Beteranang aktres na si Odette Khan napilitan isangla ang mga alahas dahil sa kahirapan.

Sa ulat ng Definitely Filipino inamin ng aktres na si Odette Khan na umabot siya sa sitwasyon na napilitan siyang magsangla ng mga naipon...


Sa ulat ng Definitely Filipino inamin ng aktres na si Odette Khan na umabot siya sa sitwasyon na napilitan siyang magsangla ng mga naipon niyang alahas dahil sa kawalan ng mga proyekto sa showbiz.

Ayon pa dito naging matumal ang naging dating ng offer ng proyekto kay Odette sa telebisyon o pelikula man kaya't hindi nagtagal ay umabot siya sa punto na kailangan niyang isanla ang mga alahas dahil sa tagal ng pagkakabakante.

Matapos ng lahat na ito ay unti-unti na ngayong nakakabangon ang beteranang aktres. Hanggang sa unti-unti na rin niyang natutubos ang mga alahas na naisanla dahil nagkakaroon na siya ng mga proyekto sa GMA-7.

"Sa totoo lang, e, ni minsan hindi ko nagawang ma-late sa pagbabayad ng tubo sa mga isinangla kong alahas. Kaya naman gano’n kadali kong natubos ang mga ‘yon dahil sa wala akong palya sa pagbabayad sa kanila," pahayag ni Odette.


Dagdag pa ni Odette kung ang ibang artista daw ay hindi kayang aminin ang kanilang pagkakautang ay iba daw siya. Hindi daw niya kayang magpaka-showbiz at hindi siya yung tipong itinatago sa publiko ang kanyang nagiging kalagayan. Aaminin daw niya ang tunay niyang kalagayan maging ang kanyang naging dinanas na kahirapan.

Sa ngayon ay hangad lamang ni Odette na magtuloy-tuloy ang kanyang mga trabaho dahil na din sa may mga umaasa pa din sa kanya at para na din sa pansarili niyang mga pangangailan dala ng katandaan.

Samantala nito lamang katatapos ng Star Awards for Movies ay itinanghal na Best Supporting Actress si Odette dahil sa ipinamalas niyang galing sa pagganap sa Bar Boys.

Masayang-masaya daw siya at hindi mawala ang kanyang kaba mulo noong umalis siya ng kanilang bahay hanggang sa tawagin ang kanyang pangalan sa intablado bilang isang Best Supporting Actress.

Ito daw ang kauna-unahanag pagkakataon na nabigyan ng pansin siya ng Star Awards sa tagal niya sa mundo ng showbiz ay ngayon lamang siya nakatanggap ng acting award na matagal na niyang inaasam-asam.

Paglilinaw ni Odette na hindi na daw siya umaasa ngayon na masusundan agad ang award na ito, ngunit hiling niya ay ang patuloy na pagdating ng proyekto sa kanya.

Sa ngayon ay isa si Odette sa napapanood sa serye ng GMA na "Ang Forever Ko'y Ikaw".

Ito ang video na kung saan ay nakapanayam siya at ikinuwento niya ang mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay:


Source: Definitely Filipino , Balita.net , Youtube

COMMENTS

Name

Education,3,Entertainment,28,Health,7,Social,3,Videos,1,Viral,1,
ltr
item
Feed Exposed: Beteranang aktres na si Odette Khan napilitan isangla ang mga alahas dahil sa kahirapan.
Beteranang aktres na si Odette Khan napilitan isangla ang mga alahas dahil sa kahirapan.
https://2.bp.blogspot.com/-OnJUL7eu_eI/WqMR_hnqoVI/AAAAAAAAEzo/ReY_uNrejjQfJIUBIWCo9XbSYw-sZ7VMQCLcBGAs/s640/Odette%2BKhan.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-OnJUL7eu_eI/WqMR_hnqoVI/AAAAAAAAEzo/ReY_uNrejjQfJIUBIWCo9XbSYw-sZ7VMQCLcBGAs/s72-c/Odette%2BKhan.jpg
Feed Exposed
http://www.feedexposed.com/2018/03/beteranang-aktres-na-si-odette-khan.html
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/
http://www.feedexposed.com/2018/03/beteranang-aktres-na-si-odette-khan.html
true
4693774187146437629
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy