Nakalabas na ng ospital ang manugang ni Vic Sotto na si Marc Pingris at nakauwi na ng kanilang bahay, matapos siyang bigyan ng atensyong ...
Nakalabas na ng ospital ang manugang ni Vic Sotto na si Marc Pingris at nakauwi na ng kanilang bahay, matapos siyang bigyan ng atensyong medikal dahil sa natamong nitong injury sa game 1 nila nitong Marso 10.
Sa Instagram ni Marc ay ibinahagi nito ang kanilang larawan kasama angk anyang asawa na si Danica Sotto. Ngunit makikita na may saklay ito at balot pa rin ang bahagi ng kanyang tuhod.
"Going home today." Instagram post ni Marc sa kanyang post
Pinasalamatan din ni Marc ang panginoon at lahat ng taong nanalangin sa kanya na gumaling siya matapos ang nangyaring insidente.
"Thank you Lord and to everyone who prayed for me. Salamat nang marami sa inyo!" ani ni Marc
Natamo ni Marc ang injury sa kaliwanag tuhod sa ACL (anterior cruciate ligament) kaya't hindi na ito makakabalik sa serye ng kanilang mga laro ngayon.
Ito naman ang mga komento ng kanyang mga tagahanga sa kanyang Instagram post:
@mhuret14, "Pagaling k idol,..#batangpinoysakuragi💪🏻🏀"
@erwinbalagot, "Praying for your fast recovery Bro. Marc God bless. ☝️☝️☝️"
@reybenjan, "pagaling ka idol aantayin namin ang pagbabalik mo💪"
@vivacious_jon, "Pagaling ka pinoy sakuragi! Our prayers for you🙏 God bless you and your family❤"
Sa huling post ni Marc ay ibang laro naman ang inaatupag nito ngayon na ikinatuwa ng kanyang mga followers sa Instagram dahil sa paglalaro nito ng video game.
Ito ang video kung saan na-injury si Marc Pingris sa game 1 nila:
Source: Definitely Filipino , Instagram , Youtube
COMMENTS