCLcBGAs/s72-c/Angelo%2BLocsin..jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/03/angel-locsin-sinagot-ang-isang-netizen.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/03/angel-locsin-sinagot-ang-isang-netizen.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy